Chapter 11: Faded Memories (Ang Kumukupas na mga Alaala)

976 51 13
                                    

In the End, we will remember not the words of our enemies, but the silence of our friends.

-Martin Luther King Jr.

"Hindi man lang siya nag-alangan. Maraming tao dito," bulong ni Inspector Robert Vega habang nagpapatuloy sa paghahanap kay Dylan. Nakasunod sa kanyang likuran si Tanya kasama na ang nagpapanggap na alalay nito. Isang lalaki naman sa likuran ni Tanya ang patuloy din na nakasunod sa kanya habang nakangiti. Nakasuot siya ng isang pulang sombrero at itim na jacket. Tumingin naman sa kanyang likuran ang kasama ni Tanya at agad namang nagpanggap na nakikiraan lamang ang lalaking iyon. Sinundan niya iyon ng tingin hanggang sa siya'y tumungo sa kumpol ng mga tao at nakihalubilo.

Agad namang umiwas ng tingin ang lalaking iyon nang maisip niyang walang masamang intensyon ang lalaking iyon ngunit nang umiwas sila ay muli siyang tumingin. Ngumiti siya at dahan-dahang sumunod sa pamamagitan ng pagdikit sa iba pang mga bisita.

Isang matandang lalaki naman na nakasuot ng top hat ang yumuko upang bigyang pugay ang isang magandang dilag. Agad kinuha ng lalaking iyon ang kanyang top hat at ipinalit ang sumbrero na kanyang suot. Hindi naman iyon napansin ng matandang lalaki. Nagtawanan lamang ang mga tao at nang mapansin niyang iba na ang kanyang suot ay agad niyang sinipat ang paligid ngunit huli na ang lahat. Hindi niya na nakita pa ang kanyang magarang sumbrero. Ang lalaki naman na umagaw ng sumbrero ay sumunod pa rin sa dalawa. Sa pagkakataong iyon ay iba na ang kanyang galaw. Taas noo itong naglalakad habang sinusundan si Tanya. Hindi na rin iyon napansin ng alalay ng dalaga dahil sa iba nitong suot.

"Nasaan ka ba?" bulong muli ng inspektor. Tila pinagpapawisan na siya ng malamig habang aligaga sa paghahanap.

"Uhmf!" inda ni Dylan nang makabangga niya ang inspektor. Sa pagkakataong iyon ay kalalabas niya pa lamang ng banyo.

"Inspektor.Nagmamadali ka yata," wika ng binata.

"A-aah. Dylan. Pasensiya na...akala ko kasi..."

"May hinahanap po ba kayo inspektor?" pagsisiyasat ng binata. Agad namang tumigil si Tanya sa paglalakad nang makita ang binata. Tila nagulat pa ito sa biglaang pagsulpot nito. Naglakad na lamang siya na parang normal habang kasama ang kanyang alalay. Tila nag-iba naman ang tingin ni Brigand sa dalaga nang mapansin ang biglaang pagbabago ng kilos nito. Nginitian ng dalaga si Dylan. Ngumiti naman pabalik ang binata sa kanya.

"Ahh. Akala ko kasi kung napano ka na. Haha," tila pinagpawisan na ang inspektor nang sabihin niya iyon. Napaglaruan naman ng pagdududa ang pag-iisip ni Dylan. Hindi na lamang nito pinahalata ang kanyang hinala. Sa isang banda ay napangiti naman ang misteryosong lalaki na sumusunod sa kanila. Tiningnan niya ang binata sa malayo habang nakapangalong baba at nakasandal sa isang sulok.

"Dylan Ford...sa wakas," wika niya sabay ngisi.

"Delikado ang ginawa mo Tanya. Masyado kang malapit!" wika naman ni Albert mula sa kanyang communicator.

"Hanggat hindi ako nagpapapansin lalo akong mawawalan ng tyansa na makausap siya! Diskarte ko na 'to! Ako na ang bahala..." wika naman ng dalaga.Sa pagkakataong iyon ay nakalayo na siya kay Dylan. Kumuha na lamang siya ng champagne mula sa isang waiter na naglalakad habang dala ang tray na naglalaman ng baso na may alak. Hindi siya nagpahalata.Nakihalubilo siya at muling binantayan ang galaw ng binata.

"Tayo na inspektor. Nagsisimula na ang subastahan ng mga libro," pag-aanyaya ni Dylan. Hindi man pinahalata ang kaba ay batid na rin ng binata ang paghihinala nito.

"S-tayo na," wika niya. Muling naglakad si Dylan at kahit na paika-ika ay pinilit niyang lumakad. Sinubukan naman siyang alalayan ng inspektor.Hinawakan nito ang kanyang braso at inakay upang makatayo at makalakad ng maayos.

Project: Black Out (Philippines: Year 2300 Prequel) #Wattys2016 #TrailblazersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon