Sign #8

58 6 0
                                    


Continue wishing what you want for.

Pagkauwi na pagkauwi ko ay agad kong tinignan ang cellphone ko at hindi nagkamali, may text nga si TJ doon. Agad akong nag reply sa kanya. Sobrang nakakapagod itong araw na 'to. Matapos kong check-an ang pang pitong sign ko ay nahiga ako sa kama.

Agad naman na may kumatok sa pinto.

"Pasok." Sabi ko.

"Paano kami papasok eh naka lock? Gaga!" Rinig kong sabi ni Ali.

"Ay sorry!" Tumayo ako at binuksan ito. "Oh bakit?"

Agad naman silang nag si-pasukan sa kwarto ko.

"Asan ang bulaklak, aber?" Pamaywang na tanong ni Ali.

Taka akong tumingin sa kanya, "Bulaklak?"

"Oo! Yung boquet of flowers 'asan na?" Si Kiko naman.

"Ano bang pinagsasabi niyo?"

"Yung sign mo! Yung sign number 7 mo! Nasaan ang bulaklak, aber?!"

Nung una naguluhan ako pero agad ko din itong nakuha.

"Ah! Yung bulaklak?" Pumunta ako sa side table ko. "Eto." Ngiti ko.

"HA?! NANDYAN YUNG MGA BULAKLAK SA PAPER BAG?!" Sabay sabay nilang sabi.

Tumango ako. "Uh-huh."

"Weh? Patingin!" Hablot ni Ali sakin ng paper bag at agad niyang hinugot ang laman. "Ano to?!"

"Teka..." Singhot singhot ni Kiko rito. "Chicharong bulaklak?!"

Tumango ako at agad niyang sinumbagan ito. "Akin na lang!"

"Ang palaboy mo talaga! Dun ka na nga! Che!" Taboy sa kanya ni Ali. "Ayan yung bulaklak?" Baling niya sakin.

Tumango ako at ngumiti ngumiti.

"Edi shing!" Sabay awra niya. Nagtawanan kami. Ano natawa sa itsura niya, siya natawa sa sarili niya.

Kinabuksan ay agad akong gumising ng maaga para tignan kung may mensahe ba doon si TJ. Ngunit wala.

Agad naman akong nalungkot. Si hanggang kahapon lang ang time niya para samahan ako sa Kennon Road? So it means ako lang pupunta mag isa doon.

"Goodmorning, Alexis!! Ang sarap ng chicharong bulaklak mo kagabi! Mag pabili ka pa kay Pareng TJ ha?" Ani Kiko habang sumisimsim ng kape.

"Baliw! Baka nga di na ako samahan no'n eh." Pahina ng pahina na sabi ko.

"Ha?"

"Wala. Maliligo na ko. Aalis pa ko." Sabay kuha ko ng tuwalya.

"Oh teka! Ano na ba yung eight sign mo?!" Sigaw niya.

Eight Sign: Aabutin ng gabi, hanggang makakita ng mga bituin.

"So magpapagabi ka?" Tanong ni Ali.

"Ewan ko lang..siguro? Dipende kung wala nanaman akong ma i-interview."

Napag desisyunan kong hindi na lang muna ako pumunta sa Kennon Road dahil hindi ko pa kabisado ang lugar na iyon. Stay na lang muna ako dito sa Session Road. 12 interviewers na ang nakukuha ko simula kahapon.

Biglang umulan ng malakas kanina kaya't 4 na oras akong naghintay para tumila ito. Alas singko pa lamang pero dumidilim na dahil sa ulan na nangyari kanina. Isa lang ang na interview ko kayong araw.

Ewan ko ba kung bakit ang aarte ng mga tao dito sa lugar na ito. Agad naman na bumuhos ang malakas na ulan kaya't napa stay ako sa coffee shop.

Mag aalas syete na ng gabi ng tumila ito. Nag pasya na ako na doon na lang din kumain para diresto pahinga nalang ako mamaya.

"Hey..." May biglang umupo sa tabi ko.

Nanalaki ang mata ko, "Oh, TJ. Bakit ka nandito?" Napahinto ako sa pagkain.

"Eh kasi alam kong nandito ka." Ngisi ngisi niya. Che! Hindi ka nga nag text saakin.

"Oh ilan ang na interview mo dito?" Tanong niya, "Waiter! I cappuccino frappe please. Thankyou." Bumaling siya saakin.

"Isa lang eh. Pano dalawang beses umulan ng malakas. Tapos ang tagal pa tumila kaya ayun."

Tumango siya, "Bakit hindi ka nag punta sa KR?"

"Eh ano? Ako lang mag isa? Nakakatakot kaya 'no!" Sabay simsim ko sa strawberry juice ko.

Tumawa naman siya, "Maaga ka ba umalis?"

"Hmmm. Maaga aga din. Why?"

"Dala mo cellphone mo?"

"Hmm, yes."

"You sure?" Tanong niya.

"Oo nga. Wait." Kinapa ko ito sa bulsa ko ngunit wala. Hinanap ko rin ito sa bag ko ngunti wala pa rin. Hindi ko ata nadala.

"Tama nga ako, you didn't receive my text kasi hindi mo dala cellphone mo." Tawa niya.

"Nag text ka?"

"Oo, sabi ko 'di muna ako makakasama 'coz there's a problem that I need to fix." Aniya.

Nagusap pa kami hanggang sa naisipan na namin na umuwi na. Pagkalabas na paglalabas namin..

"Wait! Look, Alexis...ang ganda."

Tinignan ko kung saan siya nakatingin at kung ano ang tinutukoy niya.

Napangiti ako, "Oo nga."

"Where's your camera?" Aniya

Agad ko itong binigay sa kanya. "Beautiful." Naka ilang shots siya sa pag picture ng mga stars sa kalangitan.

"Uy, may three dots stars dun oh. Ang sabi nila pag nakakita ka daw niyan, you can wish whatever you want." Ngiti ko sa kanya.

"Talaga?" Tanong niya habang nakatingin sa taas.

"Oo!" Maligayang sabi ko. Pumikit ako at agad humiling.

Sana mag patuloy tuloy pa ito. Sana maituloy ko 'tong larong 'to hanggang sa ka-huli-huli-hang Signs.

'Makakita ng bituin sa langit.'

The SignsWhere stories live. Discover now