Chapter 36

1.3K 16 0
                                    

Chapter 36: Dear.

Kate's.

Dalawang buwan na kaming nagkikita, imbis na maging masaya ako doon ay para malungkot ako. Gusto ko ulit siyang makita. Hindi naman pwede yung liliban ako sa trabaho para lang lumandi. We need to work.

[Seryoso ba yon? Paano?] Chismosang tanong saakin ni Lauren.

"Hindi ko nga alam eh. Hindi ko pa nakakausap sila Liz. Busy pa ako."

[Busy? Ulol?] Aniya kaya ngumiwi ako.

"Oo nga! Edi wag ka maniwala!" Pasaring ko.

[Busy saan? Makipagkita kay Engineer?] Banat niya at narinig ko ang pagtawa niya.

"Excuse me, Lauren Fuentabella. We haven't seen each other for months!"

[Miss mo?]

"Of course — What?!" Mas malakas ang naging tawa niya kaya sumimangot ako.

"Alam mo? Wala ka talagang kwenta kausap." Pikon kong sambit.

[Ha?]

"Mama mo hatdog!" Sigaw ko kaya mas lalo siyang tumawa.

Pagkatapos nung napaka walang kwenta naming usapan ni Lauren ay naligo na ako. Gusto ko na matulog dahil maaga ang flight ko bukas papuntang Italy then mayroon kaming isang araw na layover. Bitin pero wala eh, may flight kasi agad.

"Mary Kate!" Tawag saakin ni Althea kaya lumapit ako sa kaniya.

"Oh?"

"Ang sungit nung matanda don, hindi siya nakakatuwa." Reklamo niya kaya tumawa ako.

"Hindi ka pa ba sanay?"

"Sanay pero bwisit siya!"

Pagland namin sa Italy ay sinundo kami ng van para ihatid sa hotel na pagtutuluyan namin. Alas diyes na ng umaga kaya naman nag-iisip na sila kung saan kami kakain. Hindi naman ako nagsa-suggest dahil hindi naman ako maarte pagdating sa kakainan.

In the end sa restaurant lang din naman sa baba ng hotel kami kumain. Steak ang order ko dahil nagugutom na ako. After eating ay naglakad lakad kami. Gusto pa nga sana naming pumunta sa Venice kaso kukulangin na kami sa oras. Sawi!

Gabi nung tumulak kami pabalik sa Bahrain at pagkauwi ko ay dumiretso ako ng tulog dahil pakiramdam ko ay kulang na kulang ako sa tulog. Pagkagising ko ay hinanap ko kaagad ang cellphone ko para tignan ang oras pero iba ang nakita ko.

kimingyu sent you a message.

Napaayos ako ng higa saka pinipilit na imulat ang kaliwa kong mata.

"Tangina." I said when my phone fell down to my face.

Pagkaopen ko ng chat ni Mingyu ay para bang nawala ang antok ko.

kimingyu: Here at Bahrain.

What the fuck?!

Sinulyapan ko ang orasan at madaling araw pa lang! Siraulo ba siya?

kategarseeyah: wer u at?

Sandali lang nung naseen niya ang chat ko. Wow! He still awake? Ano kayang ginagawa nitong kumag na ito ngayon?

kimingyu: Manama.

Huminga ako ng malalim saka chinarge ang phone ko. Mabuti na lang at malapit lang kami sa Manama! Walanghiya talaga tong bwisit na to! After ko maligo ay nagsuot ako ng itim na jogging pants at puting tshirt, nagbaon din ako ng jacket just in case.

SU #1: Fear | SeventeenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon