Chapter 36: Merry Christmas

602 16 0
                                    


=x=x=x JAKE x=x=x=

It's already December 25...

Ang bilis talaga ng takbo ng araw.

Concert ko na mamayang gabi, i'm having mixed emotions about it.

Oo, ready na ako dahil naka ilang rehearsals ako bago dumating ang araw na ito.

I'm 50% excited and 50% nervous.

May practice ako kanina, pero half day lang. Buong maghapon sana yun pero sabi ko sa kanila... half day nalang...

Bakit?

Kabisado ko naman na ang lahat ng gagawin. Sayang lang ang oras kung paulit ulit kong papraktisin ang mga bagay na kayang kaya ko na.

Kasama ko si Jamie ngayon...

Oo, nakikipag-kita na ulit siya sakin since the night I got drunk.

Nasa rooftop kami ngayon para siguradong wala kaming kasama...

Safe kami.

Malakas ang hangin, tinatangay ng hangin ang buhok niyang nakalugay.

Ang sarap niyang pagmasdan...

She's so beautiful. Nakatingin lang ako sa kaniya habang nakatingin siya sa view.

Pareho siguro kaming may iniisip. Ako, ang iniisip ko ay siya...

Siya? Hindi ko alam, pero she's smiling so pretty while the wind is blowing her hair, looking at the horizon.

"Jamie..." pagbasag ko sa katahimikan.

Tumingin siya sa akin.

"Hm?"

May kinuha ako sa bulsa ko na papel at inabot iyon sa kaniya.

"I drew that for you... para kahit anong mangyari... hindi mo ako makakalimutan." sabi ko.

Tinignan niya yung papel at binuksan iyon.

Napangiti siya nang makita niya ang drawing ko.

"Ang ganda..." nakangiti niyang sabi habang nakatingin sa drawing.

"Kahit naman hindi ka mag-drawing nito... hindi ka mawawala sa isip ko." sabi niya.

Ngumiti ako at lumapit sa kaniya para halikan siya sa noo.

Tumingin din ako sa drawing...

Isang babae at isang lalaki na magkatabing nakaupo sa ilalim ng puno.

Masaya ako dahil nagustuhan niya.

Tumayo ako mula sa bench at pumunta sa likod ni Jamie na nakaupo parin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tumayo ako mula sa bench at pumunta sa likod ni Jamie na nakaupo parin.

Kinuha ko ang kwintas na nasa bulsa ko at dahan dahang isinuot iyon sa kaniya.

You're My (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon