Chapter 1: Follow the Rabbit

4.4K 114 3
                                    

Chapter 1: Follow the Rabbit

Nanatili akong nakatayo habang tulalang pinapanood ang papalayong bus na siyang sinakyan ko.

I was dropped in an old bus stop na gawa sa kahoy at parang kaunting ihip lang ng hangin ay magigiba na. Bahagya pa akong naubo dahil sa usok ng buhangin na gawa ng gulong ng bus.

Seryoso ba 'to?

Hindi ba ako naliligaw? Baka naman nagkamali lang si Manong Driver.

I roamed my eyes around and all I could see are muddy fields at my front and a wide forest on the back of the bus stop.

"Hoy, balikan niyo ako rito! Langya, nagbayad naman ako ng maayos ah! Dahil lang may bus stop dito, ibinaba niyo na ako! Ano 'to, bastusan?" inis na sigaw ko sa direksyon na tinungo ng bus. Para akong tangang inaaway ang hangin.

Pero nagdire-diretso lang 'to sa pagharurot paalis kaya nanggagalaiti akong napasabunot sa buhok ko at nabitawan ang pink na travelling bag ko.

"Ma-flat sana gulong niyo, mga pakshet kayo!" huling sigaw ko bago hinihingal na pinulot ang bag ko.

Kainis, ano ng gagawin ko?! Why am I this unfortunate?

My twin brother is missing for almost a month now and the only thing he left is a key and a short letter.

Nag-aalala na rin sila mom and dad sa kaniya. That's why when I finally found a clue to his whereabouts, I decided to find him in a way I can.

Which led me to this hopeless situation I'm in right now.

Dixon, that freaking stupid brother of mine. Kapag talaga nakita ko siya uli, ipapalunok ko sa kaniya 'tong susi na iniwan niya.

Muli kong iginala ang paningin ko sa paligid, but no sign of people or houses or village in the vicinity.

Hindi ko alam kung saang probinsya na 'to. All I know is malapit ng lumubog ang araw at ilang oras na lang ay didilim na ang paligid.

Hindi ako pwedeng ma-stuck dito ngayong gabi ng mag-isa. Ni wala akong kakainin at matutulugan. Hindi rin ako sure kung kelan uli merong sasakyan na dadaan rito.

Naihilamos ko na lang ang mga palad ko bago inilabas ang itim na envelope mula sa bag ko. Iyon ang isang bagay na nakita ko sa kwarto ng kambal ko pagkatapos niyang mawala na parang bula.

Sa loob nito ay isang liham. More likely, an invitation- saying to come in a certain place called Thalassa.

Dahil sa dito ako ibinaba ng bus, I was assuming that this is the place. Pero ngayon, hindi na ako sure kung nasa Earth pa ba ako.

Hindi ko rin alam kung paano nakakuha ng ganitong klaseng invitation si Dixon, pero mukhang taon-taon siyang uma-attend sa 'camp' na ginaganap dito.

Ni hindi niya man lang nabanggit 'yon sa akin dati, kaya kahit ako ay nabigla noong malaman ko na nagpupunta siya sa lugar na katulad nito.

Minsan talaga hindi ko maintindihan ang trip ng kambal ko.

Kinuha ko 'yong papel mula sa maliit na envelope at binasa 'yong letter. Pero kahit ilang beses ko ng basahin 'yon ng paulit-ulit, ang nakalagay lang doon ay ang date ng camp at nagsasabing kelangan kong umattend. Wala man lang naka-indicate na specific location kung nasaan ang camp site.

Nilukot ko 'yong walang kwentang papel at inis na binato sa kung saan. Bwiset!

Nagising pa ako ng maaga at nagbiyahe ng eight hours. Sayang sa pera at pagod. Tapos, heto lang ang mapapala ko?

Far From WonderlandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon