Chapter 34

6.2K 181 9
                                    

A/n: Heartless_Demonic para to sayo. Thank you for reading~

Chapter 34: A Day With Him (Part 1)

LHISSANAH'S POV

"Mom, I said not today." May diin kong sabi. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone dahil sa iritasyon. "Paulit-ulit nalang ba ha? Hindi naman aalis ang Canada at makakapag-antay ka naman siguro."

"But we need to go ASAP!"

"Then why don't you go there first? Atat na atat ka na. Besides, napag-usapan na naman natin na umuwi sa Canada." Napangiwi ako ng maramdaman ang kaunting kirot sa tagiliran ko. "Wala ka bang tiwala sa amin?"

Hindi siya sumagot. Namayani sa pagitan namin ang katahimikan. Hhmmm, something's not right.

"Mom? Is something wrong?" Tinigna ko ang cellphone ko. Its still on call.

"Hello?" Kumunot ang noo ko. Pinakinggan kong mabuti ang nasa kabilang linya.

Nakarinig ako ng kakaibang tunog. Nagulat ako ng may nabasag na parang vase at parang nagkakagulo.

"Mom!? Hello? Mo--"

"Oh! I'm sorry about that Lhissanah." Sabi niya at halatang hinihingal.

"What is happening?"

"Uh, its nothing. Nag-aaway lang ang kapitbahay natin. Anyways, I am already here in Canada--kagabi pa" kumunot ang noo ko at ngumiwi. She deceived me!

Tumawa siya at napailing lang ako. "Akala ko andito ka pa? Baliw ka! I'm hanging up." Humalakhak ulit siya.

"Bye. Siguraduhin niyo lang na pupunta kayo dito bukas or else..." Nararamdamam ko ang pagbabanta sa boses niya.

"Or else what? 'Wag kang magbanta di tayo close and hindi bagay sayo." Bago pa man siya makasagot ay binaba ko ang telepono.

Twin Gangster Goddesses [#Wattys2019]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon