Chapter 19

1.9K 33 2
                                    

Chapter 19: Kiss.

Lauren's.

"Lauren." Napaayos ako ng higa nung pumasok si Joshua sa kwarto. Ngumiti ako sa kaniya.

"Need anything?" Tanong ko.

"Ako yung inuutusan nilang mag grocery, I'm checking if —" Napatigil siya sa pagsasalita nung mabilis akong tumuyo at kinuha ang towel ko.

"Wait for me." Tumango siya kaya tumakbo ako papuntang CR.

Ilang minuto lang ang tinagal ko sa CR dahil naliligo naman ako pagka gabi. Nakatapis akong lumabas ng CR at naabutan ko ang mapanghugas tingin ni Joshua saakin kaya tinaas ko ang middle finger ko kaya umiwas siya ng tingin kaya tumawa ako ng bahagya bago isarado ang pintuan ng kwarto.

I am wearing my maong shorts and blue polo hanging top with my black and white Stan Smith. Kinuha ko ang itim kong sling bag saka nilagay doon ang wallet ko, wet wipes, tissue and my power bank and connector.

"Mag grocery lang ako tayo, ayan pa suot mo." Puna ni Joshua kaya sumimangot ako. He's only wearing denim tokong shorts and black pocket tee with his white low-cut converse.

"Ikaw lang. I'll shop for my clothes." Sagot ko saka sinukbit ang bag sa balikat ko. Nakita ko naman ang pag-iling niya bago kinuha ang susi ng kotse niya sa drawer.

Habang bumabyahe kami ay nanlalaki ang mga mata ko nung napansing sa ibang way siya at mukhang hindi siya sa SM mag-go-grocery. Tinignan ko naman siya at mukhang gets niya ang tingin ko dahil tumawa siya.

"Walanghiya ka! Bakit hindi tayo sa SM?" Tanong ko.

"Sasamahan kita mamili ng damit mo mamaya, mag grocery muna tayo." Hindi naman na ako nakaangal pa nung huminto siya sa SNR. Wala naman akong magawa kundi sumunod sa kaniya.

Wallet lang ang bitbit ko sa loob dahil nakakapagod mag-open ng bag. Wala namang mananakaw don sa bag ko kaya bahala sila. Kumuha siya ng push cart at habang nag-iikot kami ay napapansin kong kahit napaka simple lang ng suot niya ay napakagaling niyang magnakaw ng atensyon. I wanna hide his face, though.

"What's wrong?" Tanong niya habang kumukuha ng coffee.

"Ang daming tumitingin sayo." Sagot ko saka kumuha ng tig isang box ng cereal at oatmeal.

"Really? I didn't know that you got jealous so easy." Panunuya niya kaya tinaasan ko siya ng kilay.

Umikot kami sa kabila at hinayaan na siyang kumuha ng mga nakalista sa papel niya. Kumukuha din ako kapag trip ko yung pagkain. Isang push cart at isang basket nga ang gamit namin kaya para kaming tangang tawa ng tawa sa pila dahil hindi namin sure kung kasya ba ang pera namin.

"Kapag tayo nashort bahala ka!" Aniya kaya tumawa ako at pinakita sa kaniya ang laman ng wallet ko. Bente pesos?! Seriously? Lalo namang siyang tumawa kaya binatukan ko siya.

"Pakialam mo ba? I don't have cash, e!" Bulyaw ko.

"Yung pang bili mo ng damit mukhang mapupunta sa grocery natin." Aniya saka tinaas baba ang kilay niya.

"Magkano ba binigay nila sayo?" Tanong ko.

"Four, wala pa yung atin." Sagot niya saka nilabas sa wallet niya ang perang galing sa mga kasama namin.

"Nakakainis!" Bulong ko saka kinuha ang pera sa kaniya at nilagay iyon sa wallet ko.

"Ikaw wala kang ambag?" Tanong ko kaya inabutan niya ako ng limang daan.

"Saan tayo makakarating sa five hundred mo? Ano ka ba! Ang kuripot mo naman!" Reklamo ko kaya tumawa siya at nilabas ang dila.

"Sorry ka na lang. Five hundred lang ang usapan natin, e, diba?" Panunuya niya kaya kinuha ko ang dalawang plastic ng tissue at apat na napkin. Akmang ibabalik ko iyon ng pigilan niya ako.

SU #1: Fear | SeventeenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon