"Vox,"


Nanigas siya nang marinig ang malamyos na tinig mula sa kanyang likod.


Nang lumingon siya ay isang nakangiting babae ang naroon. Nakasuot ito ng kulay dugong bestida na lalong nagpatingkad sa kulay labanos nitong balat. Maputing-maputi ito.


"L-Lucia?"


Lumawak ang ngiti ng babae. "I'm glad you still remember me, my love."


Hinawi nito ang kulot na buhok saka naglakad palapit sa kanya. Nakayapak ito ngunit walang kadumi-dumi ang paa. Walang suot na bra si Lucia dahil kitang-kita niya ang nipple ng babae na lumalagos sa manipis nitong pulang bestida.


"Ang tagal na nating hindi nagkita. Isang dekada?" Bahagyang kumiling ang mukha ng babae; sinisipat ang kanyang mukha.


"Where is Geovanna?" nagtatagis ang mga ngiping tanong niya. Baka may kinalaman si Lucia kung nasaan si Vanna.


"I missed you..."


Sa isang iglap ay nasa harap na niya si Lucia, magkalapat na ang mga labi nilang dalawa habang ang isang kamay nito ay nakasapo sa harapan ng pantalon niya. Pinipiga nito ang kanyang pagkalalaki.


"Damn, Kaden," anas nito. "Wala pa ring pinagbago ang sarap ng mga labi mo..."


Itinulak ni Kaden ang malamig na katawan ni Lucia. Tumalsik ito sa pader at padapang bumagsak sa sahig.


"You know that you are not welcome here, Pedrigal." Nangangalit ang mga ngipin niya.


Nakangisi itong nagtaas ng mukha. May dugo ang ilong ngunit hindi nito iyon alintana. "Kung magsalita ka, parang hindi pangalan ng angkang pinagmulan mo ang binanggit mo."


"I'm a Vox, I am not part of your dirty clan." Mula nang iwan sila ng ina nila na isang Pedrigal ay wala na silang pakialam sa angkan ng mga ito.


"Really?" walang ano mang tumayo si Lucia mula sa sahig. Namewang pa ito. "You are not a part of the Pedrigals? But your mother-"


"Wag mo ng banggitin ang taong wala na."


"You're still bitter, my love." Umiling-iling ito. "Hayaan mo. Kung ayaw sa 'yo ng mama mo, nandito naman ako."


"I don't need you."


"Sinasabi mo lang iyan, pero tayo talaga ang nababagay, my love." Ngumiti si Lucia nang mapang-akit. "Hindi naman talaga ako Pedrigal, ampon lang ako ng uncle mokaya puwedeng-puwede tayo."


Nilampasan niya ang babae. Hinanap niya sa buong kabahayan si Geovanna. Si Geovanna ay isang mabuting babae, hindi man niya masuklian ang pag-ibig nito sa kanya ay nanatili ito sa tabi niya. Naging isang mabuting kaibigan ito sa loob ng ilang taon niya sa Maynila.

Fall For YouNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ