Chapter 12

2.8K 38 6
                                    

Chapter 12: Babysitting.

Aliza's.

"Hoy gaga kayo na ba ulit ni Myungho?" Salubong ni Sabrina kay Lauren nung pumasok siya sa unit.

Sabado na at ngayong umuwi si Lauren at after nung visit namin sa hospital ay hindi na kami nakapunta pa dahil iniisip namin na baka nandoon nanaman si Myungho. Ang awkward kasi nung nagkaabutan kami.

"Tanga? Hindi." Sagot niya saka nilapag sa lamesa ang bag niya.

Tinaasan ko siya ng kilay at mukhang gets niya kaya sumimangot siya at kumuha ng jelly vit sa ref. Kaming tatlo lang ang nandito dahil nag-grocery sila Nathalie, ewan ko ba kung bakit nagsisamahan pa sila, para tuloy nilang bibilhin ang supermarket.

"Eh bat nandoon yon?" Tanong ko.

"He's friend with my brother. That's why." Sagot niya saka umupo sa mataas na upuan.

"Eh kayo?" Makahulugang tanong ni Sabrina.

"We're good." Sagot niya saka ngumiti. Nanlaki naman ang mga mata ko saka pumunta sa tabi niya.

"Kayo na?" Tanong ko at dahil doon ay nawala ang ngiti niya.

"Oh nandito ka na pala. Kamusta kapatid mo?" Tanong ni Jun na kakalabas lang ng banyo.

"He's stable. Hindi pa nga lang gumigising." Sagot niya kaya tumango si Jun at pumasok sa kwarto namin.

"Hoy ano na! Kayo ba ulit?" Bulyaw ni Sabrina.

"Hindi nga!" Sigaw naman ni Lauren kaya napanguso ako.

"Eh bat may pagngiti?" Tanong ko.

"Masaya lang ako. Bawal ba? I mean, we have closure." Sagot niya kaya nagsalubong ang kilay ko.

"Closure? Uso pa ba yon? Closure closure pa, magbabalikan din naman kayo." Sambit ko at dahil doon ay tinaasan niya ako ng kilay.

"Porket nagkabalikan lang kayo ni Jun? Liz. Magkaiba ang sitwasyon natin. Wala ng pag-asa saamin ni Myungho." Sagot  niya saka inubos ang jelly vit bago iyon ibato sa trashbin.

"Sure kana diyan?" Tanong ni Sabrina.

"Hundred percent sure."

Pagdating nila Nathalie ay kami na ang nag-ayos nung pinamili nila. Mabuti na lang pala at nagsisamahan sila dahil masiyado silang madaming pinamili.

"Where's my jelly vit?" Nanlulumong tanong ni Lauren habang hawak ang plastic.

"Hala, wala kaming nabili!" Wika ni Vernon saka tinapunan ng tingin si Nathalie.

"Here." Lumingon naman ako kay Joshua at nakita kong may supot siyang hawak at nandoon ang hinahanap ni Lauren.

"Wow. Spoiled." Banat ko kaya tumawa si Joshua.

"Jelly vit at delight laman ng ref. Punyeta magsibili kayo ng sarili niyong ref!" Pabirong reklamo ni Mingyu kaya binato siya ni Kate ng unan.

"Reklamo ka pa! Nagnanakaw ka din naman ng delight ko!" Natawa na lang ako sa inaasal nung dalawa. Hindi ko sila magets, minsan okay sila pero madalas silang magbangayan.

Napapansin ko lang sa ilang araw naming pagsasama sama dito para may nabubuo ng something. Si Kate at Mingyu, madalas magkasama pero madalas din mag-away sa walang kwentang bagay. Alam ko kung paano pakitunguhan ni Nathalie ang lalaki kaya imposibleng walang namamagitan sa kanila ni Vernon. Si Lauren at Joshua ay pagsosolo, tumakas si Joshua dito para puntahan si Lauren sa Maynila akala niya naman hindi namin mahahalata.

SU #1: Fear | SeventeenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon