Chapter 20: The Monster

1.3K 48 4
                                    

Chapter 20: The Monster

"Kailangan ko ng gamot. Gamot na makakapagpagaling sa kahit na anong sugat at lason," sambit ko.

Sandali naman siyang napahawak sa baba niya at napatango-tango, "Sige, kung 'yon ang kahilingan mo."

Tinapik niya gamit ang maliit niyang hintuturo 'yong jar na hawak ng estatwa niya at nanlaki ang mga mata ko nang biglang may tubig na nagsimulang lumabas mula ro'n.

"W-wow.."

I watched how the water fountain slowly came to life.

"Ang tubig na 'yan ay nagngangalang Oasis. Lahat ng sugat o karamdaman ay unti-unting napapagaling nito sa loob ng isang araw."

"Isang araw? Bakit ang tagal?"

Napakibit balikat siya, "Hindi mo naman sinabi sa hiling mo na na kailangan agad-agad ay gagaling, hindi ba?"

Muntik na akong napatampal sa noo ko. Hindi ko naman alam na kailangan pala specific.

"Okay na 'yan. Kaysa naman sa wala," sambit ko na lang, "Basta ipapainom lang 'to at gagaling na, tama?"

Tumango siya bilang sagot.

Lumapit uli ako ro'n sa water fountain at sumalok sa tubig gamit ang mga palad ko. Halos makita ko ang sarili kong repleksyon mula roon, dahil sa sobrang kinang at linaw.

"Safe ba talaga 'to?"

Tumaas ang isang kilay niya na para bang ginagaya niya 'yong gesture ko kanina sa kaniya. Langhiyang elf 'to.

Sumalok uli ako pero doon ko napagtanto ang isang bagay. Anak ng, paano ko 'to dadalhin kay Aspen? Ni wala akong lagayan o kahit ano? Kapag kinamay ko 'to baka pagdating ko do'n ni isang patak ay walang matira.

Napatingin ako sa paligid at puro puno, at mga bato lang ang nakikita ko.

"Wala ka bang baso diyan o kahit na anong lagayan?"

"Wala, bakit may nakikita ka ba?" kibit-balikat niya uli.

Napasentido na lang ako. Eh anong gagawin ko rito?

"Kung ako sa'yo, ay bibilisan ko na," banggit pa niya saka inginuso 'yong estatwa niya.

Saka ko nakita na pakaunti na ng pakaunti 'yong lumalabas na tubig sa jar no'ng estatwa niya at mabilis na natutuyo 'yong tubig.

Oh, damn.

Marahas akong napabuntong hininga at sumalok uli ako sa palad ko saka uminom ng kung hanggang saan kaya ng bunganga ko.

Wala na akong choice.

Habang nakalobo sa tubig ang pisngi ko ay binalingan ko si Farren at bahagyang napayuko as a gesture of gratitude.

Hindi rin naman kasi ako makakapagsalita at mukhang naintindihan naman niya.

"Hihintayin kita sa pagbalik. Hanggang sa muli, Dahlia," usal niya kaya napatango uli ako.

Dahan-dahan akong tumalikod at nagsimulang maglakad pabalik sa direksyon kung saan ko iniwan si Aspen, pero di pa ako gaano nakakalayo masyado nang mapahinto ako. Muli akong lumingon doon sa water fountain.

At wala na doon si Farren.

Thank you. I will pay you back.

Binilisan ko na ang paglalakad pabalik at napansin kong nagsisimula ng sumikat ang araw.

Unti-unti ng sumisilip ang iilang sinag ng araw sa mga dahon ng mga nagtataasang puno and it felt as if light fairies where guiding my way.

Nadatnan ko si Aspen na nandoon parin at nakasandal sa puno habang hinang-hina.

Far From WonderlandWhere stories live. Discover now