Chapter 7: Identity Crisis

1.6K 61 13
                                    

Only when we are no longer afraid do we begin to live.

-Dorothy Thompson


"Nakatayo ako sa gitna ng kawalan...ang tigang na lupa at ang makakapal na ulap ang nagsilbing daan para sa akin. Wala kang makikitang nabubuhay sa lugar na iyon kundi ang mga sira-sira nilang bahay. Mga nagtataasang gusali na iniwan na ng panahon sa di kalayuan at ang baku-bakong daanan kung saan naroroon ang mga sasakyang pandigma at ang sasakyan ng mga sibilyan. Napakalawak ng pinsala...at hindi ko man lang alam kung ano ang dahilan ng pagkawasak na iyon," wika ni Dylan habang nakaupo sa kanyang kama. Abalang-abala naman si Brigand sa pagtitimpla ng kanyang kape gamit ang isang mamahaling tasa at ginintuang kutsara. Nagpatuloy siya sa pakikinig, tinitigan niya sa mata ang binata upang ipagpatuloy ang kanyang pagkukwento. Napayuko naman si Dylan at pilit na inalala ang kanyang panaginip.


"Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa...makita ko ang isang puno sa gitna ng malawak na pinsala. Napabuntong hininga ako nang makita ang tatlong tao sa ilalim ng punong iyon. Isang ama, ang kanyang anak...at isang sundalo na pilit na inaagaw ang kanyang anak. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil may tao pa sa lugar na iyon...o malulungkot dahil sa nakikita ko. Hawak ng sundalong iyon ang isang kutsilyo. Pilit na inaagaw ang bata na akay-akay ng kanyang ama. Hinawakan niya ang kamay ng batang iyon at ibinuka ang kanyang palad. Iniisa-isa niya ang daliri ng bata...pinuputol niya ang mga daliring iyon habang binabalatan ang kanyang kuko. Wala siyang ibang ginagawa kundi ang tumawa habang binabalatan at pinuputol ang kamay ng walang kamuwang-muwang na paslit. Wala namang ibang nagawa ang kanyang ama kundi makiusap...na itigil na ang ginagawa ng sundalong iyon," wika niya. Tila napakunot naman ang noo ni Brigand at muling tumingin kay Dylan. Kinuha naman ng binata ang kanyang kape at humigop ng kaunti.


"Sandali lang! Bitawan mo siya! Iyon ang sabi ko sa sundalong iyon. Nakuha ko ang atensyon niya, humarap siya sa akin at itinutok ang patalim na hawak niya. Isang pagkakataon iyon para sa bata..para makaalis, makatakbo at tumakas sa peligrong sinasapit niya. Tumakbo ang batang iyon. Hindi naman sumunod ang kanyang ama. Nakipagbuno lamang ang lalaking iyon sa sundalo habang dalawang ibon naman ang dumapo sa isang sanga ng puno. Isang puting kalapati, at isang uwak ang aking nakita. Lumipad patungo sa tumatakbong musmos ang puting kalapati na iyon samantalang ang itim naman ay tumitig sa akin. Ang mga mata niya ay nanlilisik...nakatingin sa akin. Ilang saglit pa ay pinaling niya ang kanyang ulo sa sundalo na nakikipagbuno sa lalaki. Nagmamakaawa ang lalaki na iyon na itigil na ang kanyang ginagawa. Lumapit ako sa sundalo, inagaw ko ang kutsilyo niya at isinaksak sa kanyang likod. Iniwan ko ang kutsilyong iyon sa kanyang likuran. Hindi na siya pumalag...hindi na siya lumaban. Sa pagkakataong iyon ay alam kong patay na siya. Ang itim na uwak naman ay agad na dumapo sa kanyang ulo at tinuka iyon ng tinuka. Isa lang ang bagay na nakapagpagulo sa akin sa pagkakataong iyon," kwento ni Dylan. Humigop itong muli ng mainit na kape at ibinaba iyon ng dahan-dahan sa kanyang mesa sa kanyang harapan.


"Ano po 'yon Master?"


"Tiningnan ako ng uwak na iyon. Tinitigan din ako ng lalaki na aking iniligtas...'bakit mo ginawa 'yon?' Iyon ang tanong niya sa akin. Nakakunot ang kanyang noo at nanlalaki ang kanyang mga mata, nagtataka, nagugulat, natatakot...na para bang may kasalanan akong ginawa. Oo nga...napatay ko ang sundalong iyon. Pero ginawa ko 'yon para mabuhay siya at ang kanyang anak. Pero bakit Brigand? Bakit ako nakaramdam ng kosyensya? Bakit pakiramdam ko...ako ang may kasalanan?" wika ng binata. Bahagya siyang napayuko at kinamot ang kanyang ulo gamit ang kanyang mga kamay.


"May sasabihin ang mga tao sa atin kahit na anong mangyari. Gumawa ka ng tama, may sasabihin pa rin sila. Wala silang pakialam kung nagawa mo silang iligtas. Hindi nila sisiyasatin at tatanunging ang kanilang mga sarili kung bakit sila nabuhay. Sa pananaw nila ay pumatay ka...pumatay ka at ikaw ang may kasalanan," paliwanag ng matandang butler. Ngumiti naman si Dylan at tumingin sa kanya.

Project: Black Out (Philippines: Year 2300 Prequel) #Wattys2016 #TrailblazersNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ