👑Prologue

8.6K 293 68
                                    

Prologue

"Mommy bakit po tayo nageempake?" tanong ng 8 years old na batang babae na nagngangalang Lena.

"Lilipat na tayo baby." Nakaupo lang ang bata sa gilid ng kanyang kama habang ang mommy naman niya ay naka-upo sa tapat ng bata upang magkatapat sila ng mukha ni Lena.

"Sinabi ko na ngang I'm not baby any more eh," pagrereklamo ng bata na nagkamot pa sa likod ng ulo. Ayaw niya kasing matawagan ng baby dahil big girl na raw siya.

"Kahit lumaki ka na. Ikaw pa rin ang tanging baby ko." Pinisil pa konti ng mommy niya ang matabang pisngi ng bata.

"Pero bakit po tayo lilipat?" Nang napalitan na ng pagtataka ang mukha ng bata. Nagtataka pa rin kasi siya kung bakit sila lilipat eh maayos naman ang pamamalagi nila sa dati nilang bahay.

Hindi pa kasi nila naipapaliwanag kay Lena ang balak nila kasi biglaan din ang paglisan nila sa kanilang lugar. Nakabili kasi ang ama ng bata ng magandang bahay at lupa sa kabilang isla. Kailangan din nilang lumisan kaagad para sa pag-aaral ng bata.

Si Lena ay nasa pangalawang baitang pa lamang ngunit napakabibo na. Parang gusto niyang walang gabay ang kanyang mga magulang. Independence kumbaga.

"Meron kasing nabili ang daddy mo na bahay 'dun. Pero sa kabilang isla pa yun kaya sasakay tayo sa barko," nakangiting salaysay ng ina at nakahawak pa ang kamay niya sa lap ng bata. Kita mo naman sa mukha ng bata ang excitement ng marinig niya ang salitang barko.

"Barko? Ito po ba yung sasakyan that crosses the ocean?" Mababakas sa nakangiting mukha ng bata ang pagkasabik dahil sa wakas ay makakasakay na rin siya sa tinatawag na barko na sa tv niya lang nakikita.

"You're absolutely right baby," her mommy said in an amusing tone. Hindi niya alam na sa murang edad ng anak ay alam na niya ang mga bagay na ganun. Ang matured na ng isip nito.

Napapanuod din naman kasi niya sa mga DVD na inuuwi ng daddy niya. Ang daddy niya kasi noon ay isang marine pero nagresign siya kasi nawawalan na siya ng oras sa kanyang pamilya.

Kaya mas maganda na humanap na lang siya ng trabaho na hindi magugugol ang lahat ng oras niya.

"Sabi ko na ngang I'm not a baby any more," pabulong na sabi niya dahil ayaw niya talagang nasasabihan ng baby at hindi naman yata narinig ng mommy niya 'yun.

"Ano? Ready na ba kayo?" tanong ng daddy ng bata na kararating lang sa kwarto kung nasaan sila. Sabay namang lumingon ang dalawang nasa loob ng kwarto.

"Oo, ready na rin 'yung mga bagahe," sabi ng mommy niya na lumabas na sa kwarto. Sumunod naman ito sa mommy niya.

"Get in the car now baby." Naglean pa konti ang mommy niya sabay gulo ng buhok nito bago bumalik sa loob at may nakalimutan daw. Padabog na naglakad si Lena papunta sa sasakyan kasi nga ayaw niyang matawag na baby.

Nanatili lang si Lena sa kotse ng ilang minuto hanggang sa dumating na ang mga magulang niya. Nagsimula nang magpaandar ng sasakyan ang daddy ni Lena. Nasa likod naman ng driver's seat sina Lena at ang mommy niya.

"I'm sure that you will love our new house baby."

Nagsmile lang si Lena as a way of response sa sinabi ng kanyang ina. At maya-maya pa ay nakarating na nga sila sa pier.

Hindi naman kalayuan ang bahay nila sa daungan ng barko kaya mabilis silang nakarating.

Nauna nang pumunta sa loob ng barko ang mag-ina at may inasikaso lang ang daddy ni Lena. Nakuha na rin nila ang susi ng magiging kwarto nila sa barko. Namangha pa si Lena sa mga nakikita niya. Kasi ang kwarto nila ay ang wall niya ay gawa sa matibay na salamin kaya nakikita mo ang kabuoan ng dagat.

The Mermaid Princess (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon