Sign #15

65 6 0
                                    


Minsan ang isang bagay nag kaka totoo lamang kung may kasiguraduhan. Mahirap mag take advantage lalo na kung sa umpisa pa lang alam mong, malabo na itong mangyari.

*Krrrringgggggg*

"Hoy Alexis! Aba't punyeta ka bumangon ka na diyan!"

Narinig ko ang boses ni Ali sa labas ng aking pintuan. Agad akong naalimpungatan at agad dinilat ang mga mata.

Kabado akong napabalikwas sa kama. Kabado akong tumngin sa buong kwarto ko. Kabado akong tumingin sa mga gamit ko.

Chineck ko ang closet ko. Hindi ko nakita ang dress at jacket. Kinalikot ko ang camera ko at hinagulgol lahat ngunit walang pictures at videos namin doon. Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ang message ngunit wala doon ang text box namin. Nagulat ako ng nakitang nandoon ang notebook ko, ayos na ayos at wala pang sulat.

Hinanap ko doon ang mga pinagsulatan ko ng Signs ngunit wala. Halos kada isang page ay tignan ko ngunit wala. Binuksan ko ang pintuan para bumaba. Agad kong binuksan ang ref ngunit hindi ko iyon nakita.

"Nasaan dito yung chicharong bulaklak?!" Tanong ko sa kanila.

"Anong chicharong bulaklak? Bakit may binili ka ba kahapon?" Tanong ni Ali.

"Anong kahapon? Eh kahapon magkasama kami ni TJ." Sabi ko sa kanila.

Agad nanlaki ang mata nila, "Sinong TJ?!"

Kumunot ang noo ko. "Ano ba kayo, si TJ! Yung ka destiny ko!"

Mas lalo pang lumaki ang mata nila at napa awang ang bibig. "Hoy, Alexis! Ano bang pinagsasabi mo?! Wala kaming TJ na kilala! Tsaka ano yung sinasabi mong kasama mo yung TJ na 'yon kahapon? Eh buong araw ka nga lang tulog!"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig at pinagsakluban ng langit at lupa. No, this is just a prank. Niloloko lang nila ako.

"Hoy! Kayo ah 'wag niyo akong pinag lololoko! Kilala niyo si TJ! Siya pa nga yung nag hatid saakin dito tas sinabi niyo kung malaki ba oh hindi or ilang inches ba yung ano niya? Di ba?!" Ngiti ngiti ko.

Nakita kong nag kunot noo si Kiko.

"Tas kinikilig ka pa nga Kiko! Nako nako!" Sabay tawa ko.

"Ano?! Tangina, Alexis bakit ako kikiligin doon? Hindi ko nga kilala 'yon at lalaki pa? Nako tigilan mo ko!" Baton na boses na sabi niya.

Nagulat ako doon. Hindi bakla si Kiko? Eh pero di ba...

"Hoy ano bang nangyayari sa'yo? Nadidiliryo ka ba?!" Sabay kapa ni Ali sa leeg ko.

Agad ko itong tinanggal. "Umulan ba kagabi?" Seryoso na ang boses ko.

"Hindi." Prenteng sagot ni Kiko.

"Magkasama pa nga tayo sa bar sa Kennon Road kaya't ngayon ka lang nagising ang haba kaya ng tulog mo! Tignan mo hapon na." Taray saakin ni Ali at pinakita sa orasan na alas singko na ng hapon.

"Tas kung ano ano pang pinagsasabi mo kaninang umaga habang tulog ka, kessyo ano daw yon? Strawberry taho?" Sabay halakhak ni Kiko.

"Oo strawberry taho! Di ba pinakita ko sa inyo yun ng isang araw? Yung picture namin ni TJ na magkadugtong yung heart na arnival! Di ba?"

Nag kunot noo nanaman sila saakin. "Hoy! Ano bang nangyayari sa'yo?!" Niyugyog ako ni Ali. "Nanaginip ka no?"

Iyang salitang 'yan ang iniiwasan kong marinig at sabihin. Imposible. Imposibleng maging panaginip 'yon. 14 days? 14days na nangayari 'yon? At klarong klaro pa sa isipan ko ang lahat! Kaya imposibleng maging panaginip lang lahat yun! No! That's was so impossible!!

The SignsWhere stories live. Discover now