Chapter 18: Caucus Race

1.4K 57 6
                                    

Chapter 18: Caucus Race

This is not the first time I saw someone died.

Pero ngayon, hindi ako naniniwala. Imposible. How can they take down a Knight General? Sino ba sila?!

Napalingon ako sa harapan ng wagon kung saan nandoon 'yong nagpapatakbo ng wagon at 'yong lalaki kanina na nagposas sa akin.

Aspen and I were the only people here at the back. Bukod sa posas sa kamay ko ay may kadenang nakatali sa isang paa ko na konektado sa paa ni Aspen.

They're smart.

Sinigurado nilang napatumba nila ang isa sa amin para hindi kami kaagad makatakas.

But the thing is, they can't possibly take Aspen down that easily. Ano ba kasing kailangan nila sa amin? May nag-utos ba sa kanila?

Ilang beses kong tinapik ang mukha niya at ang niyugyog ang balikat niya pero hindi siya nagigising. Wala na rin akong maramdaman na hininga mula sa ilong niya.

"Damn it, Aspen, wake up! You fucking Prince of Assholes, wake up!" nagngingitngit na sigaw ko habang patuloy sa pag-alog sa kaniya.

"Huwag kang maingay, kung ayaw mong sumunod sa kaniya!" narinig ko namang bulyaw no'ng parehong panget na lalaki kanina, kaya pinukulan ko siya ng matalim na tingin nang lingunin niya ako mula sa harapan.

"Bakit? Sa tingin mo buhay pa 'yang kasama mo pagkatapos namin siyang panain? May lason ang tumama sa kaniya. Kahit higanteng oso ay lulupaypay," nang-uuyam na sambit niya na akala mo naman ikina-gwapo niya, "Kaya kung ako sa'yo, itikom mo 'yang bastos mong bunganga, kung ayaw mong putulin ko 'yang dila mo."

Tiim-bagang inalis ko ang tingin ko sa kaniya at napayuko.

Kahit gusto ko mang lumaban at tumakas, wala akong maisip na paraan. Not when I'm chained with Aspen and both of my hands are handcuffed. Ni hindi ko pa napapag-aralan kung pano i-equip uli ang armament ko.

What a fuckening.

Stick with me, Dahlia.

Biglang pumasok sa isip ko ang mga salitang 'yon ni Aspen bago mangyari ang lahat ng 'to.

Hinawakan ko 'yong kamay niya at sinimulang kapain ang palapulsuhan niya, saka unti-unting nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ko ang mahina niyang pulso.

He's still alive!

Pumwesto ako sa gilid niya at napagtanto kong hindi ko makakagawa ng chest compressions dahil sa mga arrow sa dibdib niya.

Hindi ko 'yon pwedeng basta tanggalin na lang, or else he will bleed to death.

Sunod-sunod akong napalunok bago muling lumingon sa harapan ng wagon. Pareho na silang nakatingin at nakafocus sa daanan.

Yumuko ako kaagad papalapit sa mukha ni Aspen at bumulong sa tenga niya.

"I know you're not dead. Wake up, bastard," maatoridad na usal ko habang pinapakiramdaman parin ang pulso niya sa kamay.

Then, I felt his fingers moved.

"Too bad. I'm waiting for the CPR," paos ang boses na bulong niya sa akin kaya bahagya na akong napalayo sa mukha niya.

Nakita ko siyang nakapikit parin pero nakataas na ang isang sulok ng labi niya.

Kung wala lang mga arrow na nakatarak sa katawan niya ay kanina ko pa siya sinakal.

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.

"Hindi ka ba talaga marunong magseryoso?" pabulong na tanong ko sa kaniya kaya naman napamulat na siya ng mga mata.

Far From WonderlandWhere stories live. Discover now