"Teka-teka, bakit ako ang magkwekwento. Dapat ikaw. Ikwento mo sa akin kung panu kayo nagkakilala ni Sefh at panu kayo nakabuo ng napakacute na baby." Ani Hoor sabay pinanggigilan nito ang mukha ng anak nila Yasmin.

Hanggang sa nakaupo nga silang apat ay hindi tinantanan ni Hoor si Yasmin sa katatanong dito. Naiiling na lang si Yasmin dahil wala parin itong ipinagbago. Ito parin ang kaibigan niyang si Hoor Ledesma Alvarez. Like before, parang machinegun kung magsalita.

"Jack, panu mo nakilala ang babaeng ito na parang machinegun ang bibig?" Bigla naman napasimangot si Hoor sa tinuran ni Yasmin.

"I met her in London. At nagustuhan ko siya dahil sa pagiging maingay niya, kapag nandyan siya kahit para siyang kuliglig ay napapangiti parin niya ako. Hindi magiging boring ang life mo kung kasama muna siya." Tila proud namang ani Jack. Dahil sa tinuran niya ay kinilig naman si Huor kaya sa tuwa niya ay niyakap niya ang nobyo.

"Nagbibinata kana nga bro." Kumento naman ni Sefh. "Langya ka bro." Naisatinig ni Jack sa tinuran ni Sefh sa kanya.

"Eh! Kayo, panu kayo nagkakilalang dalawa?" Tanong din ni Hoor sa kanila.

"It's a long story. But Sefh is my hero. Kung hindi siguro siya ang taong nakakita sa akin ng time na lumaklak ako ng alak e baka isa na ako sa alagain ngayon sa mental hospital." Ani Yasmin na kinakunot ng noo ni Huor.

"What you mean?" Naguguluhang tanong ni Hoor.

"You remember the man you really hate. The man you want to kill and dispatch?" Anitong nag-isang linya naman ang kilay ni Hoor. Panu niya makakalimutan ang lalaking yun e yun ang lagi nilang pinagtatalunan ni Yasmin noon.

"Duh! that jerk, buti si Sefh ang nakajundant sayo. Magpaparty pa ako." Ani Hoor sabay tirik ng mata niyang halatang hate talaga niya ang ex-boyfriend ni Yasmin. "Anong ginawa ng gago na yun?" Tanong ni Huor sa kanyang curious malaman ang nangyari sa past life ni Yasmin.

"We'll, lahat lang naman ng sinabi mo noon sa akin ay kinain ko. Tama ka, manluluko nga siya. Alam mo ba kung ano ang ginawa niya. Nakipagsex siya kay Lara, you know Lara right," pinaalala nito si Lara na dati rin nilang college friend. "So, he and Lara enjoying while I'm not around. At alam mo kung saan sila nagsesex? Sa mismong room namin. Kaya I'm glad na hindi ko ipinagkanulo ang sarili ko sa kanya. Dahil ako lang pala ang magiging kawawa sa bandang huli." Kwento nito kay Hoor.

"Hays! mabuti naman at tinablan ang ulo mo. At nakita mo kung sino ang karapatdapat mong pag-alayan ng buhay mo." Masayang ani Hoor sa kanya.

"Yeah! kaya hindi ko pinagsisihang dumating si Sefh sa buhay ko. Ng dahil sa kanya natoto akong lumaban ng tama at maging matatag. Naranasan kung maging isang ina. And I'm proud being a mom now. Kita mo naman itong baby namin." Masayang ani Yasmin sabay tingin niya sa kanyang mag-ama.

"Kaya kayo, bilis-bilisan niyo na rin. Ang sarap kaya sa pakiramdam ang paggising mo ay nasa tabi mo ang mag-ama mo." Anito kina Hoor at Jack.

"Oo, nga honney. Bilisan munang mag-araro ng makarami ka." Pilyang ani Huor kay Jack. "Gusto mo akong itakin ng daddy mo?" Biglang saad ni Jack kay Hoor na napanguso sa tinuran ng nobyo.

Natawa naman sina Yasmin at Sefh sa dalawa. "Bro, Cinderella's right. Bilis-bilisan niyong dalawa. Remember, saka mo masabing tunay kang lalaki ay kung makita mo ang bunga ng pagiging lalaki mo." Gatong ni Sefh sa tinuran ni Yasmin sa dalawa. Kaya napakamot ng ulo si Jack.

"Papatayin ako ng daddy niya kapag iniharap ko ito sa simbahan na malaki ang tiyan bro," Nakasimangot nitong turan sa pinsan. "Ang tagal naman kasi ng araw. Bakit pa kasi nauso ang sukob na yan. Gusto kung maging Mrs. Sandoval na si Hoor." Naiinis nitong turan sa mga ito.

LOVE AND PAIN(Completed)Where stories live. Discover now