Chapter 3: Jamie Santi

1.9K 42 0
                                    

=x=x=x JAMIE x=x=x=

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

=x=x=x JAMIE x=x=x=

Pauwi na ako sa bahay...

Hindi ko parin makalimutan yung mukha nung englisherong lalaki na nakilala ko kanina, ang yabang niya, sikat lang siya ganun na siya? Aish!

Nakauwi na ako sa bahay...

"Jamie, nandiyan ka na pala!  Kamusta lakad?"  sabi ng daddy ko.

"Okay lang naman paps! Pero meron nga lang akong nakilalang lalaki na napakayabang... sumubra nga sa gwapo... kinulang naman sa bait... haaay!"  ang nang-gigigil kong salita.

"Hay nako, pabayaan mo na yung mga ganun... kulang lang sa pansin yun." ang natatawa si daddy habang nag-sasalita.

Si daddy nalang ang magulang naming magkakapatid. Iniwan na kami ng mommy namin nung nag-away sila ni dad...

Dalawa kaming magkapatid....

Ako at si Kyla.

Masaya naman kaming tatlo kahit kulang kami sa bahay...

Umakyat na ako sa taas at pumasok sa kwarto ko.

*Ring! Ring!*

May tumatawag sa cellphone ko...

Ay! OMG! Yung boyfriend ko pala yung tumatawag. Sinagot ko yung tawag...

"Love, napatawag ka, bakit? Na mimiss mo na ba ako?"  ang malambing kong salita.

"Oo, love! Miss na miss na kita! Excited na ako next month, makikita na kita ulit!" malambing niyang sinaba.

So nag-kwentuhan lang kami sa phone about kung saan-saan hanggang sa kailangan niya na i-end yung tawag. Haaaaay! Love na love ko talaga siya... ang sweet niya kasi, he's loyal, friendly, funny, and magaling siya sa sports, hahaha! Kaya kami nag-kasundo dahil dun. Sana kami na forever, ibang iba siya dun sa lalaki kanina, ano nga ba pangalan nun? Hmp! 'Wag na! Ayoko nang maalala.

=x=x=x JAKE x=x=x=

Haaay! Nakabalik na rin sa condo...

Ang lungkot nga lang, i'm all alone in this place... I have no one to talk to.

Lagi kong kausap ang sarili ko, minsan yung cellphone ko, minsan yung wall...

Haaaay! Bad trip naman kasi eh, a girl broke my heart, it made me realise that love is just a lie. Nothing but a four letter word... aish!

Bigla kong naalala yung girl kanina, hahaha! Yung masarap inisin... Jamie yata pangalan niya, hahaha! Kasing cute niya yung name niya.

Binigay niya nga pala sa akin yung number niya... hmmm...

Matawagan nga...

Hinanap ko ang number niya sa phone ko, at sinubukan ko siyang tawagan...

=x=x=x JAMIE x=x=x=

So nakahiga lang ako sa kama ko at hinihintay ko ulit na tawagan ako ng mahal kong boyfriend. Kinikilig ako sa tuwing naririnig ko ang boses niya.

Mga ilang sandali ay nag-ring ang cellphone ko...

Bumilis ang tibok ng puso ko.

OMG!!! Sana siya nga!

Pag-tingin ko sa cellphone ko...

Ay? Unknown number?? Sino kaya ito?

Bigla kong naalala na binigay ko nga pala yung number ko dun sa bwisit na lalaki kanina... aish! Ayokong marinig ang boses niya, kahit maganda ang boses niya, ayoko parin... naiinis ako.

Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba or what....

Haaaay! Wala din naman akong magagawa, kapag hindi ko sinagot... kukulitin niya parin ako...

So sinagot ko ang tawag...

Nagulat ako sa narinig ko...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Love? Ikaw ba yan?" gulat kong tanong.

"Ako nga, Love! Akala ko hindi mo sasagutin kasi ibang number yung ginamit ko, hehehe! Sorry ah! Siguro nag-dalawang isip ka nung nakita mong unknown number yung nakita mo, nanghiram lang kasi ako ng cellphone sa kaibigan ko, naiwan ko yung sakin sa bahay eh" ang mahabang paliwanag ng boyfriend ko.

"Okay lang yun, Love! Hehehe! Atleast tumawag ka, hinihintay kita eh." ang natatawa kong sinabi.

"Wow, kinilig naman ako dun, haha! Na- miss ko agad yung boses mo kaya tumawag ulit ako kaagad. Hehehe!" ang sabi ni Love ko.

So ganun ulit, nag-usap kami tungkol sa kung ano-ano. Hanggang sa matapos ang usapan....

Haaaay! Ang sarap talaga nung feeling na lagi ko siyang kausap kahit sa text or tawag lang. Feeling ko talaga... kami na ang meant to be.

Kailan ko kaya siya makakasama ulit ng matagal, alam kong babalik siya next month pero alam ko... aalis din siya kaagad. Hmp! Hindi ako mawawalan ng pag-asa.... magkakasama rin kami ng matagalan!
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

To be continued...

----------------------------------------------------------

A/N:    Too short huh? Don't worry....
            Babawi ako sa inyo next time
            Kapag maganda yung chapter.

           Baydawey... nagugustuhan niyo
           ba yung story? Comment what
           do you think of the story, any
           opinions are acceptable.

You're My (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon