Chapter 40

7.1K 394 129
                                    

Dedicated to Renovatiyo

Nagkaprob kasi last time si watty kaya di ko alam kanino idededicate kaya sa mahal ko nalang 😂😂

Basa na!!

Brave's pov

Nakaupo ako ngayon katabi si Tito Arkin habang hinihintay ang pagdating ng kakaharapin naming mga tao. Hindi pa rin naman dumarating ang judge na magbibigay ng desisyon para pinaglalaban namin na apela.

Ilang minuto lang ay kumatok at pumasok ang inaasahan naming mga tao.

Pumasok ang taong inaasahan namin. May hawig nga ito kay daddy ngunit mas mukha itong caucasian ng kesa pinoy. Kasunod nito ang mga nakasuit na lalake. Marahil ay naea apat sila at panghuli ang hindi ko inaasahang makita ngayon.

"Kamusta Auster?" Nakangiti nitong tanong na lumapit sakin at niyakap ako.

Nabigla man ay napayakap din ako dito, ngunit taliwas sa pinapakita namin ang gusto kong sabihin dito.

"Sinula palang pala Kiero, alam mo na ang mga nangyayari. Kilala mo na sya at wala ka man lang sinabi sa akin." Saad ko na bakas ang dalit sa bawat salita.

Ramdam kong lumuwag ang yakap nito bigla, ngunit di ko hinayaan makawala ito ng hindi naririnig ang mga sasabihin ko.

"Pinagmukha ninyo akong kawawa, kaya pala di ka manlang gumawa ng hakbang nung inaapi ako sa mismong restaurant mo dahil isa ka rin sa mga may binabalak na masama sa akin." Pagpapatuloy ko. Gusto kong maramdaman nya ang nagpupuyos na galit sa puso ko.

"Matapos ang lahat, yayakapin moko ngayon na para bang wala kang kasalanan sa nakalipas? Well.." Saad ko at kumalas na sa yakap ko sa kanya ngunit hindi ko pa sya pinapakawalan dahil hawak ko ang magkabila nyang braso.

Ngumisi ako dito at hinigpitan ang hawak ko sa matitigas nyang mga braso.

"Sisiguraduhin kong sa kangkungan kayong lahat pupulutin pagkatapos nito." Pagtatapos ko na nagpayuko lang dito sabay baling sa kapatid nyang kapatid ko rin.

Ngumising aso lang ang nakaupong kapatid ko na akala mo ay sigurado na ang panalo sa sobrang kumpyansa sa sarili.

Pinakawalan ko na ang nakayukong lalake nang pumasok ang judge.

Una naming prinesinta ang aking dna result mula kay mama at papa. Lahat ng dokumentong magpapalakas lalo sa aking karapatan.

Ngunit ang apela parin nya bilang nakakatandang anak ang syang gustong panigan ng judge.

Wala na akong magawa pa kundi ilabas ang natitira kong alas. Kahit pa wala na sila mama at papa, talagang hindi nila ako pinabayaan.

Pinakita namin sa judge ang huling will ni papa. Nakasaad doon na ako lang ang may karapatang umako ng lahat ng ari-arian nya at ni mama. Kalakip nito ang kaing birth certificate at picture naming tatlo.

At sa isang iglap nawala ang ngiti sa mukha ng mga kaharap namin. Nangunot ang mga noo nila at kita ang galit sa mukha ng aking kapatid.

"Pasensyahan nalang tayo kuya. Kung meron mang mapupunta sayo, yun ay ang limang milyon na savings ni papa na para sayo lang." Nakangiti ko na ngayong saad habang pinagmamasdan ang mga mukha nilang tila nalugi sa isang pustahan.

Nakakatawa lang dahil parang kanina lang akala mo walang makakatibag sa mga ngiting tagumpay nila. Pero ngayon ni-isa sa kanila nakayuko na maliban sa kapatid kong nag pupuyos na sa galit.

Sa huli ay pinaburan ako ng judge at ibinigay lang sa aking kapatid ang kung ano mang nararapat para sa kanya.

Sa sobrang galit ay napatayo ito at hinaglit ang aking kwelyo.

The Unmarried Billionaire (Dangerous Man Series) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon