"Ah. So, ikaw pala yung pinagpalit sa akin ni Jasmine?" Sabi ko. Ang bitter ko po ba? Sorry.

"Ano? Bestfriend ko lang siya." Sabi niya.

"Matagal na magkaibigan yang si Jasmine at Martin nung bata pa. Teka nga, sino ka ba?" Sabi ng tatay ni Jasmine. Hindi ako pinakilala ni Jasmine? Nasaktan ako dun kaya umalis na ako sa ospital at umuwi na.

Hindi ako makapaniwala na totoo lahat ng sinasabi ni Jasmine. Dapat talaga naniwala ako. Kung naniwala ako ay walang mangyayaring ganito. Ano na ngayon ang mangyayari kay Jasmine? Jasmine, huwag ka muna mawala, hindi ko pa kaya. Gusto ko pa bumawi sa nagawa ko sa iyo. Gusto pa kita makasama ng matagal.

Nasaktan man ako na hindi niya ako napakilala sa mga magulang niya. Wala na akong pake, kailangan mabuhay pa siya. Mamaya na yang tampo tampo na yan. Wala namang maganda na maidudulot yan.

Sunod na araw, nakareceive ako ng maraming texts at missed calls. Binasa ko isa isa lahat ng mga text. Isa lang naman ang message ng lahat.

Wala na si Jasmine.

-Flashback end-

Ilang araw at buwan ako naguilty. Ilang araw at buwan akong nagmove on tapos makikita ko lang siya na buhay pa pala? Hindi naman sa nasayang yung pageemote ko pero sana sinabi nila yung totoo para mabawasan yung sakit. Masakit kaya yung akala mo hindi na babalik yung taong yun tapos biglang babalik na lang ng basta basta?

Allisha's POV

"Ano meron? Bakit ganyan ang mga itsura niyo?" Sabi ko sa kanila. Sobra namang seryoso nila.

"Aalis na kami ah. Kailangan niyo na mag-usap na pamilya. Bye bestie!" Hinug ako ni Christine pero bakit parang umiyak siya kanina? Umalis na sila ni Kyle at umupo na ako.

"Anak, napagdesisyunan na kasi namin na hindi ka na dito mag-aaral next school year." Sabi ni papa. Saan naman ako mag-aaral?

"Lilipat na kasi tayo sa Canada. May nakuha ang papa mo na trabahon dun eh. Ako din maghahanap na ng trabaho dun." Sabi naman ni mama.

"Nagdecide kayo na hindi nagtanong sa akin? Part pa rin naman ako ng family ah." Sabi ko sa kanila.

Tumayo na ako at kinuha yung bag ko. Pero nagulat ako sa tabi ng bag ko. Yung stuff toy ni Kuya Rupert. Kunwari na lang ay akin yun kaya kinuha ko na din. Pumasok ako sa kwarto ko at nilakasan ang sarado ng pinto. Halata na galit na ako nun.

Nagbihis na ako at humiga. Natulala sa ceiling. Ready na ba talaga ako umalis ng Pilipinas? Alam kong maganda naman sa Canada. Maganda din naman makapunta sa ibang bansa pero maganda pa din yung nasa bansa mo talaga. Yung kung saan ka na lumaki at nagkaisip.

Hindi lang yun, madami akong maiiwan dito sa Pilipinas. Isa na dun si Kuya Rupert, bago pa lang kami magkaibigan tapos matatapos na agad? Gusto ko pa siya maging kaclose. Gusto ko pa siya makilala.

Kung sabihin ko ba sa kanila na hindi ako sasama, papayag kaya? Kung sabihin ko ang rason, mas papayag? Lalo na yatang hindi yun papayag kapag sinabi ko dahil sa isang lalaki.

Lumapit na ako sa bintana at tinignan ang buwan. Nalungkot at hindi na alam ang gagawin. Mas masaya nga ba sa Canada?

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

AUTHOR'S NOTE

Annyeong! Sa mga nagtatanong, nag-uupdate ako every SUNDAY. Hindi pa tapos yung fanfiction, hinay hinay lang! Matagal tagal pa ito matatapos. Mga March pa siguro? Basta, hindi this January. May one shot na iuupload yung isa pang author dito by this month, OI GAWIN MO NA YAN! KAILANGAN NA YAN! Hahaha.

Happy birthday nga pala Kyungsoo. Saranghae! Sino mga Kyungsoo biased dito? Kaway kaway!

Read, vote and comment kung active reader ka! Magpapadedicate? Just comment. Wag na mahiya! Nakakatuwa, ang dami na nagbabasa nito. Support support lang ah! Pati dun sa next fanfiction pagkatapos nito, teaser lang, about sa isang anghel. :D

Babatiin ko lang si Rupert Manalili! Hahaha. Nahanap ko din ang Wattpad account mo, kala mo ah. Salamat at binabasa mo ito. Nandito lang kami para sa iyo. Fighting!! Ingat palagi. Wag ka gaano magpuyat, baka magkasakit ka pa niyan. Tsk.

This chapter is dedicated to:

Weird_Marsellie

monavermillion7

JustShootAnonymous

kimberly_jung_7

mynammy

ItsMeRocieLL

kaisiree089

PtLXIPancu

littlemisscamille

llnjsscjdr

AnnaPinkXD

ohmydearjaejoong

INSPIRITLaley

It Started With A ReplyWhere stories live. Discover now