Chapter 43

358 1 0
                                    

(Hanna)

Di ko maiwasan mapangiti dahil finally nakausap ko na ang batang lalaking nagligtas sa akin mula sa pagkakalunod. which is kapatid pala ni Ate Cathy si Warren. oo nung una niyang sinabi na walang pag-asa maging kami ay gusto ko maiyak sa harapan niya at ang pagsabi ni Warren, Mahal niya ang asawa niya ang sakit sa puso ko kaso naiintindihan ko siya na huwag ko ng ipilit ang sarili ko sa kanya. Kinonsider ko na din ang pagpapayong sinabi nina Celine, Amanda, at Tita Andrea, na ako mismo ang maghihintay sa lalaking nakalaan sa akin. Ang importante ay malinaw sa akin ang lahat na wala akong babalikan kay Warren, dahil may asawa na siya. Yun pakikipagtulungan ko kina Luke, para makuha ko si Warren ay di ko na itutuloy dahil ayoko siyang masaktan. nakuha ko nga ang gusto ko pero may nasaktan akong mga tao dalawang nagmamahalaan. makukunsensya ako kapag ganun.

"Good morning, nga pala girls thank you sa mga payo ninyo sa akin." paunang salita ko kina Amanda at Celine. Kagigising lang nila kaya medyo antok pa sila 4:00 am palang kasi ng umaga. Halos ilang oras lang ang tulog namin lahat. si Edward, ba naman ang taga-gising namin kung makakatok kasi siya wagas sobrang lakas. Mas nauna akong gumising sa kanila dahil kakatapos ko lang maligo. matapos ilang minuto ay nakabihis na ko. nilapitan ako ni Browny ang aso ni Queen Jean. sa pagtulog ay katabi niya si Amanda minsan kami kung saan niya gusto.

"Good morning Browny." tumahol siya. dinilaan niya ako sa buong pisngi ko kaya nakikiliti ako.

"Tutal kagabi malinaw na sinabi sa akin ni Warren, mahal niya si Ms. Diane, kaya bakit pa ako magsusumiksik sa kanila kung masaya siya sa asawa niya.. i know makakalimutan ko rin ang nararamdaman ko sa kanya balang araw but we decided maging friends kami." balita ko sa kanilang dalawa.

"Good for you Hanna, tama 'yan inayakan mo si Sir Warren Manalastas, nung nalaman mong may asawa na siya." pagbanggit ni Celine, magkasabay silang nag-hug sa akin.

"Kaya Hanna, masarap sa pakiramdam kapag nakatagpo mo na ang lalaking paglalaanan mo ng oras at panahon mo.. sobrang mahal na mahal ka.. dadating din ang prince charming mo." Amanda uttered. Prince Charming? ito ulit utak ko bakit sinisingit niya si Luke. Ano bang problema ng brain ko shit?! ayaw ko muna sabihin kina Amanda at Celine ang kakaibang nararamdaman ko kay Luke, nitong mga nakaraan araw dahil panigurado di nila ako titigilan tuksuhin sa kanya.

"Hihintayin ko na lang siya." Thankful ako may mga kaibigan ako ng tulad nila.

"Ngayon araw na ako pupunta sa Westfield University imbes na Saturday, sana payagan ako ni Archduchess Elise, mamaya makalabas kapag nagpaalam ako sa kanya."

"Ang aga-aga masyado ka over excited tumungo dun." sabi ni Celine.

"Yeah." pagkasabi ko ay may kumatok ulit siguro si Edward ang nagbubulahaw. si Celine na ang nagbukas ng pinto pagkabukas ni Celine ay bumungad sa amin sina Edward at Albert. una muna napatingin sa amin ni Amanda, si Albert. habang kumakain siya ng chocolate chip at ngumiti siya parang naiilang siya dahil sa suot ni Amanda, na naka-night dress siya. Tapos sa akin tumingin ang dalawa na may pagtataka kasi ang suot-suot ko ay naka- gray hoodie jacket at sweetpants, tapos white rubber shoes. di naman ito mga damit na gawa sa company ni Luke, kung baga pinabili ko ang outfit ko na ito sa mall malapit lang sa Westfield University.

"Goodmorning sa inyong tatlo, Hanna pinapatawag ka ni Archduchess Elise, nasa living room siya kausap pa si Richard." mabilis niyang pabungad sa akin. ito na ang tamang pagkakataon para makapagpa-alam ako kay Archduchess Elise, pupunta ako sa Westfield University. nabanggit din niya kahapon sa amin ay nais niyang ibenta ang mga stocks niya sa Top 5 companies dito sa Pilipinas. kaya balak ko bilhin ang mga stocks niya dito. si Archduchess Elise, ang kinokonsider ngayon pinakama-influwensyang investor sa buong mundo. Pagdating sa investment siya ang pinakamagaling sa BIG 9. tapos ang pangalawa sa kanya ay si Lord Syntax.

My Hot Student is my WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon