Sign# 12

55 5 0
                                    


Minsan ang 'pag dadalawang isip, nauuwi sa misang pagkakamali. Kung anong meron sayo, tanggapin mo dahil ito ang hiniling mo.

"Eto si TJ?!" Sigaw sigaw ni Ali. Tumango ako. Nagtakip takip siya sa kanyang bunganga at parang di alam ang gagawin. "Eto?!" Ulit niya.

"Oo nga!" Sigaw ko.

"BES ANG PAPI! ETO YUNG SINASABI MONG KA DESTINY MO?! JUSKO BESH ANG PAPI NETO HOY!!" Tiling tili siya sa loob ng condominium.

"Hoy itikom mo nga ang bibig mo, Ali!" At inagaw ko sa kanya ang aking digicam.

"Bes! Huhuhu! Patingin! Jusko ang gwapooo! May hawak hawak pa sa baywang! Jusko bes katawan pa lang Papi na!!!" Talon talon niya.

"Ang O.A mo. Now you know." Sabay ngisi ko sa kanya.

"Shet, Alexis! Shet!" Niyugyog niya ako. "Kailangan naming makilala 'yang TJ na iyan. Now na!!"

Nanlaki ang mata ko, "As in now na?!"

"OO!" Sabay nilang sigaw ni Kiko.

Tumingin ako kay Kiko. "Uyy nakikisang-ayon. Alam na." Sabay halakhak ko.

Binatukan niya ko. "Adik! Syempre kailangan kong makilala 'yan baka mamaya sekten ke nye, este saktan ka niyan."

Tumawa ako, "Uyy si Kiko. Uso mag share!"

"Ipakita mo nga sa kanya si TJ dali!" Ani sakin ni Ali.

Pinakita ko ito kay Kiko at agad naman siyang nag iiwas ng tingin.

"Ano ba? Ilayo nyo nga sheken yen--sakin 'yan!"

"Confirmed!!" Halakhak namin ni Ali.

Hay nako Kiko!

Kinabukasan ay late ako nagising kaya madami nanaman akong natanggap na text messages kay TJ.

Agad din akong naligo at at inayos na muna ang gamit ko bago bumaba, ngunit may nawawala

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Agad din akong naligo at at inayos na muna ang gamit ko bago bumaba, ngunit may nawawala.

"Asan na yung...mega flickr ko dito?" Sabay halughog ko sa aking drawer. Nandito naman yung notebook ko. Yung cellphone ko, yung ballpen ko, yung questioners ko, nandito din yung stand ng camera ko. Nasaan 'yon?

Bumaba na ako at baka nandon lang iyon naiwan ko sa dining table kagabi.

"Ali, Kiko nakita niyo yung--tangines! Akin na nga 'yan! Late na nga ako, na late pa ako lalo sa pag hahanap niyang camera na 'yan! Nasa inyo lang pala! Tama na nga 'yan!"

Naglalaway na sila sa kaka tingin at kaka zoom ng mukha ni TJ roon. Si TJ lang talaga ang tinignan nila. Hayop sila.

"Siya na yata ang ideal man ko." Pakisap kisap mata na sabi ni Ali.

"Wow? Agad agad beh? Sabagay mabait naman 'yan. Pero take note: AKIN NA SIYA." At humalakhak ako at agad nagsandok ng pagkain.

"Ay ang kapal ng peslak ng ate mo! Hoy! Kung akala mo walang kayo! Walang label kung ano mang meron ang namamagitan sa inyo! Kaya tumigil ka nako!" Bitter na sagot ni Ali.

Natawa na lang ako habang kumakain. Binilisan ko ang kilos ko at agad na ding nakaalis.

Twelveth Sign: Things that symbolizes Heart.

Pagkarating namin sa Kennon Road ni TJ ay agad niya akong hinila pagkababa namin ng kanyang Trailblazer.

"Aray wait lang naman!" Hampas ko sa braso niya.

"Dalian mo, dalii!" Aniya.

"Ano? Excited na excited Mister?!"

"Madami kasing tao dito! Kaya dalian mo para maaga tayo matapos. Okay na po Miss?" Ngiti niya.

Ewan ko kung bakit pero bigla na lang akong naaakit sa mga labi niya, sa mga mata niyang masaya. Yung tipong walang problema. Ang gwapo mo, TJ. Ang gwapo gwapo mo.

"Huy?! Ano na? Start na tayo?"

Agad akong bumalik sa ulirat at kinagat ang ibabang labi. Lumunok muna ako ng sandali bago ngumiti, "Game na!"

Sa umabot na tatlong oras tatlo na din ang na i-interview namin. We have 14 interviewers. Apat na lang.

"Nagugutom ka na ba?" Tanong niya saakin.

Umiling ako habang sini-save ng maayos ang aming last na ininterview. "Hindi okay lang. Ikaw gutom ka na ba? Sige lang kumain ka na muna."

"Nah," kinuha niya ang kamay ko galing sa camera. "Hindi ako kakain hangga't hindi ka pa kumakain."

Tumingin ako dito at agad na sumulyap sa kanya. "Eh, Tij matagal pa 'to. Mukha kasing nag loloko nanaman ang camera. Kaya sige na ikaw na muna." Ngiti ko.

"Taho! Tahoooo! Taho kayo diyan!"

"Uh wait." Aniya at may kinuha sa bulsa. "Diyan ka lang ha?"

"Sige lang." Agad ko namang inayos at inasikaso ang gagawin ko. Mga ilang minuto bago bumalik sa pwesto namin si TJ.

"Here."

Tumingin ako sa gilid ko at may nakita akong strawberry taho doon.

"Ano 'to?" Tanong ko sa kanya.

"Avocado Taho." Sarkastikong sabi niya saakin. Inirapan ko siya. "Joke lang!  Sabay tawa niya. "Oh eto na, para naman bilisan mo ang ginagawa mo diyan, here's your strawberry taho Madam! With the color pink heart arnival on the top!" Masiglang sabi niya.

Humalhak ako sa ginawa niya. Kinuha ko ito at agad nagpasalamat sa kanya.

"Wala bang kiss diyan? Sige okay lang." Sabay nguso niya at tumingin tingin sa paligid.

"Wow ang kapal! Oh edi sayo na!" Bigay ko sa kanya.

"Joke lang joke lang, eto naman. Sayang naman yung pina heart shape kong arvinal kay Manong kung hindi mo kakainin." Ngisi niya.

"Heart shape arnival? Where?" Tanong ko.

Agad niya akong inakbayan at pinagdikit niya ang strawberry taho namin na nag sisimbolo ng heart. Ang galing.

"Your heart doesn't have a meaning or it wouldn't complete without me."

The SignsWhere stories live. Discover now