Chapter 15

8.9K 239 21
                                    

Chapter 15: Medical Mission 1

LHISSANAH

Pagkatapos in-announce na magkakaroon ng Medical Mission ang Xi University sa malalayong probinsya sa buong Visayas region ay nagsipaghandaan ang lahat. Inideklara na walang maayos na klase sa linggong ito dahil sa Medical Mission na gagawin.

Kanya-kanyang panggo-grocery ng pagkain ang mga estudyante. Ang iba sakanila ay bumibili din ng mga first aid kit sets. At dahil mga mayayaman sila, halos bilhin na nila ang lahat ng paninda sa mga botikang nadadaanan. Nakakatuwa lang na talagang aliw na aliw sila halatang excited na tumulong.

Nang sabihin kanina na magkakaroon ng medical mission ay akala ko na marami ang tututol at magrereklamo, but it was the other way around. They became attentive.

Hindi naman sa sinisiraan ko ang mga mayayaman pero, given na naman na mga 'spoiled' ang mga estudyante sa mga private schools. Hindi mawawala ang mga 'maaarte' at 'sosyalera'.

But I'm amazed by the students of Xi University. They are willing to help others. Yun nga lang, parang mga isip bata. Tsk!

"Hays, tayong mga College pa talaga ang tinira nila. Alam naman siguro nila na masyado tayong busy at may thesis pa!" Bulyaw ni Yannah na nasa gilid ko.

"Watch your words Lhiyanah."

Banta ko sakanya. Tinignan niya ako saka ngumuso. Umismid ako bago naglakad papuntang cafeteria. Wala ng masyadong tao sa caf pagkapasok namin.

"Bakit ba atat na atat silang mamili ng mga goods at first aid kits? Bukas pa naman yun ah." Yannah.

"Tanga ka ba? Maaga ang alis nating mga college bukas." Singhal ni Ophelia.

"Ah ganun ba? Bakit ang aga? Saan ba tayo magme-medical mission?"

"I heard na its somewhere sa Visayas region daw. Wala pang exact place kasi igo-group pa tayo. 3 sections per Province." Biglang singit ni Shannah.

Napalingon kami sa gawi niya. Kasama niya si Harold at Elleishia na mukhang nagbabangayan na. Bumalik ang tingin ko sa kanya ng lumapit siya sa akin at bumeso.

"Masyadong feeling close..."

Bulong ni Yannah na dinig naman namin. Palihim siyang siniko ni Ophelia. Sinamaan naman ng tingin ni Shannah si Yannah.

"H'wag ka nang epal Lhiyanah. Close na kami ni Lhissanah at kung naiinggit ka, pwede ka namang makipagkaibigan saken." Taas kilay niyang saad. Nginisian niya si Yannah na halatang naaasar na.

Twin Gangster Goddesses [#Wattys2019]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon