Chapter 28: The Last Ace (Ang Huling Alas)

Start from the beginning
                                    

Nagsalubong ang mga kilay ni Dylan. Iyon ang tanong na ibinato na rin sa kanya ng misteryosong lalaki na kanyang nakasagupa. Hanggang ngayon ay iniisip niya pa rin kung paano nga ba.

"Hindi mo maisip ang sagot? Bakit Dylan? Sino ka nga ba?" tanong muli ni Victor. Gumuhit naman ang isang malaking kidlat sa kaliwa ng sinasakyan ng binata. Bumibigat din ang takbo ng kanyang heli ship dahil sa kapal ng pag-ulan ng niyebe.

"Bakit?! Sabihin mo sa akin bakit?! Ano ba talaga ako?!"

Hindi na napigilan ni Dylan ang kanyang emosyon at kasabay ng kulog ay kumawala din ang kanyang galit. Hinampas niya ng paulit-ulit ang manibela ng heli ship maging ang dashboard ay napagdiskitahan niya din. Sa sobrang galit ay tila nawawala na rin siya sa sarili habang paulit-ulit na sinasambit ang mga tanong na iyon.

"Relax...relax. Gusto kong huminga ka. Inhale...exhale...inhale...exhale."

"Hindi ako nakikipaglaro sa 'yo!"

"Gusto mo talagang malaman ang totoo? Matagal mo nang hawak ang kasagutan anak. Matagal na. Ang mga sagot ay nasa iyong mga kamay lang," sambit ni Victor.

Dahan-dahan namang kumakalma si Dylan habang tinititigan ang memory transfer reactor na nasa kanyang kanang kamay.

"Ang taong 'yon...ang nagbigay ng mga memory gene sa kinilala kong ina...i-ikaw ba ang taong 'yon?"

"Haha...bakit mo naman naitanong 'yan?"

Tila bumabalik ang imahe ng ina ni Dylan sa kanyang isipan. Muling kumakalansing ang mga barya na dumadapo sa nagyeyelong semento. Bawat kalansing ay gumagawa ng kakaibang musika sa kanyang isipan.

"Ikaw ang taong 'yon. Ikaw din ang nag-utos na dalhin ang mga memory gene na iyon dito sa Pilipinas. Pero bakit mo sila pinaniwala? Bakit mo pinatay ang mga pinaglipatan ng katawan? Bakit sinabi mo sa aking ina na ikabit ang mga memory gene na iyon sa ibang katawan?"

"Hindi ko sasagutin 'yan. Alam mo na ang sagot diyan. Basta ako nagsasabi ako ng totoo. Kung ano ang nakita mo sa memorya ko, iyon 'yon...'yon ang totoong nangyari. Binura ko ang memoryang iyon sa iyo, inilipat sa ibang memory gene at ang katauhan mo...ang pisikal mong katawan ay sa batang iyon na pinaniniwalaan mong ang iyong ina ay pinatay ng mga lalaking naniningil ng mga memory gene na ibinigay ko sa kanya..."

Hindi umimik si Dylan ngunit nakasimangot pa rin ang kanyang mukha. Pinaling niya sa kanan ang sasakyan upang makaiwas sa mga kidlat at sa mabibigat na ulap.

"Kahit kailan ay hindi magkakaroon ng tatlong hari sa mundong ito...may isang hari ang mamumuno sa iba pa para sundin ang mga ipag-uutos niya. Isa ka ba sa kanila? Dylan?" tanong ni Victor.

Hindi naman naintindihan ng binata ang sinabi ng kanyang ama. Lalo lamang siyang naguluhan. Matapos naman ng tawag na iyon ay saka naputol ang linya. Lumabas siya sa mabibigat na kaulapan at doon natunghayan ang mala-basura nang imahe ng Maynila mula sa itaas.

"Magpaliwanag ka pagkatapos nito," bulong niyasa sarili. Agad niyang kinabig ang tila maliit na manibela sa kanyang harapan.

"Engage autopilot," sambit niya.

"Autopilot mode engaged."

Tumigil sa ere ang heli ship na iyon kasabay ng pagsagot ng computer generated audio nito. Agad tumayo si Dylan upang puntahan ang likod na parte ng heli ship. Doon ay nakabalot ng isang abuhing tela ang isang malaking hugis kahon. Tinanggal niya ang balot at tumambad sa kanya ang napakaraming perang papel na nakabungkos at organisadong nakaayos. Tanging ang mga net at tali lamang ang dahilan kung bakit maayos at organisado ang mga pera sa iisang pwesto.

Lumapit sa likod na bahagi ng heli ship si Dylan kung saan naman nakapwesto ang isang malaking kahon na gawa sa luma at antigong kahoy. Sa loob ay kumikinang ang mga barya na animo'y bago pa lamang. Sinara niya iyon agad, pinindot niya ang isang hologram screen sa tabi ng malaking kahon.

Project: Black Out (Philippines: Year 2300 Prequel) #Wattys2016 #TrailblazersWhere stories live. Discover now