Chapter 14: Knight Generals

1.5K 61 4
                                    

Chapter 14: Knight Generals

Daig ko pa ang naka-drugs.

Nang magising ako uli ay natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakabalik na sa cabin room ni Dixon at nakayakap sa akin ang kanina pang iyak ng iyak na si Ivory.

"I'm sorry, talaga, Dahlia. Hindi namin inaasahan na mangyayari 'yon. We didn't expected that Frith will help you in that way. I'm sorry. Kahit gawin mo kaming alipin ni Tamayo buong summer, okay lang," pagngangawa niya sa'kin, at halos dumikit na rin ang bangs niya sa noo niya.

"B-Boss Dahlia, sa'yo na rin lahat 'tong saging ko, oh!" dagdag pa ni Tamayo na kanina pa nasa gilid at inilabas naman ang isang buwig ng saging sa bulsa niya at inilapag pa 'yon sa kama ko.

Lang hiya, paano nagkasya 'yon sa bulsa niya? Ampon ba siya ni Dora o Doraemon?

Dahil doon napapikit na lang ako ng mariin, gathering all my remaining patience before I could even shout at them to get the hell outside.

Ang aga-aga ang iingay nila.

"Bakit ba kayo nandito? Paano kayo nakapasok?" tanong ko na lang.

"K-k-kami nagdala s-sa'yo rito," sinisinok at halos hindi na makapagsalita si Ivory habang basang-basa ang mukha niya ng luha.

Sunod-sunod namang napatango si Tamayo, "B-binantayan ka namin, Boss Dahlia. Ha-hanggang ma-magising ka."

I looked at them with a cold expression and folded my arms on my chest.

"Eh bakit kayo ganyan magsalita? May vibrator bang na-stuck diyan sa lalamunan niyo?"

Malakas na napasinok si Ivory habang si Tamayo ay muntik nang matumba sa kinatatayuan niya.

Napangisi na lang ako at napailing.

"Dahliaaaa! Okay ka na ba?!" muli akong niyakap ni Ivory at napahagulgol sa dibdib ko, "I'm sorry talaga, hindi na mauulit. Promise one hundred times!"

Nang si Tamayo naman ang akmang yayakap sa akin ay sinamaan ko siya ng tingin kaya niyakap na lang niya ang sarili niya.

"Boss Dahlia, huwag kang mag-alala magmula ngayon hindi ka na namin hahayaang masaktan kahit anong mangyari. Kahit langgam o garapata pa 'yan. Pangako, mamatay man si Einstein."

"Siraulo, patay na 'yon!" singhal naman ni Ivory sa kaniya kaya tipid na lang akong napangiti.

"You don't have to do that. I can handle myself," sagot ko at inilayo si Ivory sa akin, "Besides, we're not even friends. Maybe Dixon was, but I'm not."

Napapahid si Ivory sa mga luha niya habang si Tamayo naman ay biglang nabitawan ang pagkakayakap sa sarili niya. They stared at me with pained expressions.

"We're not friends?" imik ni Ivory, "Akala ko, kaibigan ka na namin."

Napasuklay ako sa buhok ko at marahas na napabuga ng hangin, "I'm not good at relationships, Ivory, Tamayo."

"Pero bakit?!" umurong uli si Ivory palapit sa akin kaya iniwas ko ang tingin ko sa kanila.

"I just can't. Isa pa, kapag nahanap ko na si Dixon, hindi na rin naman na tayo magkikita pa. Why bother build a bond that will only be severed in the end?"

"Natatakot ka ba?" hearing Ivory's question shifted my eyes back to them, at nakita ko ang sumeryosong mukha niya.

"I'm not. Ayoko lang."

"Alam mo, Boss Dahlia," tuluyan ng naupo si Tamayo sa paanan ng kama ko at napangiti.

"Ang pagkakaibigan naman wala 'yan sa dalas ng pagkikita e. Alam ko katulad ng love hindi natin 'yon mae-explain. Pero isa lang ang masasabi ko. Para sa'kin, ang tunay na pagkakaibigan, 'yong kahit hindi kayo palaging magkasama, o saan man sulok kayo ng mundo naroon, alam mong nasa likuran mo lang sila at handang tumulong sa'yo kapag nangangailangan ka at ganoon ka rin sa kanila."

Far From WonderlandWhere stories live. Discover now