Chapter 7

5.4K 63 5
                                    

Chapter 7: Wasted.

Lauren's.

Wala akong ginawa sa bahay kundi ayusin ang gamit ko. Tumawag ako kay mommy at sinabi ang plano kong pagdorm sa school. Nung una ay ayaw niya akong payagan dahil nga wala siyang tiwala sa mga ibang tao but in the end ay wala na siyang nagawa.

"So pag-uwi ko? Paano yan?" Tanong niya.

"Mommy, malamang naman niyan bakasyon na kapag umuwi kayo. It's okay.."

Una kong inayos ang mga damit ko. Magkaibang bagahe ang pang-bahay at pang-alis ko kaya dalawang trolley ang gamit ko at isang malaking back pack kung saan nakalagay ang mga personal needs ko. Hindi ko tinanggal sa hanger ang mga uniform ko dahil ayoko magplantsa.

"What are you doing?" Tanong ni Joshua sa kabilang linya. Namomroblema pa ako sa mga gamit ko nung nag-open ako ng facebook ko at sakto namang tumawag siya.

"I need a hand.." Nahihiya kong sambit.

"Alright. Give me your address."

Nung binigay ko ang address namin sa kaniya ay mabilis akong naupo sa bintana para abangan siya pero nakukuha talaga nung mga gamit ko yung atensyon ko. Masiyadong magulo! Kahit anong tupi ko ang gulo tignan! Ilang minuto akong nakatulala nung nakarinig ako ng busina ng sasakyan at nung sumilip ako ay nakita ko doon ang isang itim na SUV.

Bumaba naman ako para tignan kung si Joshua yon at nung binaba niya ang windshield ay kumaway siya. Inopen ko ang gate para makapag park siya sa garahe namin.

Even in his white shirt and black short he look so handsome at hindi ko maiwasan ang paghanga sa kaniya. Napaka simple niya lang pero napakalakas ng dating! Ang swerte ng magiging girlfriend nito! Ang gwapo na ang bait pa!

"Are you done packing your things?" Tanong ko habang umaakyat kami.

"Yep. Kakatapos lang nung tumawag ako." Aniya kaya tumango tango ko.

Ngumiti muna ako sa kaniya bago buksan ang pintuan ng kwarto ko. Tumawa naman siya ng bahagya saka pumasok sa loob. Kinuha niya ang maleta kong naglalaman ng mga pang-alis ay saka tiniklop ang mga damit ko.

"How is that?" Tanong ko dahil naayos niya ang napakarami kong damit sa isang maleta.

"Roll it." Sagot niya saka kinuha ang isang bagahe. "Let me. Ayusin mo yung laman non." Tumango ako saka tinanggal ang laman nung back pack.

"Yung mga sapatos mo ilagay mo na sa kotse mo para bukas itong mga gamit mo na lang ang aayusin mo." Para tuloy akong katulong na patango tango sa utos ng amo pero hindi na ako nagreklamo pa.

Tumakbo ako papunta sa isang maliit na kwarto kung nasaan ang mga sapatos namin. Kinuha ko ang tatlo kong rubber shoes at dalawang sandals. Pagkalagay ko ng mga sapatos ko sa likuran ng kotse ay kumuha ako ng tubig para may mainom yung isa sa itaas.

Naabutan ko naman siyang sinusuri ang laman ng walk in closet ko.

"Water?" Tanong ko pero ngumiti lang siya at muling binalik ang tingin sa closet.

Nanlaki naman ang mga mata ko saka binaba sa lamesa ang tubigan at baso bago tumakbo papasok sa loob. He's staring at our family picture. Isasarado ko na sana ang cabinet nang hawakan niya ng mahigpit ang kamay ko.

"What happened?" Tanong niya. Hindi ko alam kung paano siya sasagutin. "How did your father died?" Tanong niya.

"Sumama siya sa ibang babae." Sagot ko saka ngumiti ng pagkatamis tamis.

Lumuwag ang hawak niya sa kamay ko at ang tingin niya naman ay hindi na naalis saakin. Hindi ko alam kung bakit ang dali kong sabihin sa kaniya lahat at hindi ko din alam kung bakit ang laki ng tiwala ko sa kaniya.

SU #1: Fear | SeventeenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon