Chapter 3

18.8K 775 146
                                    

Dedicate this chapter to PeterJDC. Hehe last na tong pangungulit. Salamat sa tulong sa previous chapter pati narin sa paginspire sa aking magsulat! You're one cool guy! Keep it up!

Auster's pov

Matapos ang nakakapagod na araw sa restaurant ay nagbihis na ako para maagang makatungo sa sakayan ng jeep.

"Mukhang nakatikim ka kanina ah. Medyo maga pa yang pisngi mo." Alangang saad ni Color habang inaayos ko ang butones ng polo shirt ko.

"Hindi ka pa nasanay sa bruhang yun. Araw araw nalang pinagbubuntunan ako ng sama ng loob nya sa buhay." Sagot ko dito habang tinitignan ang itsura sa salamin dito sa may staff room ng reasto.

"Mantikin mo ba namang maaagawan mo pa sya ng muntikan sa promotion nya kaya ayan nanggagalaiti yan sayo." Natatawa nitong sabi.

"Eh sa hindi naman talaga nya deserve ang maging supervisor. May pakiramdam nga akong baka lahat ng sinabi nya sa akin ay sya lang din ang gumagawa mismo." Maigi kong pinagpagan ang polo shirt at humarap sa kanya.

"Mas karesperespeto ka naman tignan, Color, kumpara sa kanya. Kahit pa bakla ka." Nakangiti kong saad dito.

"Asuss ayan ka na naman at hinuhumaling moko sa napakacute mong ngiti! Che umalis kana nga at baka makalimutan ko pang pareho tayong bakla at ay malapa kita dito ng wala sa oras." Natatawa itong umirap sa akin habang sinasabi iyon.

Napatawa nalang din ako ng malakas dito. Sya nga pala si Cardario Espinosa oh mas kilala sa tawag na Color. Halos sabay lang kami pumasok dito sa resto at di hamak namang nauna pa kami ni Color na magtrabaho dito kesa kay 'Cora the explorer' kaya ganoon nalang ang pagtataka namin kung bakit wala ni isa sa amin ang nakakuha ng promotion.

Pinagsawalang bahala nalang namin ito. Sa ngayon ay nabuhuhay kami ng maayos ni tita at may naiipon narin ako para sa pagaaral ko sa college. Sa darating na pasukan ay magreresign na ako dito panigurado.

"Oh sige! Aalis na ako at baka di ako makasakay agad ng jeep pauwi nito." Paalam ko kay Color pati narin sa iba pa naming kasamahang waiter at waitres.

Nasa labas na ako ng resto nang makasalubong ko papunta sa pedestrian ang Reyna ng sama ng loob na si ms. Cora.

Grrrr ano ba to. Sa lahat ng pwedeng makasalubong sa daan sya pa. Usap ko sa sarili ko.

Kita ko namang matalim itong nakatingin sa akin habang papalapit ito.

Wag na wag mo syang babatiin. Hindi sya worthy! Ni hindi nga nagsorry yang gagang yan sa pananampal sayo! At dapat jan ay sapatusin!!! Sapatusin mo!!!! Gigil na bulong ng demonyo sa utak ko.

"Good evening Maam Cora." Puno ng sinseridad (pwehh) kong bati dito with smile pang abot tenga para full package.

"Walag nangyayaring maganda sa tuwing nakikita ko yang pagmumuka ko hampaslupa!" Taas kilay na sagot nito ng walang gatol sabay patuloy na naglakad at nilampasan ako.

Napatigil ako ng hindi nawawala ang ngiti sa labi ko. Ngiti na unti unting nagiging gigil.

Ikaw na nga ang nagpababa ng pride eh ikaw pa tinarayan.

"Sige! matapilok ka sana!" Mahina kong bulong at di nagtagal ay isang maikling tili ang narinig ko dito.

Nanglingunin ko ay nahulog ang isang paa nito sa may side gutter ng kalsada na di gaanong kalaliman.

Gusto ko sanang tumawa muna kaso naunahan ako ng instinct na tumulong.

Akmang lalapit sana ako dito ng agad nitong inangat ang paa at gigil at diring diri sa paa nyang nasubsob sa kanal.

The Unmarried Billionaire (Dangerous Man Series) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon