"Hey! baby, finally naisipan mo ring magpakita. Akala ko e nakalimutan muna ang kuya mo." May hinampong ani Rolly na kalalabas lang mula sa kanyang opisina.

"Hi! kuya, I'm sorry kung ngayon lang kita napuntahan dito. Alam mo naman ang nangyari kay Sefh." Agad nitong sinalubong si Rolly at yumakap dito. Ginulo naman ni Rolly ang buhok niya na kinanguso ni Yasmin.

"At kuya, I'm not a baby anymore. Meron na nga akong anak." May pagmamalaki nitong turan kay Rolly na napailing. Agad namang binalingan ni Rolly si Sefh at nakipag kamay sa binata.

"Hey! Man, buti naman at gumising kana. Akala ko e aabutan ka ng next year bago gigising." Saad dito ni Rolly na natatawa. "Nhaaaa....dumating ba naman ang mag-ina ko bro, at kinalikot ni baby Van ang mata ko. Kung ikaw ang natutulog e magigising at magigising ka talaga." Ani Sefh na binalingan ang anak na himalang tahimik lang. Halatang bumobwelo lang ito ng kakulitan.

"Oh! siya hali kayo sa opisina." Aya ni Rolly sa dalawa.

"Ah! maybe next time na lang ako tutuloy sa opisina mo bro, hinatid ko lang ang mag-ina ko dito. Kailangan ko kasing pumasok sa opisina ngayon." Tanggi ni Sefh kay Rolly.

"Ganun ba bro, kung ganun ay ikaw ang bahala." Agad namang kinuha ni Yasmin ang anak nila kay Sefh.

"Susunod na lang kami sa opisina mo." Ani Yasmin kay Sefh. "Okey! mag-ingat kayong dalawa." Habilin naman dito ni Sefh na agad kinintalan ng halik sa labi si Yasmin. Wala itong pakialam kung may nanonood sa kanila. Si Yasmin naman ay nasanay na siya sa ugali ni Sefh na bigla na lang nanghahalik kahit nasa public place sila.

"Buddy, don't be silly, be a good boy." Anito sa anak sabay gulo nito ng buhok ni Sylvan na pumalakpak lang. "I have to go, guys." Paalam ni Sefh sa mga ito bago siya tumalikod.

"My God. Yash, kailan ka pa naging PDA?" Ang natatawang tanong ni Cevgie kay Yasmin. "Kung isang Aivan Sefh Guerrero ang kasama mo ay dapat mong ihanda ang sarili mo. Kailangan mong masanay sa ugali niya. Dahil wala siyang pakialam sa nakapaligid sa kanya kung gusto niyang gawin ang isang bagay." Anito kay Cevgie na nanlaki ang mata sa narinig.

"I'll be back later, kakausapin ko lang itong boss niyo. Marami kayong ikwekwento sa akin." Anito sa mga kaibigan.

"Ikaw ang maraming ikwekwento sa amin, hindi kami." Ang taas kilay naman sabi sa kanya ni Alexa. Ngunit tinawanan lang niya itong sumunod sa kuya Rolly niya patungo sa opisina nito.

SAMANTALA pagdating ni Sefh sa opisina niya ay inaasahan na niya ang mainit na pagsalubong sa kanya ng mga empleado ng kumpanyang pag-aari niya. Kanya-kanya ng pagwelcome ang mga ito sa kanya.

"Good morning, boss. Welcome back po." Anang secretary niya.

"Kumusta ang kumpanya Jane?" Tanong nito sa secretary niya. "Doing good, boss. Noong nasa hospital po kayo ay madalas dito si sir Brexx. Siya po ang gumawa ng mga naiwan niyong trabaho." Paliwanag sa kanya ni Jane na kinangiti ni Sefh.

"Okey! Jane, thanks." Anito. Agad namang bumalik sa mesa niya si Jane at itinuloy ang trabaho.

Agad na tinawagan ni Sefh ang pinsan nitong si Brexx matapus niyang marinig mula sa kanyang secretary ang ginawa ng pinsan niya habang wala siya.

"Hey! Bro, kumusta?" Bungad ni Brexx sa kanya ng sagutin nito ang tawag niya.

"Malakas pa sa kalabaw, bro." Sagot nitong natatawa. "By the way, thank you nga pala sa pagsalo ng mga trabaho ko dito sa opisina." Pag-iiba nito agad ng usapan.

"Nhaaaa....wala yun, bro. Ang kumpanya mo ay kumpanya ko rin. Kaya ayaw kung mapabayaan habang wala ka." Ani Brexx sa kanyang kinailing niya. "So, kailan ang kasal bro?" Pag-iiba rin ni Brexx ng usapan nila.

LOVE AND PAIN(Completed)Where stories live. Discover now