👑Chapter 11: {Golden crown}

Start from the beginning
                                    

"Salamat Pearly. Naging mabuti ka ring kaibigan sa'kin. At mamimiss talaga kita," tanging yun na lang ang nasabi ko.

Naiiyak na nga rin ako pero pinipigilan ko lang para puro happy memories lang ang maiiwan sa kanya.

"Sige. Punta ka na, baka mahuli ka pa ng mga madam. Mamimiss din kita, Ellaine," sabi ni Pearly.

Siya rin ang nagpapalusot minsan sa'kin kapag lumalabas ako sa Dark kingdom. Pero ngayon kaya na tuluyan na akong mawala? Ano kayang idadahilan niya this time?

"Sige." At tuluyan na akong lumabas sa Dark kingdom papunta sa sinabing lugar.

Madilim dito at hindi pangkaraniwan ang mga makikita mo. Sa aking paglalakbay, meron akong nakita na mga pating na natutulog.

Nagdahan-dahan akong lumangoy sa gitna ng mga pating na 'to pero merong pumulupot sa dulo ng buntot ko na halaman sa gitna ng mga pating.

Parang silang may buhay na kapag may dumaan sa tapat nila ay pumupulupot talaga sila rito.

Tinggal ko ang halaman sa buntot ko pero ang halaman ay naitalsik sa mukha ng isang pating kaya dahil dun nagising siya

Patay!!!

"MERONG NAKAPASOK!" sigaw ng pating na nagising.

Nagising na rin ang mga iba pang pating dahil sa sigaw ng pating na nagising.

Nakatingin na silang lahat sa akin na nasa gitna.

Patay na talaga ako ngayon!!

Kaya binilisan ko ng lumangoy para hindi makain ng mga pating na 'yan.

Pumapaikot na ako sa mga batong malalaki pero hinahabol pa rin ako ng mga pating hanggang sa nacorner na ako sa parang mas malaki pang bato.

Lagot na talaga ako. Dahan-dahan na silang lumapit sa'kin kaya napasigaw na lang ako.

"Aahhhhhh...." At tinakpan ko ang mga mata ko gamit ang mga braso ko.

*boogggsshhh*

Meron akong narinig na magic spell kaya tinanggal ko na ang braso ko sa mga mata ko para makita kung ano ang nangyari.

At nakita ko ang matandang lalaki na may minamagic ang mga pating para pumunta sa dati nilang pwesto kanina.

Nahalata ko na lumaki ang mga mata niya nang tuluyan niya na akong makita.

Kilala ba niya ako? Dahil ganyan siya kung makareact?

"Bakit ka pumunta dito. Mahal na prinsesa?"

Prinsesa? Nagbibiro lang siya 'di ba?

"Nagbibiro ka lang naman po ano lo?" tanong ko sa sinabi niya.

Tumawa lang konti ang matanda.

"Pasok muna tayo?" sabi niya.

Pasok? Saan naman kami papasok?

"Saan po tayo papasok? May bahay ka po ba rito?" nagtataka kong sabi nang ipinatong ng matanda ang palad niya sa gilid ng batong malaki kung saan ako nacorner kanina.

Bumukas ito? Teka, hindi lang ito malaking bato?

"Wow. Kweba pala ito?" tanong ko ng linilibot ang tingin ko sa loob ng kweba.

Medyo malaki rin ang loob ng kweba. At ang daming mga iba't-ibang sizes ng bote sa mga shelf na nandito.

"May tanong po ako," pagsisira ko ng katahimikan na bumalot sandali sa'min kanina.

"Ano yun?" tanong naman niya na nakatalikod sa'kin at may ginagawa.

"Kayo po ba ang royal sorcerer ng Pearl kingdom?" tanong ko sa kanya.

"Noon yun pero ipinadala nila ako rito para sa importanteng misyon," sabi niya na hindi pa rin humaharap sa'kin.

Ano kaya ang misyon niya? Nakakaexcite.

"Ano pong misyon yun?" tanong ko sa kanya.

"Magtago rito para hindi nila malaman kung nasaan ang Golden crown," sabi niya.

Ha? Yun lang?

"Yun lang po? Akala ko pa naman kung mag-aadventure ka na. Exciting pa naman yung pupunta ka sa lugar na hindi mo pa napupuntahan," sabi ko habang nangengealam na sa mga nandun sa mga shelf ng mga gamit ng sorcerer.

Teka, ano to? Isang mapa?

Pero bakit kalahati lang ito? Dahil sa curious ko kung saan tutungo ang map na yun, hinawakan ko na. Pero merong kakaibang nangyari.

"Bakit po nabuo ito? Kitang-kita ko po na kalahati lang nito kanina," pagtawag ko sa atensyon niya kasi nakatalikod pa rin siya sa'kin.

Pero nang narinig na niya ang sinabi ko, bigla niyang tinigil ang ginagawa niya at humarap sa'kin.

The Mermaid Princess (Complete)Where stories live. Discover now