Chapter 44

5.6K 346 155
                                    

Brave's pov

Hindi ko alam na ganito kacomplex ang main branch ng kumpanya. Kaya naman pala halos walang gustong magpenetrate dito dahil konteng miscalculations lang babagsak lahat not just the main branch.

I'm wondering kung ganito pano ba ito nagagawang imanage nila papa at ng matandang Iori.

Naglalakad akong hawak hawak ang mga documents galing sa finance department ng main branch papunta sa office ni kaito ngayon. Urghhh pag talaga naalala ko ang imahe ng binatang yun parang nagfifesta ang mga malalanding cells ko sa katawan.

Kaso kahit naman gusto ko syang jowain ay tila ayaw parin talaga ng lintik na pusong ito.

Nahuhumaling lang ako sa kakisigan at kagwapuhan nya pero ang isip at puso ko tutol ng tutol sa mga gusto ko. Tingin nila kay Kaito ay parang si Chryo lang. Masarap titigan at hanggang titig lang talaga. Ibang yakap, ibang halik at ibang katawan ang gustong maramdaman ng isip at puso ko. Nakakapunyeta lang talaga pag mga organ mo sa katawan mismo ayaw makipagcooperate sa isa't isa.

Nang papalapit nako sa office ni kaito ay isang mabilisang skim sa buong papers ang ginawa ko ng pagbuksan ako ng sekretarya ni Kaito ng pinto na kinangiti at tango ko dito tanda ng pasasalamat.

"Kait, I need you to check on this paper and tell me your judgement over the findings." Ang agaran kong saad ng makapasok ako.

Nakita kong may kausap itong nakatalikod sa akin. Tumingim namam ang binata sa akin.

"Ahh, speaking of an angel." Saad nito at tinungo ang aking kinaroroonan at sa di ko inaasahang pangyayari ay ang halikan ako nito sa pisngi.

Napatulala ako sa pagkabigla sa ginawa nito. Nakangiti lang ito na akala mo nakajockpot sa ginawa nya.

"Mr. Kazuma, this is our new company president." Saad nito na lalong nagpakaba sakin ng lingunin ko ang kausap nito.

Kita kong nagdilim ang paningin nito at di nakatulong ang pag akbay sa akin ni Kaito dahil mas lalo atang tumigas ang titig nito sa amin.

"The one and only Auster Brave Riverheart-Castero." May galak sa tinig nya ngunit taliwas sa taong kinakausap nito ang reaksyon.

"Hands off my property!" Ang tila nagpabalik sa wisyo sa akin dahil tila nawala ang ngiti sa mukha ng katabi ko ngayon at kunot noong tinignan ang kausap.

"I beg your pardon?" May kaseryosohan namang tanong nito pabalik.

"Ahm, Kait I may need to talk to him now. Can you please give us privacy." Basag ko sa tension ng dalawa.

Tumitig naman ng may alanganin si Kaito sa akin at napabuntong hiningang ngumiti at inabot ang papel na hawak ko.

"Sure." Nakangiti nitong sagot saka humakbang palabas ng opisina.

Napabuntong hininga ako matapos magsara ang pinto. Ibinalik ko ang tingin sa taong kasama ko sa kwartong ito.

"Please follow me Mr. Kazuma." Pilit kong hinihinahon ang aking buong sistema dahil sa kakaibang titig na binibigay nito sa akin.

Iginiya ko ito sa kaliwang banda ng office dahil nalagay dito ang office couch.

Umupo ako ng nakapang sopistikadang de kwatro at inimuwestra ang kamay sa kabilang couch na kaharap ko upang paupuin ito. Malalim parin ang tingin nito na tila direktang sumususi sa aking kaibuturan.

Sumunod naman itong umupo at sumandal sa couch ng di inaalis ang kanyang malalagkit na tingin sa akin.

Ginugulo ng mga titig nya ang buong sistema ko at halos nabubuwal na ang mga harang na ilang taon kong binuo.

The Unmarried Billionaire (Dangerous Man Series) (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon