Chapter Forty - Hurting Still

Start from the beginning
                                    

Yung init, yung init mula sa naglalagablab na apoy. Nararamdaman ko nanaman sa balat ko, kasabay ng orange na ilaw na nagagawa ng mga lanterns. Yung mga yabag ng paa, yung vibration ng lupa, muli ko nanamang naririnig at nararamdaman.

 

“Kill us, yes! But do not touch our daughter!” // “Wag niyong hawakan si Athena!”

 

Ako nanaman yung mahina. Ako nanaman yung walang magawa para matulungan sila. Muli ko nanamang narinig yung pagmamakaawa ni Mama, kasabay nito ang banta ni Jed. Pareho silang gusto akong mailigtas, pareho nila akong pinoprotektahan. Bakit ba ang hina ko? Bakit ba sa mga sitwasyong ganito, hindi ako makagalaw? Saan na napunta yung walong taon kong pinagpaguran? Bakit nababalewala nalang yung training ko? Bakit sa huli, mahina parin ako?

 

*BANG*

 

Muli, nanlalambot nanaman yung paa ko. Kahit anong pilit kong habulin sila, ang layo-layo na nila. Bakit hindi ko silang magawang mailigtas?

 

“Cristoff!” // “Jed!”

 

“Wag!” Mabilis kong sigaw, sabay ng biglaang pagbangon. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko, wala akong ibang marinig sa tenga ko kung hindi ang pagtibok nito. Tumingin ako sa paligid, napansin kong nasa isang malaking kwarto ako. Tinanaw ko yung view mula sa window, imposibleng nasa Pinas pa ko.

Tapos nagsink-in lahat ng mga pangyayari pati narin yung panaginip ko. Pakiramdam ko nahulog yung puso ko sa tyan ko. “J-Jed.” Sabi ko, kahit alam kong wala na siya dito. Mabilis kong tinanggal ang kumot na nakabalot saakin, hindi na ako nagtaka kahit pa hindi ako nakagapo o bakit ako nasa loob ng isang magandang kwarto. Agad kong binuksan ang pinto, kahit pa hindi ko alam kung saan ako pupunta, dumiretso lang ako pababa ng napakalaking hagdan.

Nasa dulo na ako nang biglang may humawak sa mga braso ko.

“Miss Athena, bawal po kayong lumabas.” Madiin nitong sabi, pagharap ko sakanya, nakita kong nakaformal suit siya at naka-shades. “Bumalik na po kayo sa taas.”

“Nasaan ako?” Tanong ko sakanya.

“New Jersey.” Sagot niya. “Bumalik na po kayo sa taas.”

New Jersey?

Umiling ako, “No.”

“Please, Miss Athena. Umakyat na po kayo.” Pakiusap niya, showing some wrinkles sa forehead niya. Sa tingin ko nasa mid-40s na siya. Napansin kong hindi parin niya hinahawakan ang pagkakahawak niya sa kamay ko, kaya naman agad ko tong hinila at inalis. Kahit pa hindi ko maintindihan kung bakit kahit hinuli nila ako, parang special parin ang pagtrato nila saakin.

Muli niyang hinawakan ang braso ko, “Miss Athena bumalik na po kayo sa taas-“

“Or else what? Papatulugin niyo ako ulit? Asan si Jed? Saan niyo dinala si Jed?!” Sigaw ko sakanya, mukha siyang nabahala sa mga ikinilos ko. May mga tinawag siya mula sa likod ko, bago ko pa sila matignan, kung sino man sila. Kinuha nanaman niya yung kabila kong kamay at mahigpit akong hinawakan.

Athena: The Goddess of ViolenceWhere stories live. Discover now