Chapter 16

1.8K 49 0
                                    

(Jean)

Around 4:00 am ng makarating kami sa bahay na suot na ang mukha ni IM at si King naman ay si EW at ito ang unang araw ng February. halatang-halata ang pagkapagod ni King Ethan, sa 100 push-ups ipinagawa ni Ate Arch, minsan lang kami magkita ni Ate Arch, sa kabila ng pilit niyang pagtatago sa lungkot sa pagkawala ng Papa niya ay nararamdaman ko bilang half-sister niya ay masakit ito sa kalooban niya. masaya ako pumayag siya sa Around the world trip offer ko sa kanila, kahit dun ay mapasaya ko si Ate Arch, buti tinanggihan niya si King, feeling ko kasi may binabalak ang lalaking ito e. kaya naglakas loob mag offer kina Ate Arch at Namesis. di ko na inopen kay King Ethan, EW at IM ang pagkakita ko kina Namesis at Ate Arch sa may batis. pumasok na kami sa kwarto pero hindi na kami matutulog dahil 4:00 am na ng umaga. pumanta ako sa closet para kumuha ng damit na shirt at pajama ito naman ang lagi kong sinusuot kaya wala ng bago at daretso agad sa banyo. natapos na rin ako at si king, ang sunod. umupo na ko sa kama saka kinuha ang materyales tulad ng rubber at yarn ng gagawin kong bracelet na regalo para kay Denise, sa birthday niya mamayang gabi. kumuha na ako ng gunting at nagsimula na.

"My Queen?"  biglang sumulpot sa harapan ko si King Ethan at nakangiti na naman saka tumabi sa akin. hindi ba siya nagsasawa sa kakangiti. pero kapag nandyan naman si Ate Arch, di siya nguminginti dahil nanaig pa rin ang takot niya tulad ni EW.

"Bracelet para kay Denise, ireregalo ko sa birthday niya mamayang gabi."

"Ganun ba." ngiting sagot niya.

"Siguro ay di mo na ako aasarin, bobolahin at pagtitripan." sambit ko habang patuloy pa rin sa paggunting ng yarn.

"Gusto kita laging asarin, hindi dahil trip o binobola kita.. nakakainlove ka kasi sa tuwing napipikon ka... My Queen," sinserong ngiti niya. di ba siya natinag kay Ate Arch, patuloy pa rin ba niya ako bubwisitin.

"Gusto mo isumbong kita ulit kay Ate Arch," pananakot ko kay King.

"Ayaw! ayaw! My Queen," todo iling na sagot niya. tapos ay namutla siya. King is too fregile and vulnerable habang nakakasama ko siya ngayon 'yun ang nakikita ko sa kanya. hindi ko nga inasahan maipapakita niya sa akin ang ganitong personality niya. naglaho ang pagkapormal niya simula nung nagsama kami sa iisang bahay at palagi niya akong pinagtitripan. silang dalawa ni EW ang pinakamahinang lalaking nakilala ko. hindi sa pagkukumpara pero di maiwasan dahil parehas sila ng personalidad, masyadong mabait at mapagkumbaba. hindi ko nga rin maintindihan ang sarili ko dahil paunti-unti ay nasasanay na ako sa mga pang-aasar, pambobola at pagtitrip niya sa akin. hindi ko siya kayang pigilan sabihin ang kanyang gusto. idagdag pa si IM, walang ginawa kung di hayaan si King sa pambabadtrip niya sa akin.

"Huy! My Queen, iniisip mo ba ang iyong King, ayieeee!" kasabay ng konting halaklak niya.

"Hindi no! Shrek! mangarap ka, dahil sina Cha-Cha, Hozon at ang mga alaga ko ang iniisip ko di ikaw!" dahilan ko pero naggagalaiti kong sinabi. masyado siyang ma feeling. binigyan ko siya ng nakamamatay na tingin pero walang epekto sa kanya.

"Huwag ka na po magalit My Queen, lalong naiinlove ang King mo, sa'yo."  kinindatan pa niya ako. kung mga babae at binabae ay konting ngiti o kindat lang niya ay maglulupasay o hihimatayin na. pero di pa nangyayari 'yon dahil mailap nga si King, sa mata ng Elite World. pwes ako hindi tinatablan ng mga pacute niyang pambobola. kung marunong lang ako magmura gaya ni Ate Arch, for sure nakatikim siya ng sandamakmak na mura galing sa akin. Kainis na siya sobra!

(Ethan)

Biruin ba naman 100 push-ups ang pinagawa ni Arch, sa akin kaya ang resulta ay napakasakit ng braso ko. talagang tinakot pa ako ni My Queen, kapag aasarin ko pa siya ay magsusumbong ulit siya sa isa sa pinakakinatatakutan namin ni EW si Arch, bukod sa anim pa. sa ngayon ay kumakain na kami ng agahan. si Zeus, ang nagluto champorado na mainit kasama si Eclaire, na nagluto ng bacon, hatdog, tumikim ako ng champorado ni Zeus, ang sarap.

My Hot Student is my WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon