Agad naman niyang inabot sakin ang phone ko. "Ang dami mo ng missed calls. Baka sa office niyo yan." Ani Troy bago siya umupo sa lounger niya.
Kumabog ang dibdib ko nang makita na number ni Adam ang kanina pa tumatawag sa akin. Papatayin ko na sana ang cellphone ko ng may pumasok na text mula ulit kay Adam.
Fr: Unknown Number
Answer the phone, Miracle. Hindi ka ba papasok? Is it because of what I said last night?
Umiling ako at pinatay na ang phone ko. "AWOL nga diba. Dapat di ako magpaistorbo mula sa mga tao sa office." Simpleng sabi ko kay Troy at umupo nadin sa lounger ko. "Let's just stay here, napagod ako. Maya maya na tayo umakyat." Sabi ko pa.
"Besides, namiss ko magbeach. It's been a while." I shrugged and smiled at him.
Tumango siya. "Okay, as you wish my princess." Aniya at inabot ang mango shake sa akin. Tinanggap ko iyon at nagpasalamat. We stayed there for almost an hour bago kami magpasyang umakyat sa kwarto namin.
Gusto ko pa sana pagmasdan ang mga alon na humahampas sa mga buhangin pero nakaramdam na kami pareho ng gutom.
Dalawang araw na ganoon lang ang naging eksena namin ni Troy. We'd play in the beach like we're not adults. We'd cuddle, kiss and make out from time to time. We'd stroll around the beach, reminiscing the first time we went out of town as a couple or those random late night roadtrips. It was like we're having our honeymoon, minus the love making of course.
I'm just not ready for that. Gusto ko ay sa totoong honeymoon namin iyon unang gagawin. Because I want my first to be special. Call me old fashioned pero naniniwala ako sa sex after marriage.
Dalawang araw din na patay ang phone naming dalawa ni Troy. Sabay ko itong binuksan ng nasa byahe na kami pauwi. Sunod sunod ang tunog ng phone ko at phone niya. Natawa kaming pareho. "Patay." Sabi niya.
I nodded. "Patay nga." Sabi ko. Karamihan sa mga texts ay mula sa opisina naming pareho. "Nako, galit na yata yung tito Ashton mo." Sabi ko nang mabasa ang isang text nitong all caps na sinasabing pumunta agad si Troy ng office ASAP.
Tumawa siya pero halatang kabado ang loko. "Pupunta nalang ako agad ng office paghatid ko sayo sainyo." Aniya.
Tumango ako at hindi na nakipagtalo. Two days kaming nawala sa trabaho namin na walang pasabi, for sure ay pareho kaming mapapagalitan ng mga boss namin.
Mabilis ang naging byahe namin kaya naman maaga kaming nakarating sa bahay namin. And by maaga I mean 5:30 in the afternoon. "Hindi na kita ihahatid papasok ah. Pupunta na ko sa office para abutan ko si Tito." Sabi niya.
I nodded and kissed him goodbye. Papasok ako ng gate ng mapansin ko ang itim na sasakyan sa harap ng sasakyan namin. I shrugged, siguro ay sa kapitbahay iyon.
Pagpasok ko palang ng pinto ay nakarinig na agad ako ng tawanan mula sa kusina. "Nako, hindi na po nakakahiya." Nanlamig ang buong katawan ko ng mabosesan ko si Adam.
Anong ginagawa niya dito?
"Ito naman nahiya pa, sige na. Hinanda ko yang cupcakes para may maiuwi ka." Boses iyon ni Mommy.
Narinig ko ang marahang pagtawa ni Daddy. "Oo nga naman, Adam. Pagbigyan mo na iyang asawa ko. Namiss lang niyan magluto ng cupcakes dahil mula ng magdalaga si Mira ay hindi na iyon nahilig dyan." Anito at halos mapatalon ako sa gulat ng makita niya ako. "Oh, andito na pala siya."
Humalik ako sa pisngi ni Daddy at ni Mommy bago ako kumuha ng isang cupcake na nasa counter sa kusina namin. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Adam.
"Iwan na muna namin kayo. Basta Adam, iuwi mo yang mga binake ko ha." Sabi ni Mommy at marahang hinaplos ang balikat ko bago sila umakyat ni Daddy patungo sa kwarto nila.
"Doctor pala pareho yung parents mo." Iyon ang isinagot niya sa tanong ko.
I nodded. "Anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman san ako nakatira?" Tanong ko ulit.
He sighed. "I was worried na baka dahil sa sinabi ko kaya dalawang araw ka ng di pumapasok. Tinanong ko ulit sa bestfriend mo yung address mo kaya ko nalaman na dito ka nakatira." Ani Adam.
Trina naman! Sinabi na nga yung phone number ko, pati ba naman address? Patay sakin yung babaeng iyon.
Umiling ako at lumakad patungo sa ref para kumuha ng juice. "Nagbakasyon kami ni Troy kaya ako absent ng ilang araw." Sabi ko.
Humugot ako ng malalim na hininga para kuhanin ang lakas ng loob ko. "Pwede bang kalimutan nalang natin yung nangyari?" Tinignan ko siya. Biglang nablanko yung expression niya. "We were both drunk, and it was just a kiss. May boyfriend ako, Adam. At mahal ko yung boyfriend ko."
He nodded slowly before taking his eyes off me. "Okay. Suit yourself, Miracle." Anito at naglakad na palabas ng bahay pero agad ko siyang hinabol.
"Adam!" Pagtawag ko sakanya kaya agad siyang huminto sa paglakad. "I'm sorry. It's just that hindi ko sinasadya yung nangyari, and I can't risk my relationship with Troy over one kiss." Pagpapaliwanag ko.
"I understand. You love him. I get it, Miracle. I do."
KAMU SEDANG MEMBACA
All Strings Attached (PUBLISHED UNDER PHR)
Fiksi PenggemarWhen men cheat, they cheat for sex. But when a woman cheats, it's something more. Because unlike men, women cheat for love, and affection. (Published under PHR. Available in Precious Pages Stores and National Bookstore.)
Chapter 9 - Beach
Mulai dari awal
