Sinabi niya sakin ang ilang mga detalye ng pagbubuntis niya, I calculated how many months she is pregnant now and poof, tama nga. Ilang linggo lang ang lamang niya kay Scarlette. Posible ngang ako ang ama ng bata.

"Xander, panagutan mo ako. Kung hindi ako mismo ang magsasabi kay ma'am Scarlette." Matapang at duterminadong sabi nito.

"Hindi. Wag. Wag mong sasabihin sa kanya." Pagsusumamo ko.

Nag pamewang siya at muling nagsalita. "Kung ganon, panagutan mo ang batang 'to."


That's how everything started, sa mga panahong wala ako sa tabi ni Scarlette, si Carmela ang kasama ko. I provided her the things that she needs and the baby's needs. Wala siyang check up na hindi ko napuntahan. Kung totoo mang anak ko ang batang nasa sinapupunan niya at tinaggap ko 'yon. Pero wala sa plano ko na pakasalan siya.

Humanap ako ng tiyempo para sabihin kay Scarlette ang totoo, pero hindi ako makahanap ng lakas ng loob, what if she leaves me? Paano kung magalit siya at hindi na niya ako mahalin? I was so afraid to lose her kaya hindi ko na napabsin ang mga bagay na maaaring mangyari. Napabayaan ko silang dalawa ng anak namin. Anong klase akong tao? Anong klase akong ama?

"Hello Xander? Nasaan ka na? 1 pm ang check up namin ni baby." Si Carmela ang nasa kabilang linya. Pang apat na beses na ata niya akong tinawagan.

"Carmela wag ngayon, kailangan kong puntahan si Scarlette." Nilinaw ko naman kay Carmela na uunahin ko ang responsibilidad ko kay Scar. Simple lang. Dahil mahal ko siya.

"Pero hindi ko kayang mag isa. At saka, ayokong mag commute." Pag pupumilit niya pa rin.

Binagsak ko ang ballpen at saka pinisil ang tuktok ng ilong ko. Bakit ba ang kulit ng babaeng 'to? Ang dami na ngang problema sa opisina!

"Ikukuha nalang kita ng taxi." Binaba ko na ang telepono at tinuloy ang nakakalunod na paperworks sa lamesa ko.

Ilang sandali pa ang lumipas nang mag ring ulit ang phone ko. Unknown number. Kumunot ang noo ko at sinagot ang tawag.

"Hello? Is this Mr. Xander? Sir, kasi yung asawa niyo po na hit and run."

The first thing that came into my mind was Scarlette. Sh!t anong nangyari sa kanya?

"What are you talking about?" Parang mawawala ako sa sarili.

"Kayo po kasi ang nasa recently called ng patient." Recently called? Hindi pa tumatawag sakin si Scarlette magmula kaninang umaga.

"Sir derecho nalang po kayo sa General Hospital, itinakbo na po siya don."


Kasabay ko pang dumating ang ambulansya sa Ospital, hindi ko alam kung giginhawa ba o lalong bibigat ang pakiramdam ko nang makitang si Carmela ang laman ng ambulansya. Ang una kong naisip ay ang anak namin, punong puno ng dugo ang mga binti niya. Wala siyang malay at namumutla. Wag naman sanang kunin ng Diyos ang bata.

Maaaring hindi ko siya mahal, pero anak ko pa rin ang dinadala niya. Nag aalala ako ng sobra dahil ayokong mapahamak ang bata. Maraming nurse ang lumapit, itinakbo siya at sumunod na lamang ako sa kanya. Nagdadasal na sana'y walang mangyaring masama. Papasok na kami ng emergency room nang may tumawag sa akin.

"Xander!" Kilalang kilala ko ang boses na 'yon. Si Scarlette 'yun!! Lumingon ako sa kanan at nakita ko agad siya, naka maternity dress at mahigpit abg hawak sa tiyan niya. Diyos ko!

Kitang kita ko sa kanya ang sakit. Marahil ay na stress nanaman siya dahil hindi ko siya nasamahan. Gusto kong ngumuti sa kanya at ipakitang masaya ako. Pero hindi maalis sa akin ang pag aalala kay Carmela. Tinawag ako ng doktor at wala akong ibang nagawa kundi iwan ang babaeng mahal ko. Pero nangako ako sa sarili kong babalikan ko siya.


Huli na nang makabalik ako. Nabalitaan kong kamuntik na siyang malason. At alam ko ring isinilang na niya ang anak namin. Hindi ito ang naisip kong magiging scenario pag nanganak siya. Ni hindi ko man lang nahawakan ang mga kamay niya. Hindi ko man lang narinig ang unang iyak ni baby. Wala akong lakas ng loob na magpakita sa kanya. Pero gustong gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang halikan at yakapin. Gusto kong sabihin sa kanya na sobrang saya ko dahil ligtas sila.

Pero hindi ko magawa. Nahihiya ako sa sarili ko, sa mga tao sa paligid ko, sa anak ko, at kay Scarlette. They don't deserve someone like me.

Kaya nakukuntento nalang akong dumaan sa kanila kapag tulog sila at walang tao. Kahit papano nabantayan at nakita ko sila. Masaya na ako don.

Nag ring ang doorbell. Walang kabuhay buhay ko 'yong pinuntahan.

Awtomatikong bumagsak ang balikat at luha ko nang makita ko kung sino ang nasa pinto. Idinikit ko ang noo ko sa noo niya. Ahhh. It feels home.

Scarlette.

The Unwanted WomanWhere stories live. Discover now