Sign #11

44 6 0
                                    


Malapit na, malapit mo ng makamtamnan ang iyong minimithi. Pero ito'y ingatan mo baka ito'y biglang mawaglit.

"Hindi ko din alam kung anong mga pahiwatig ni TJ.."

Kinuwento ko kila Ali at Kiko ang nangyari kagabi. Sobrang wala, lito at wala akong mausisa sa mga sinabi niya kahapon.

Una, dahil doon sa quote, alam niya iyon. Sa pagka-kaalam ko kaunti lang ang mga nakakaalam kung anong quote at kung sino ang nagsulat noon.

Pangalawa, doon sa destiny. Nainiwala pa rin siya kahit na nabigo siya noong sa kanya.

At pangatlo, doon sa sinabi niya saaking kailangan matapos ko itong mga Signs ko na ito. Kailangan matupad ko ito hanggang sa kahuli-hulihang wish.

Ugh! Gulong gulong na ako.

"Hindi kaya, siya ang nag send ng message na iyon saakin?" Bulong ko sa sarili ko.

Ugh! Imposible! Hiningi niya nga ang number ko di ba? Eh di wala pa siya ng number ko. Or kung hindi naman kaya, stalker niya ako? Or baka naman bodyguard nila Mommy? Or baka naman.....may masamang binabalak saakin?

"Ugh! Para kang baliw, Alexis! Kung lahat 'man 'yan ay iniisip mo. Eh di sana matagal ka na niyang kilala." Umirap ako habang kinakausap ang sarili.

"Alexis?"

Rinig kong katok nila Ali at Kiko sa kwarto ko.

Huminga ako ng malalim, "Pasok..."

"Oh anyare?! Jusko okay ka lang ba?!" Dali daling nag punta saakin sila Ali at inayos ang sarili ko. Ang damit ko, ang buhok ko pati ang kama ko.

Habang ginagawa nila iyan ay nakatulala lang ako. Pero kitang kita ko sa isang sulok at rinig na rinig ko ang pinaguusapan nila.

"Nako sinasabi ko sa'yo, Ali. Nababaliw na 'yang si Alexis." Ani Kiko.

Kinagat kagat ni Ali ang kanyang mga daliri. "Jusko, Kiko. Ano gagawin natin dito?! Nako humanda talaga 'yang TJ na 'yan, sinasabi ko na nga ba may gagawing hindi maganda 'yan kay Alexis!"

"Ipatingin na kaya natin siya sa psychiatrist?" Suhestyon ni Kiko.

Agad ko silang binato noong unan. "Mga gaga! Ano bang pinagsasabi nyo?!" Pinanlakihan ko sila ng mata.

Umilag si Ali, "Ay, Kiko! Jusko nababaliw na nga talaga."

"Halika't magdasal tayo." At naghawak sila ng kamay.

Pinagbabato ko sila habang sila'y nagdadasal na parang timang.

"In the name of the Father the Son and the Holy Spirit, Amen. Lord nawa'y pagpapalain at iligtas niyo po sa tukso ang aming nama-maalam na kaibigan. Hirap na hirap na po siyang maka-kain, makagalaw at maging masaya. Halos 4hours na po siyang ganyan. Lord, in the mercy of you give us strength to fullback this idiot na sumanib sa katawan ni Alexis Jana Wilson. Nawa'y maawa po kayo, Amen."

Pagkatapos nilang pumikit at dumilat ay nag mura at nag titi-tili sila dahil nasa harapan na nila ako at nag panggap na sinasapian.

"Damn, fuck this shit! Lumabas ka sa katauhan ni Alexis, nigguh!" At nagtakbo sa kama ko at nagtalakbong ng kumot.

"Hoy Kiko yung cellphone at digicam ko diyan! Parang tanga naman 'pag 'yan nasira!" Sigaw ko sa kanya agad hinablot ang gadgets ko.

"Bumalik ka na sa katauhan mo Alexis?!" Nanlaki ang mata niya.

"Bakit nawala ba ko sa katawan ko? Ikaw yata yung baliw diyan eh. Ang O.A mo tabi nga diyan!" Sabay inayos ko ang kama kong nagulo ni Kiko. Hayop talaga.

"Alexis? Ikaw na nga ba talaga 'yan?!" Iniharap niya ako sa kanya.

"Hindi!" At panggap akong zombie ng Train to Busan.

"Luh gago!" Sabay takbo niya ulit.

Tawang tawa naman si Ali at pati ako. Parang abno talaga iyang si Kiko.

"Ano bang nangyari sa kumag na 'yon? Anong nakain niyo?" Tanong ko.

"Ewan ko ba diyan kay Kiko! Sabi niya kasi apat na oras ka na daw walang kibo kanina pang umaga. Kaya siguro kung ano ano pumasok sa utak. Gaga talaga." Iling iling niya habang papalapit saakin.

Kinuha niya ang notebook ko at tignan ang pang labing isang Signs.

Eleventh Sign: Ako'y yayakapin sa likod at may ibubulong.

"Ay oh, ang bongga din talaga ng hiling." Sabay ngiwi niya saakin.

Tumingin ako sa kanya habang nag aayos ng gamit.

"Sobra sobra na nga iyang hiling ko. Dito ko malalaman kung totoo ba talaga 'yang mga Signs na 'yan. Gusto ko pa sanang hirapan kaya lang...naisulat ko na lahat diyan sa kwaderno ko."

Iniharap niya ako sa kanya. "Hoy, teka may sakit ba kaba?" At ni-check niya ang aking leeg.

Tinanggal ko ito rito, "Wala ano."

"Jusme Alexis? Ikaw ba talaga 'yan? Eh kung dati rati kung maka assume ka na totoo 'yang mga Signs mo at matutupad 'yon dahil lang sa destiny na 'yan. Pero ngayon? Jusko may himala nga!"

Natawa naman ako. "Syempre sa ngayon nag a-alangan na din ako. Bukod sa the Signs are okay, malay mo sa mga sususunod sa Signs at araw hindi na ito matuloy di ba? Ano ng mangyayari?"

"Ayan! Nakuha mo din 'yang point ko! Ayan yung sinasabi ko sa'yo! Ano? You get me?"

Tumango tango ako. Matapos naming mag usap ay nagpaalam na rin ako sa kanila, kay Kiko na nahimasmasan na. Abno talaga ang kupal.

Same destination, sa Session Road muna bago sa Kennon Road. Ganoon pa rin kami ni TJ nag uusap, nag tatawanan at nag kukulitan. Sa ngayon 12 interviewers na ang nahahalungkat namin. Pito na lang at malapit ko na itong matapos.

"Tigan mo 'yon." Aniya saakin sa isang gilid.

Tumingin naman ako dito, "Saan?" Humarap ako sa kanya at agad tumama sa pisngi ko ang daliri niyang kanina pa nakatutok saakin. Ngumisi ako natawa, "Ah ganon ah?"

Hinablot ko kwelyo niya at pinagasgas ko ang buhok ko sa tenga niya. May kiliti kasi siya doon. Namumula na kanyang tenga at ang kanyang pisngi sa sobrang pagtatawa.

"Hala ang cute nila, beh."

"Kaya nga eh, shet couple goals."

"Pota bes inggit meh."

"Ang gaganda at gwapo pa nila, hayop paano na us?"

"Picturan natin dali."

May nakita kaming flash na dumaloy sa aming katawan.

"Tanga! Bobo talaga neto 'wag mo lagyan ng flash, gago yare ka sa kanila."

Napahinto kami ni TJ sa pag kikilitian sa gitna ng park ng tignan namin ang mga babaeng nakangiti saamin.

"Nakakahiya," bulong ko sa kanya.

Siya naman ay nagpipigil ng tawa. "Wait," kinuha niya ang mega flickr ko at lumapit sa mga babae. May sinabi siya doon at agad naman nilang niready ang camera ko.

Nagtaka akong tumingin sa kanya. "Hoy ano 'yon? 'Wag mo sabihing ibibigay mo sa kanila 'yon? Hoy ang mahal mahal no--"

"Game!" Sabi niya sa mga babae.

Agad siyang nagpunta sa likod ko at niyakap ako rito. Gulat na gulat ako kaya't nag pumiglas ako. "Hoy, TJ..." Ngunit ng maramdaman ko ang maiinit niyang bisig na dumadamplos sa katawan ko ay natunaw na ako.

"1, 2, 3. Okay na po! Ay isa pa po! Wacky!" Anila.

Hindi na ako makagalaw at hindi makangiti ng maayos. Ngunit nang naging kumportable na ako ay nagawa ko ng makisabay sa kanya.

Kinalikot ng mga babae ang camera ko para icheck ang kanilang mga kinuha na umabot sa walo. Agad silang nag bubulungan at ngiting-ngiti.

"Ang cute daw natin." When his warm voice bounce into my ears, it gives me shivers to my spine lalo nang matanto kong nakahawak pa rin siya saakin baywang.

The SignsWhere stories live. Discover now