Chapter 15: Theme Park

1.1K 23 2
                                    


=x=x=x JAKE x=x=x=

Nakarating na rin kami sa theme park.

Huminga ako nang malalim.

Bumaba na kami ng mini bus, inalalayan ko si Jessica sa pag-baba.

Pag-pasok namin, nag-lakad lakad kami para mag-hanap ng magagawa.

"Uy! Tara! Sakay tayo dun oh!" sigaw ni Drake habang tinuturo yung roller coaster na napaka taas at may dalawang loops.

Nag-tatatakbo sila papunta dun...

Nag-katinginan kaming dalawa ni Jessica.

"Hindi ka na ba takot sumakay sa mga ganiyan?" tanong ko.

Ngumiti siya.

"Walang nag-bago sakin, malulain parin ako." natatawa niyang sagot. "Ikaw ba?" tanong niya.

Napatawa ako...

"Hindi ako mahilig sa mga extreme rides eh." sabi ko.

Natawa din si Jessica sa akin.

"Wait lang ah! Punta lang ako sa CR." sambit ko.

"Okay." matipid niyang sagot.

Kaya umalis na ako.

=x=x=x JESSICA x=x=x=

Naiwan ako mag-isa kaya humanap ako ng mauupuan, nakita ko yung park bench na inuupuan ko dati nung nilapitan ako ni Jake. Dun ako naupo.

It reminds me of the past.

>Now Playing: Everytime by Chen and Punch<

Maya-maya... nakita ko si Jake na may dala-dalang mga ice cream. Inabot niya sa akin yung isa. Nangyari din 'to dati.

"Para saan naman 'to?" tanong ko.

Naupo siya sa tabi ko...

"Nakita kasi kitang naka-upo dito sa park bench kung saan tayo unang naging close. Bumili na din ako ng ice cream para mas kumpleto ang scene." nakangiti niyang sabi.

Napangiti nalang din ako.

Umusod siya palapit sa akin.

Kusang bumilis ang tibok ng puso ko.

Tinignan ko siya pero diretso lang ang tingin niya habang kumakain ng ice cream.

"Wag mo akong titigan nang ganiyan, baka sabay kaming matunaw ng ice cream ko." sambit niya.

Nagulat ako, parang ang lalim ng iniisip niya pero nakikita niya pala akong nakatingin sa kaniya.

"Uhm.. sorry, hindi ka nga pala komportable kapag tinititigan ka." sambit ko.

Napangiti nalang siya...

Nangangalahati palang ako, ubos niya na yung ice cream. Grabe siya.

"Ubos mo na?!" sigaw ko.

"Oo" matipid niyang sagot. "Bakit? May nakikita ka pa bang kinakain ko?" sarcastic niyang sabi.

"Nagtatanong lang..." sabi ko.

Natawa siya, ano kaya ang nakakatawa?

You're My (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon