Chapter 14

16.1K 647 87
                                    

Hi guys! Sensya sa late update. Wala ehhh walang pumapasok na idea hahaa kaya pasensya na. Pero eto na nga sabaw update hihi pagtyagaan nyo nalang muna.

Dedic time!
Dedicated tong chapter sa mahal kong asawa! rusty_rosknowell happy motmot satin pa. 😍😍

Shout out to YusTimmy, Iamjaelopez at SOTUSEngineer read nyo updates nila guys.

Basa na! Hahaha walang spg wag na umasa 😂😂

Auster's pov

Naririto ako ngayon sa hospital dahil agad akong sinundo ni manong Vlad matapos nyang ipaalam sakin ang biglaang pagbigay ng katawan ni tita.

Agad syang ipinasok sa operating room at ang sanang schedule nyang operasyon para bukas ay isasagawa na ngayon.

"Kalma lang boss. Ipagdasal mo nalang si tita mo at nang mailayo sya sa kapahamakan habang inooperahan." Ang kalmadong saad ni manong Vlad sa akin habang hinahagod ang aking likod.

Kanina pa ako iyak ng iyak at halos wala na sa katinuan ang isip ko. Mabuti nalang at andito si manong Vlad na syang nagbibigay ng mga desisyon about kay tita dahil kung ako lang ay hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ni halos hindi ako makapagsalita sa sobrang pangamba.

Napakahina ko talaga. Tanging iyak nalang ang kaya kong gawin.

Ilang minuto na akong ganito mula ng ipasok si tita sa OR. Ang sabi ni manong Vlad ay matapos kong umuwi ay nagpahinga lang si tita. Pero bigla lang nag-iba ang tibok ng puso ni tita at tumunog ang mga machine na nakakabit sa kanya.

Mag-aalas sais na ng gabi at hindi pa ako nakakapagluto ng hapunan ni uji. Alam kong kailangan ako ni tita at gustong gusto ko syang samahan dito ngayon, kaso may tungkulin din akong kailangang gampanan sa aking amo. Masyadi na akong naging pabigat sa kanya baka bigla nalang nyang bawiin lahat ng ito ay mas lalo akong mamomroblema wala akong maipapanggastos sa lahat ng ito.

Agad kong kinalma ang aking sarili at pinahid ang luhang bumabasa sa buo kong mukha.

"Manong Vlad, maari mo ba akong ihatid muli sa condo ni uji. Hindi ko pa natatapos lutuin ang hapunan nya. Baka ho uuwi yun ng gutom manong." Saad ko dito.

"Nako au hindi ka pinapauwi ni boss. Ang gusto nya ay manatili ka dito." Pagkontra nito sa akin.

"Pero kasi.." di ko pa natatapos ang sasabihin ng sumabat ito.

"Iniisip mo bang pag hindi mo nagawa ang mga kailangan mong gawin ay babawiin itong lahat ni boss sayo?" Pagtatanong nito. Natumpok nya ang pagaalinlangan ko kaya napayuko nalang ako at marahang tumango. Narinig kong nagpakawala ito ng malalim na hininga.

"Matagal narin akong nagtatrabaho sa boss ryuu bilang researcher nya at bodyguard. Nauna lang talaga sakin si kuya Thrace. At sa tinagal tagal ng pagtatrabaho ko sa kanya ay hindi ko pa ito nakitang masaya." Saad nito at tumingin ng nakangiti sa akin.

"Ngayon ko lang sya nakitang maaliwalas ang mukha at tila ba ganado sa araw araw. Masyadong stricto at work driven si boss pero nung dumating ka ay tila may nag-iba sa kanya." Dagdag nya habang tumingin ng tuwid sa dingding.

"A-ano po ibig mong sabihin?" Pagtatanong ko dito.

"Fiancè ko ang nag-iisang taong pinagkakatiwalaan ni boss. Si Dona. Sya rin ang sekretarya ni boss. At sa hinaba-haba ng panahon na nagtatrabaho si Dona sa kanya at nitong nakaraan lang sya tila ba hindi na ganoon ka focus sa work." Sinandal nito ang likod sa back rest ng upuan.

The Unmarried Billionaire (Dangerous Man Series) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon