Sign #4

57 8 0
                                    




Everything can be possible if you a have a faith and dream big. Love isn't take a serious relationship it also take risks to fulfill what you're heart says even if it hurts or in trouble.

"Ano namang klaseng sign 'yan? Jusko." Maktol ni Ali.

Tumawa si Kiko. "Ano ka ba, symepre dito malalaman na natin kung coincidence lang ba talaga 'to oh hindi na. Kasi tigan mo, ililibre na daw kunno siya ng Kikiam ag Kwekwek!"

Fourth Sign: May mag lilibre saakin ng kikiam at kwek kwek.

"Syempre dahil favorite ko iyan at dahil sa wala na akong maisip. Edi ayan!" Ngiti ngiti ko habang inaayos ang camera ko.

"Yung pang five signs mo ano ba to--" pinutol ko ang sasabihin ni Ali.

"Ali, no! 'Wag mo munang sabihin oh basahin!" Sabay hablot ko sa kanya ng notebook ko.

"Ay grabe siya. May pa ganern ganern epek." Ngisi niya.

Tinarayan ko siya. "Basta, mamaya sure na sure na ako." Sabay lagay ko ng liptint.

"Oh siya ano pa nga 'bang sasabihin namin?" Laki ng ng butas ng ilong niya.

Tumawa ako. "You know naman pala eh."

Naka crop top ako ngayon at may patong na polo. Naka jeans then yezzy shoes. Pagkarating na pagkarating ko sa Session Road ay dumadami na ang tao. Ayan na marami na sila for sure naman siguro marami na akong makukuha dito.

"Hey, Miss may I interview po?" Tanong ko sa isang babae na may hawak na dalawang anak.

"Ah sige po."

"Dito na lang tayo medyo maaraw kasi diyan."

Nagsimula na akong tanungin siya. "Formal break up po sa Mister niyo oh wala po'ng pasabi?"

"Mmm, wala po'ng pasabi eh." Nahihiya niyang sinabi.

Tumango ako. "Tell me more po..." At agad naman siyang nag kwento.

Umabot na ako sa 3 taong interview. Bakit hindi pa naging lima? Ano ba 'yan. Gutom na gutom na ko dahil alas-sais na ng gabi. Gusto ko sanang pumunta sa coffee shop ngunit malayo na pala ako don.

Sa kakalakad ko makahanap ng i-interviewhin ay sobrang layo ko na pala.

"Fishball!! Kikiam!! Barbeque!! Kwek kwek!! Kalamares!! Bili na kayooo!" Ani ng Manong na naglalako dito.

"Ah, Manong! Pabili po!" Tumigil siya at tumingin saakin. Kailangan ko pa tumawid.

"Anong gusto mo iha? Pumili ka na riyan." Sabay abot niya saakin ng plastic cup.

Agad naman akong nag tusok ng kung ano ano. Kalamares, fishball at kahit nga barbeque at kung ano ano pa. Doon ko na din kinain lahat lahat. Nag usap pa nga kami ni Manong.

"Tiga-Maynila ka pala."

"Opo. Nandito po ako para po sa activity project namin."

"Eh hanggang kailan ka naman dito?"

"Ah nako saglit lang po. Mga 2weeks." Ngiti ko. "Ah sige po babayaran ko na, saglit lang po."

Kinapa ko ang pantalon ko at dumukot sa aking bulsa. Wala akong makapa doon kaya sa kabila naman, ngunit wala din akong makapa doon. Kumunot ang noo ko ng napansin na ni Manong.

"Ah wait lang po ah." Hindi na lang siya ang salita. "Nasaan na 'yon?" Lahat ng bulsa kinapa kapa ko na ngunit wala talaga.

Lumunok ako. Yari na ko. Ang kapal ko pa kumain dito tapos wala akong pambayad? Patay na ano gagawin ko.

"Kuya! Pabili nga po. 20 piraso po ng fishball tsaka 10 pirasong kwek kwek." Narinig ko'ng sabi ng isang lalaki na bumibili.

"Ano na iha? Asan na ang pambayad mo?" Tanong niya sakin.

Gumapang ang kaba sa dibdib ko. "Ah, Manong....nakalimutan ko po kasi ata yung wallet ko cond--"

"Nako patay tayo diyan. Hindi pwede iyan saakin." Sabi niya.

"Manong babalik na lang po ako dito. Promise po Manong babayaran ko kayo--"

"Nako iha hindi talaga pwede kailangan ngayon ay mag bayad ka na." Matigas niyang sabi.

Napangiwi ako. "Manong please po..."

"Ah, magkano po ba ang babayaran niya Manong?" Tanong ng isang lalaking...teka?! Siya yung nasa coffee shop ah? Siya yung lalaking naka violet! Bakit siya nandito?!

"Ikaw?!" Sabi ko.

Kumunot ang noo niya. "Uh, yes?"

"Hindi mo ko natatandaan? Ako yung babae sa Session Road, yung i-interviewhin ka sana? Tapos ako yung babaeng binigay mo sa'kin yung wallet ko sa coffee shop! Hey ako 'to!" Maligayang sabi ko.

Nakatingin lang siya saakin. "Naiwanan mo nanaman ba ang wallet mo?"

Tumawa ako. "Grabe 'to! Sa bahay lang naman hindi na sa public places."

"Tsk tsk." Iling niya.

"Grabe ang sungit." Nangi-ngiting sabi ko.

"Magkano po ba Manong?" Sabi niya.

"Bale 120 lahat."

Kumuha ang lalaki ng pera sa bulsa niya. Agad ko siyang pinigilan.

"Hoy nako hindi na! Babalik na lang ako dito."

"Ayaw nga ni Manong di ba?" Aniya. "Ako na. Ang takaw mo pala kumain."

Tumitig lang ako sa kanya.

'May lalaking dadating at ililibre ka.'

Ang fourth sign ko! Ang fourth sign ko!!

"Thankyou, thankyou talaga--ano nga pala pangalan mo?" Tanong ko.

"Thankyou Manong." Aniya habang inabot ang kanyang sukli at kanyang pagkain. Bumaling siya saakin. "TJ. Una na ko. Sana bukas 'wag na 'wag mong kakalimutan 'yang wallet mo." Sabay talikod niya.

"Thankyou, TJ!!" Sigaw ko. Binuksan ko ang notebook ko at agad ni-chek-an ang aking fourth sign.

Siya si TJ, ang aking ka-destiny.

The SignsHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin