Chapter 55.2

5.2K 133 14
                                    


A/N: Wait for the epilogue.

Chapter 55.2: Goodbye..

LHISSANAH'S POV

"Ano ba'ng problema mo!?" inis na utas ko kay Shannah na nanlilisik ang mga mata habang nakakubabaw sa akin. Kanina niya pa hinihila ang buhok ko at kung anu-ano ang pinagsasabi.

Feeling ko dumudugo na 'yung anit ko at malapit na akong makalbo. "You're not that special pero bakit lahat sila ay sinasamba ka!? I'm far more better than you--no! I'm the best!" malakas na sampal ang sunod kong natanggap mula sa kanya.

Mas lalong nag-init ang ulo ko sa ginawa niya. "ANO BA!!?" marahas ko siyang itinulak palayo sa akin. Pinilit kong tumayo kahit hinang-hina na 'ko. Shit! at kailangan ko pang harapin ang hayop na Zyle na 'yon.

Bigla nalang akong sinugod ni Shannah. She's holding a combat knife for pete's sake!

Tanging pag-ilag lang ang ginagawa ko para kahit paano ay may maipon akong kaunting lakas. "If it weren't for you baka buhay pa si Harold ngayon! Didn't you know?" kahit nagtataka ako sa pinagsasabi niya ay pinili ko nalang manahimik. "..he's my fiancee you bitch!"

Dahil sa gulat ay hindi ko naiwasan ang kutsilyong hawak niya at tumama iyon sa balikat ko. "Urgh.." sinapo ko ang balikat ko. Ramdam ko ang pag-agos ng dugo doon. Napapikit ako dahil sa matinding pagod.

Sobrang dami nang nangyari ngayon. Can we stop this already? Alam kong naghihigante sila sa akin dahil sa nangyari kay Harold. Alam kong may kasalanan din ako sa nangyari pero desisyon parin nila na ibuwis ang buhay nila para sa akin! I didn't beg for their life! Kusa nila iyong ginawa, hindi ba nila iyon maintindihan!?

Akmang susugod ulit si Shannah sa akin nang may pumutok na namang baril. Natigilan si Shannah at ganon din ako. Unti-unting bumakat sa suot niya ang dugo. Lumingon siya sa likuran niya at tinanaw ko din iyon.

Bored ang mukha ni Zyle habang nakatutok ang baril niya na may maliit pang usok kay Shannah.

"W-Why did y-you shot me?" nanginginig nitong tanong. Walang gana parin ang mukha ni Zyle.

"I told you to not hurt her. Ako lang ang pwedeng magpahirap sa kanya."

"B-But you said-" he cut her off.

"It was a lie. I told you to help me kill her para kay Harold--ofcourse its true na para kay Harold ito but I have more reasons. Alam ko ang tungkol sainyo ni Harold kaya nga ikaw ang nilapitan ko para mas madali kong makuha ang gusto ko. All I wanted was to control all the gangsters in GA at para mas mapadali ang plano ko." inikot niya ang mata niya sa buong talampas.

"I am not yet powerful at alam kong hindi papayag ang Clan sa gagawin ko. Alam kong hindi nila ako bibigyan ng tauhan at kahit anong tulong para dito. So I used you instead. Since saiyo na sumusunod ang mga hayop na 'yon simula nung hindi na masyadong pumupunta ang Goddesses doon at pati narin si Xenon." hindj na pumupunta ng GA si Xenon? How come? Akala ko gusto niyang mawala kami para siya na ang tingalain sa GA?

"Y-You monster--!" hindi na natuloy ni Shannah ang tangkang pagsugod niya dahil binaril ulit siya nito.

Why is he so heartless? Napaniwala niya ang buong GA sa plano niya. Halos lahat sila ay napuruhan na at yung iba ay nag-aagaw buhay na pero ginamit lang pala niya ang mga ito! For what? For revenge?

Twin Gangster Goddesses [#Wattys2019]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon