Chapter 29: The Division (Ang Paghahati)

414 23 0
                                    

"As every divided kingdom falls, so every mind divided between many studies confounds and saps itself."

-Leonardo da Vinci  


"Paano ka nakatakas?" tanong ni Tanya habang tinatalian ang naputol na braso ni Inspector Vega. Inaakay naman ng binata ang matandang inspektor sa kanyang balikat.

"Sa kamatayan?" sambit ni Dylan. Tumingin lamang si Tanya sa kanyang mga mata. Nakatuon naman ang atensyon ng binata sa inaakay na kaibigan.

Nagtayuan na ang ilang mga bid, binitbit ang kanilang mga kagamitan, niyakap ang mga batang nilalamig at nagsimulang sundan ang ilan pang myembro ng mga rebelde. Hawak pa rin nila ang kanilang mga baril sa pag-aalalang makakasagupa nilang muli ang mga sundalo. May tinig ng panaghoy, hindi maiiwasan. Maraming mga bid ang namatay ngunit wala silang magagawa kundi iwan ang mga bangkay ng kanilang mga mahal sa buhay. Napatingin lamang si Dylan sa kanila, saglit na naisip ang kanyang kamatayan at ang pagkabuhay.

"Nang asintahin ko ang ulo ni Dano...sinubukan mo pang hawakan ang memory gene niya. Bakit? Burado na ang isipan niya sa pagkakataong 'yon. Hindi mo na kailangang patayin ang isang taong patay na," pagpapatuloy ni Tanya. Napatigil naman si Dylan at saglit na nagsalubong ang mga kilay.

"Ikaw...ikaw pala ang may gawa noon," sagot ng binata. Tumalikod siya sa dalaga at binuhat na ng tuluyan ang inspektor na nanghihina na.

"Iniligtas kita, hindi ka man lang ba magpapasalamat?"

"Hindi ko kailangan ng tulong mo! Ginulo mo lang ang lahat!" wika ni Dylan. Napatingin ang ibang mga bid sa kanya maging ang ilang mga rebelde. Napatigil naman si Tanya sa kanyang kinatatayuan. Nakaramdam ng hiya, lungkot at pagsisisi.

"May mga sarili akong plano, hindi mo siya kailangang barilin. Wala kang alam sa mga ginagawa ko."

"Pero bakit ka nandito? Bakit mo kami inililigtas? 'Di ba tinalikuran mo na ang pagtulong mo sa mga bid?!" sigaw ni Tanya. Napatigil ang binata at tumingin sa kanya.

"Hindi ako isang bayani, ginagawa ko lang ang alam kong tama," sagot ni Dylan.

"Gumaganti ka. Tama ba? May hinahanap ka...ginagawa mo itong lahat para maghiganti!" sigaw ng dalaga. Tuluyang napatigil ang mga tao at napatingin sa kanila. Lalong nalukot ang mukha ni Dylan habang nakatingin sa kanya.

"Oo! Dahil 'yon na lang ang mayroon ako!" sambit niya. Ilang segundo ding nakatigil ang dalawa bago tumalikod ang binata at maglakad kasabay ang mga taong lumilikas.

___________________________

"Sir nakita na namin ang target," wika ng pilot na nagmamaneho ng isang military heli ship.

Pinalibutan ng halos limang heli ship ang isang puting heli ship na nakatigil lamang sa ere. Nakabukas ang ilalim nito at patuloy pa rin na nagpapaulan ng pera. Pinakita naman sa hologram screen sa malakanyang ang live video coverage mula sa mga heli ship ng militar. Nakasimangot lamang si nico Rivera habang pinapanood ang video na iyon.

"Model: Ford Astoria Code number: AD989," sambit ng isang piloto. Agad namang ipinasok ng sekretarya ng pangulo ang mga numerong iyon sa kanyang hologram tablet at doon ay lumabas ang pagkakakilanlan ng heli ship na iyon.

"Confirmed sir, kay Dylan Ford nga ang heli ship," sagot niya.

"Alisin niyo 'yan diyan! Wala akong pakialam kung paano niyo gagawin!" utos ni Nico Rivera.

"Masusunod po," sagot ng piloto.

_________________________________

Tumunog ang communicator ni Dylan na nakakabit sa kanyang kaliwang braso. Saglit siyang napatigil, itinaas niya ang manggas ng kanyang trench coat at doon ay lumabas ang isang hologram image.

Project: Black Out (Philippines: Year 2300 Prequel) #Wattys2016 #TrailblazersМесто, где живут истории. Откройте их для себя