"Thank you."

"Thank you, para saan?" Takang tanong ni Yasmin sa binata. "Thank you. Dahil hindi mo ipinalaglag si baby at itinuloy mo siya kahit wala ako sa tabi mo. Hindi mo siya hinayaang mawala kahit mag-isa ka lang." Saad dito ni Sefh na kinangiti ni Yasmin.

"Bakit ko naman ipapalaglag e wala naman siyang kasalanan. At sa milliong babae sa mundong ito na naghahangad mabuntis at magkaroon ng anak ngunit hindi nabibiyaan ay isa lang ako sa kanilang senwerte. Dahil binigyan ni God ng pagkakataon upang maranasan ang magbuntis, manganak at maranasan ang sakit kung pano isilang sa mundong ito ang isang anghel." Anito kay Sefh.

"Kaya hindi ko hinangad na ipalaglag siya noon. At lalo pa alam kung siya lang ang tanging magiging kakampi ko." Anito. Maingat naman hinaplos ni Sefh ang mukha ni Yasmin na dahilan upang maipikit niya ang mga mata ng lumapat ang kamay nito sa mukha niya.

"Hindi lang ang anak natin ang magiging kakampi mo at magtatanggol sayo. Dahil nandito rin ako, hindi ko man maipapangako kung hanggang saan at kailan kita maproprotektahan but i'll do my best to protect you." Ani Sefh kay Yasmin na kinamulat ng mga mata nito. Ang seryosong mukha agad ni Sefh ang namulatan ng mga mata niya.

"Sefh, bakit pala hindi natuloy ang kasal mo noon?" Curious ditong tanong ni Yasmin. "Dahil hindi ko kayang magpakasal sa iba lalo pa at hindi ko naman mahal o gusto. Itong puso't isip ko kasi ay iisang tao lang ang sinisigaw. Pero ang babaeng yun ay pinagtaguan niya ako. Muntik na akong masiraan ng ulo sa kakaisip kung nasaan kaya siya. Pero hindi hinayaan ng tadhana na mabaliw ako dahil hindi tinatanggap sa mental hospital ang mga gwapong kagaya ko." Sa sinabi ni Sefh ay biglang natawa si Yasmin. Dahil ang lakas talaga ng loob nitong ipangalandakang gwapo siya.

"Bakit ka tumatawa?" Nakasimangot nitong aniya kay Yasmin. "Wala. Gusto ko lang tumatawa. Wag munang ipagmalaking gwapo ka dahil alam kung gwapo kana." Ani Yasmin sabay pingot nito ng ilong ni Sefh ng bahagya.

"Ang haba na ng balbas mo. Ilang buwan ka ba naman kasing natulog." Puna ni Yasmin sa balbas ni Sefh. Noong una kasi niya itong makita ay manipis lang ang balbas nito. Hinawakan naman ni Sefh ang balbas niyang kinasimangot nito.

"Ibig sabihin e ang pangit ko na, na hindi na ako gwapo. Wala na akong pag-asa na magustuhan mo." Anitong nakasimangot na kinatawa ni Yasmin. Natatawa talaga si Yasmin sa inaasta ni Sefh. At pakiramdam niya ay nakalaya siya sa kahapon, na ngayon ay malaya siyang gumalaw at tumawa kung gusto niya.

Mabilis na sinapo ni Yasmin ang mukha ni Sefh at pinakatitigan niya ito. "Your still handsome. Kaya ngayon ay kailangan mo nang magpahinga kasi kailangan mong suyuin ang babaeng sinasabi mong sinisigaw ng puso't isip mo. Para magustuhan ka niya." Utos dito ni Yasmin sabay kindat nito sa binata na napangiti.

"Okey! sinabi mo e. Good night, mia regina." Anito kay Yasmin bago nito pinikit ang mga mata. Napangiti namang sinusuklay ni Yasmin ang buhok ni Sefh habang nakapikit na ang mga mata nito.

Naisip ni Yasmin na siguro nga ang lahat ay may dahilan. At bago mo makamtan ang happily ever after ay kailangan mo munang malampasan ang mga pagsubok na dadaan sa buhay mo.

Makalipas ang ilang minuto ay ramdam ni Yasmin na tulog na si Sefh. Kaya napangiti siyang pinagmasdan ang mukha ng natutulog na binata dahil naging malaya siyang gawin iyon.

Habang nakamata si Yasmin sa mukha ni Sefh ay nakarinig naman siya ng tila nagkakagulo sa labas ng kwarto ni Sefh. Kaya maingat siyang bumaba sa hospital bed ni Sefh at kinuha nito si baby Van at itinabi niya sa tabi ni Sefh. Nilagyan muna nito ng unan ang nasa gilid ni baby Van bago niya iniwan ang mag-ama niya. Maingat niyang binuksan ang pinto na siyang naging dahilan upang matahimik ang lahat ng nasa labas ng pinto.

LOVE AND PAIN(Completed)Where stories live. Discover now