Chapter 21

1.8K 28 9
                                    

Chapter 21: See you.

Kate's.

Pagod na pagod kami paglabas namin ng airport. Mabuti na lang at nandoon na ang sundo ni Liz. Tulog ako buong byahe namin at pagkarating namin sa Mansion nila Liz ay gustong humilata sa couch pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil may ibang tao sa Mansion.

Liz introduced us. Ngingiti lang ako at habang pinapakinggan ang mga utos ni Liz napipikit ako. Naramdaman ko na lang na may naramdaman ako braso sa balikat ko at mabilis na binuhat.

"Huy.." Bulong ko dahil naagaw namin ang atensyon nila.

"Someone's sleepy. Where should I take her?" Tanong ni Mingyu kaya tumango si Liz at sinabihan ang kasambahay na ituro saamin ang guestroom.

"I told you to sleep while we're in the air." Bulong niya pagkalapag niya saakin sa malambot na kama.

"I got excited." Sagot ko kaya kumunot ang noo niya.

Gabi na nung gisingin ako ni Sabrina dahil pupunta daw kami sa Sky bar. Bigla nanaman akong naexcite kaya mabilis lang akong naligo. I am wearing a blue sleeveless jumpsuit then white ankle strap sandals. Nagmake up din ako dahil bawat sulok ng bar ay magpapapicture ako.

Paglabas ko sa kwarto ay naabutan ko si Lauren na nakaupo sa hagdanan habang inaayos ang sintas ng sapatos niya. She's wearing a dark blue long sleeve na naka tuck-in sa itim na high waist short then black and white high cut.

"Ready to go?" Tanong ni Lauren nung napansin niyang nasa likuran niya ako.

"Who wouldn't?" Tanong ko pabalik kaya tumawa siya.

Lumabas si Sabrina sa kwarto namin, she's wearing a yellow lace dress that falls above her knee with white sandals. She look's lovely in her attire. Pagbaba namin ay nandoon na sila Liz at Nathalie, they look so chic with their outfit. Liz is wearing mom jeans and maroon bralette top with two inches black heels. Nathalie is wearing a red checkered skirt that emphasize the curve of her butt and legs and white tube top with her white boots.

Napansin kong wala pa yung mga lalaki kaya binagsak ko ang katawan ko sa malambot na upuan nila Liz. Panay ang photoshoot nila Liz at Nathalie sa gilid, si Sab naman ay hindi mapakali sa ayos ng buhok at kaming dalawa ni Lauren ang chill dito sa upua .

"Ang tagal. Anong oras ba nagsikilos yung mga bwiset na yon?" Reklamo ni Lauren saka tinaas ang paa sa upuan kaya tinapik ko iyon.

"I don't know. We're not in the same room." Sagot ko.

Ilang sandali pa ay sunod sunod silang bumaba. I can't get my eyes off Mingyu because he look so neat and gentle with his white ripped jeans and his white tucked in short with white sneakers. His hair's up, revealing his forehead. Damn.

"Looking good, e?" Tanong ni Mingyu kaya inirapan ko siya dahil kapag umamin ako ay yayabang nanaman siya.

Gaya ng sabi ni Liz ay hinatid nga kami sa Skydeck ng driver nila. While waiting for our food ay nagpictorial muna kami sa gilid gilid. Napaka ganda ng ambiance at mare-refresh talaga ang magulo mong utak. Si Mingyu ang potographer ko at aaminin kong may future siya sa picturan. Kung saan saang lupalop kami ng picture maliban kay Lauren na nakaupo lang sa upuan at busy sa cellphone. Mukha tuloy siyang may ka-LDR!

"Hoy bruha! Tara picture tayo!" Sambit ko saks siya hinila. Ayaw niya magpapicture kaya sinimangutan ko siya, mabuti na lang at nagpapicture.

"Your turn, model! Hoy Mingyu, picturan mo si Lauren dito!" Utos ko kaya tumango siya. Sinamaan naman ako ng tingin ni Lauren pero wala na din siyang nagawa.

SU #1: Fear | SeventeenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon