Chapter 11

9.4K 261 20
                                    

Chapter 11: Planned

LHISSANAH

Nakatunganga ako habang nakatingin sa mga pulis na nag-iimbestiga sa crime scene. Iyong babae na kapareha ko ng costume ang nasaksak. She was stabbed three times sa puro niya mismo.

"You!" Nag-angat ako ng tingin sa sumigaw. Nakaturo saken ang hintuturo niya. "Baka ikaw ang gumawa nun. Nagalit ka siguro dahil sa nangyari kanina! You killed her!!" Napaamang ako sa sinabi niya. Hindi agad ako nakasagot dahil sa pagka bigla.

"Ano bang sinasabi mo Miss!?" Pagalit na tanong ni Yannah sa kanya.

"Bakit ko naman gagawin yun? Eh hindi ko nga maalala ang pagmumukha nun. Atsaka hindi ko kayo kilala. Hindi naman ako papatay ng tao na ganun ka babaw ang rason." Sarkastiko akong napatawa. "At isa pa, kayo ang may ginawa. Kayo 'yong tumawa at nagbulong-bulungan. Nakatayo lang siya at nakatingin saken. Kung may dapat mang patayin......ikaw yun." Akmang susugurin niya ako ng humarang sa pagitan namin ang isang pulis.

"H'wag ho kayong mangbintang ma'am. Marami ang nag witness na nandito lang siya sa labas ng mangyari ang krimen. May CCTV footage din po bilang patunay." Malumanay na sabi ng pulis.

"What if may inutusan siya! To do the work para hindi siya ang madiin!? You killed Alphaville!" Galit niyang sabi.

"Arlene huminahon ka. " Anang kaibigan niyo at niyakap siya.

"Planado ho ang pagpatay sa kaibigan niyo. Masasabi ko iyon kasi malinis siyang magtrabaho. Hindi namin nahanap ang ginamit na weapon at wala kaming clue kung sino ang gumawa nun. But, I can say na lalaki siya."

Napatitig ako sa pulis. "Paano mong nasabi?" Tanong ko.

Bumuntong hininga siya bago nagsalita. "Sinakal muna siya bago sinaksak. That explains the red marks on her neck. Limang segundo lang ang tinagal ng pagkakasakal sa kanya ay nalagutan kaagad siya ng hininga. Paniguradong malakas ang gumawa nun." Biglang naging tahimik ang paligid. Nabasag lang iyon ng humagulhol ulit iyong Arlene. Mabilis siyang hinila ng iba niyang kaibigan palayo sa amin.

"We'll do everything we can to catch the culprit Queen." Nag bow sa akin ang pulis bago umalis.

My life is making me crazy!

"What happened!?"

Hinihingal na sabi ni Harold. Si Ophelia ang nag explain sa kanya sa nangyari. Humarap ako sakanila para makinig. Pero natigilan ako dahil bakas sa mukha ni Harold ang pagka gulat ng makita ako. Nagkatinginan kaming lahat dahil sa inasta niya.

"Lhissanah!?" Nawi-weiduhan na ako sa inasta niya.

"O--Oh?" Naiilang kong sabi. Tinitigan ko siya at ganun din sina Yannah. Hindi siya kaagad sumagot kaya mas lalong kumunot ang noo ko. "Ano ba ang nangyayari sayo? Ang weird mo ah. Nakapunta ka lang sa CR ay ganyan ka na. Sinapian ka ba dun?"

"A-Ah! Okay ka lang ba? Hindi ka nasaktan?" Kunot ang kanyang noo ng pinasadahan ako ng tingin. Magtatanong na sana ako ng may tumawag sa kanya.

"Harold! Let's go!"

Naagaw ang atensyon naming lahat sa lalaking tumawag kay Harold. Walang emosyon ang kanyang mukha habang nakatingin kay Harold. Isa-isa niya kaming tinitigan at natigil iyon sa akin. Bakas ang gulat sa mukha nito at may pagtataka sa mukhang bumaling kay Harold. Bago pa man ako makapag-tanong ay nagpaalam na ito.

"I-I gotta go. See you around." Patakbo itong lumapit sa lalaki at sandaling nag-usap. Tumingin pa muna sa akin ang kasama ni Harold bago sila umalis. Nagpaalam narin sina Cedric at Calix na hahanapin nila si Zackary. Tahimik kaming tatlo habang tinatanaw silang naglakad palayo.

Twin Gangster Goddesses [#Wattys2019]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon