Chapter 42

249 2 0
                                    

Diane

Nung tinanong ko kay Alexis, kung inamin na niya kay Sophia, personally ang relasyon niya kay Ate Cathy, di pa niya masabi dahil lagi na lang daw napuputol ang pag-uusap nila. pero bukas daw sa mismong University Festival ay susubukan na niyang umamin. Ngayon gabi na gaganapin ang 5th anniversary nina Alexis at Ate Cathy, isasabay din ang birthday ni Ate Cathy. no doubt ang ganda ng mansion dahil imbes na sa resort tulad ng mungkahi ni Alexis ay nag-suggest si King dito na gawin tutal kay Zeus, naman daw nakapangalan ang bahay na ito. in short siya na daw ang may-ari. parehong regalo nina Elise at King Ethan ang mansion kay Zeus nung 6th birthday niya. Kaya di na raw mamomoblema si Zeus, kung gusto niya ng bahay-bakasyunan na malapit pa sa dagat. paglaki niya. ke bata-bata pa lang ni Zeus, pero may mga properties na siya bigay nina King at Elise. naalala ko dito ako dinala ni Zeus nung una kaming nagkita at tinawag pa niya akong mommy. alam lang ni Ate Cathy mag-cecelebrate sila pero 'yun ganitong pasurpresa ni Alexis sa kanya ay wala siyang ideya kahit isa. sa pagkaka-estimate ko ang cake na naka-display dito ay 10 layer ang laki. hindi pa pwedeng simpleng Cake lang pero binonggahan nila. sa pader may nakasulat na Happy 24th Birthday Cathy at Happy 5th Anniversary Cathy and Alexis na may nakapalibot ng mga Blue Ballons. tapos 'yun pagkain ay iba't ibang klaseng asian cruisines. kanya-kanya silang regalo kay Ate Cathy sa birthday nito ngayon na nakabalot pa. ako ang regalo ko sa kanya ay panyo na di kamahalan na binili ko sa ukay-ukay malapit sa amin. sa di kalayuan may traditional na videoke pa siya, ipinalagay kaya in case na may gustong kumanta ay magpunta lang doon. may dalawang mahabang mesa din. parang 'yun videoke ay kamukha lang sa kapitbahay namin ni Warren, ayon kay Alexis sinabi niya kay Ate Cathy, paghahandaan ang anniversary at birthday ng Girlfriend niya. kaso halos dalawang araw niyang hindi pinapansin si Ate Cathy, tuwing nagtatanong ito kung ano gagawin nila sa mismong gabing ito. Kaya itong si Ate Cathy, mula kahapon ay kinakausap ako kung ano ang nangyayari kay Alexis bakit siya nito dini-dedma buong araw at hindi kinikibo. ako ang nasabi ko baka busy si Alexis sa thesis, school activities at pagod lang siya sa pagpapapractice niya ng Volleyball at Sayaw. ewan ko na lang kung ano ang magiging reaksyon ni Ate Cathy kasi ang babaitang Alexis, umalis siya sa apartment nila hindi nagpapa-alam sa kanya. baka sobrang nag-aalala na 'yon. kasalukuyang kasama ko sina Zeus, Eclaire, Rain, Shiona, Queen Jean, King Ethan at Elise. Kaya nasama ni Elise ang dalawang bata ay nagdahilan siyang isasama niya ang mga ito sa lakad niya upang di na nakapalag ang BIG 9. sina Kuya Travis, Richard, Samantha at Nathalia ang magdadala kay Ate Cathy dito. Oh di ba apat-apat sila. ang sabi kasi nila bibiruin muna nila ng konti si Ate Cathy, bago nila dalhin dito. baka takutin nila pa siya may masamang nangyari kay Alexis.

"Punta po muna kami ni Eclaire sa entertainment room laro lang po muna kami habang di pa nag-sisimula." paalam ni Zeus sa amin.

"Akala namin di mo na kami iinvite Alexis, hehe! sa special na raw ninyo ni LC, buti napaghandaan namin ni Shiona ang ireregalo namin sa kanya sa Birthday niya." pasimula ni Rain. niyakap ni Alexis sina Rain at Shiona.

"Oo nga e, kahit di tayo masyado nagkikita, Alexis," pag-segunda ni Shiona.

"Di ba nung lumayas ako bukod kina Travis, Sam at Nathalia ay nag-offer kayo ni Rain tulungan ako.. saka Ano ba kayo mga friends ko pa rin kayo." ngumiti sina Shiona at Rain.

"Wala yatang mga maid para mag-serve ng foods sa mga darating mong bisita Alexis?" sabi ni Rain.

"Kasi si IM, ang nag-suggest sila na lang kukuha ng mga makakain nila, kaya pinauwi na muna ni Elise, ang 10 maids na nandito sa mansion ni Zeus," Kamot ulo sagot ni Alexis kay Rain.

"Well gusto kong kumuha kayo ng sarili ninyo makakain na hindi umaasa sa mga magseserve, huwag na ninyong pagurin ang mga maids dahil lang sa pagsisilbi nila sa inyo ngayon gabi." totoong ani ko.

My Hot Student is my WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon