Chapter 19: Stupid Life

1K 27 0
                                    


=x=x=x JAMIE x=x=x=

Nag-kukwentuhan lang yung mga kasama ko, nakikipag-kwentuhan sila sa mga kapatid ni Jake...

Mga ilang lakad lang ay nakita ko si Jake na parang may sinusundan siya ng tingin sa loob ng toy store.

"Guys, wait lang ah? Hintayin niyo ako, dito lang kayo." sabi niya sa amin...

"Okay." sabi ng iba.

Tumakbo na si Jake papunta sa toy store. Bigla akong na-curious.

So habang busy mag-usap yung iba, sinundan ko si Jake.

Hinanap ko siya sa loob ng toy store at nakita ko siyang may hinahanap. Hindi siya mapakali, mukhang importante yung hinahanap niya.

Maya-maya... nakita ko siyang tumigil sa kalilingon, nakatingin lang siya sa kung saan.

Sinundan ko ng tingin yung tinititigan niya.

Nakatingin siya sa mag-tatay na pumipili ng laruan.

Dahan-dahan siyang lumapit nang biglang humarap yung lalaki. Tumigil siya at parang pareho silang nagulat sa isa't isa...

"D-dad?" malungkot na sabi ni Jake.

Sobrang lungkot ng pag-kakasabi niya, parang nararamdaman ko yung nararamdaman niya. Tatay niya pala yun? Pero bakit parang malungkot siya na makita ang tatay niya? Parang nataranta yung tatay niya.

"Anak, tara na... hanap nalang tayo sa iba." sabi niya dun sa kasama niyang bata.

"But, dad... I like the toys here." sabi nung bata.

Nanlaki ang mga mata ko.

Ibig sabihin... may isa pang kapatid si Jake?

"Mark, let's go... we'll come back later." seryosong sabi ng tatay ni Jake.

Tulala lang si Jake at kita sa mga mata niya kung gaano siya kalungkot.

Lumakad na paalis yung mag-ama. Nilagpasan lang nila si Jake na parang hindi siya kilala ng tatay niya...

Ano yun? Anong klase siyang ama?

Nakita kong sumara ang mga kamay ni Jake habang malungkot ang kaniyang mukha. Nakakaawa siya.

Parang maiiyak na siya.

Lumingon siya sa likod niya at pinanuod niya lang maka-alis yung mag-ama.

Ang sakit nung nangyari kay Jake.
Binali wala siya ng tatay niya.

Pinunasan ni Jake ang luha niya at parang balak niya nang bumalik dun sa iba naming mga kasama.

Kaya nataranta ako, nag-madali akong bumalik, dapat maunahan ko si Jake.

Pag-balik ko doon, nakaramdam ako ng lungkot. Parang nakita ko ang sarili ko kay Jake.

Kung sila, iniwan ng tatay nila...

Kami naman, iniwan ng nanay namin.

Nakita ko si Jake, nag-lalakad na siya papunta sa amin, seryoso ang mukha niya habang naka-pamulsa yung dalawa niyang kamay.

Walang kahit anong emosyon, pero kung titignan mo  yung mga mata niya, makakaramdam ka ng lungkot at awa.

"Guys, saan na tayo?" tanong ni Jake habang walang kahit anong emosyon sa mukha niya. "Parang gusto ko nang mag-pahinga." dagdag niya pa.

You're My (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon