Chapter 32: Friend Zone

675 18 3
                                    


=x=x=x JAKE x=x=x=

Kinabukasan...

Phone Ringing...

Bagong ligo ako nung tumunog yung phone, pag-labas ko ng banyo ay dinampot ko agad ang phone ko.

"Hello? Baby girl?" panimula ko.

"Hello, baby alien... hindi nga pala ako papasok ngayon ah." sabi niya.

"Ha? Bakit? May sakit ka ba? Okay ka lang, baby girl?" nag-aalala kong tanong.

Rinig kong napatawa siya.

"Ano ka ba? Wala akong sakit. Hindi ba pwedeng wala lang ganang pumasok?" natatawa niyang sabi.

Gumaan agad ang pakiramdam ko. Buti naman at ayos lang siya.

"T-teka... bakita ka naman nawalan ng ganang pumasok ngayon?" tanong ko.

"Wala lang.... actually, matagal na akong tamad pumasok, pinipilit ko lang ang sarili ko." sabi niya.

"Kung ganon... bakit ayaw mong pilitin yung sarili mo ngayon?" tanong ko.

"Kasi... wala naman masyadong gagawin ngayon. And... gusto ko ikaw muna ang makasama ko." sagot niya.

Napangiti ako.

"You mean... kaya ayaw mong pumasok... na-miss mo akong kasama?" nakangiti kong tanong.

"Oo... pero, pwede ka ba ngayon? Wala ka bang rehearsal?" tanong niya.

Kinilig ako sa sinabi niya. Hindi talaga siya papasok para sakin?? Dapat maging fair ako sa kaniya.

"Meron akong rehearsal... but... I can tell sir Alex that I can't go." sabi ko.

"Talaga?" tanong niya.

"Yeah, unfair naman sayo kung hindi. Saka miss na din kitang ka-date kaya lahat gagawin ko para makasama ka." sabi ko.

"Mm... ang sweet ah. Sige, magkita nalang tayo mamaya." sabi niya.

"Sige, i'll pick you up at 11:30am... okie?" sabi ko.

"Okie, baby alien!" sabi niya.

Napangiti nanaman ako.

"Bye"

She said the same.

Call Ended.

Hindi mabura ang ngiti sa mukha ko. Habang tumatagal... mas naiinlove ako sa kaniya.

Nag-bihis na ako nang maayos. Hindi na muna ako nag-hoodie pero nag-cap ako. Ang init kasi eh.

7:30am...

7am palang, maya-maya ko pa siya susunduin. Lumabas muna ako para magpahangin. Naisip kong umakyat sa rooftop, kung saan walang tao.

Naupo ako sa isang bench. Takot ako sa heights dati, sanay na ako ngayon. Pero hindi ko parin magawang sumakay sa mga roller coaster.

Nag-iisip ako habang nagpapahangin.

Gulat ako nang biglang may nag-salita sa likod ko.

"Katok ako nang katok sa kwarto mo, nandito ka pala."

You're My (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon