Sign #9

56 6 0
                                    


Lumaban ka. Kung ano ang gusto mo. Lumaban ka kasi kaya mo. At lalaban ka kasi, ayun ang gusto mo.

"Alam mo..pa unti unti na 'kong naniniwala sa mga Signs ni Alexis..kasi tignan mo 8 signs na ang natutupad! 8 signs, Ali! Hindi pa ba himala 'yon?" Pag bubukas nila ng topic sa harapan namin.

Ngumiwi na lamang si Ali, "Hmm, ako hindi pa rin."

"Bakit?!" Sabay na sabi namin ni Kiko.

"Jusko, 'yang mga Signs na 'yan either coincidence or...dinadaya lang ni Alexis 'yan."

Napaawang ang bibig ko. "Hoy? Anong dinadaya? Kahit kailan wala akong dinaya ni-isa sa mga Signs ko. Bakit ba kasi ayaw mo na lang ako suportahan?!"

"Suportahan? Kahit na sa huli masasaktan ka diyan sa mga Signs na 'yan suportahan pa rin?" Mataas na boses ni Ali.

"Hoy ano ba 'yan. Huwag na nga kayong mag away. Parang iyan lang pinagtatalunan niyo pa. "

Agad kaming natahimik ni Ali.

Kung makasumbat siya sakin? Eh kahit kailan wala akong dinaya ni isa sa mga signs ko tapos sasabihin niya hindi 'yon totoo?

Agad na may nag vibrate sa phone ko nasa table namin at agad ko iyong binasa.

"Sino daw 'yan?" Tanong ni Kiko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Sino daw 'yan?" Tanong ni Kiko.

"For sure 'yang letseng ka-destiny na 'yan ang nag text sa kanya!" Dabog ni Ali at pumunta sa kwarto niya.

Pinakita ko sa kanya ang mensahe.

"Oh, congrats! Mag c-celebrate ba tayo?" Sabay kain niya.

"Manahimik ka nga, Kiko."

Nagulat ako sa naging mensahe ng destiny ko. So nakakalahati na pala ako? At wala pa akong ni-isang mali? Ni-isang kulang? So tama nga ako! Hindi naman kailangan ng exact full details.

Ngumiti ako hanggang sa matapos kaming mag merienda. Nakakatuwa! Nakaktuwa na malapit na lang at makukumpleto ko na ito! Ang galing! Sana mag tuloy tuloy pa ito. Sana matapos ko ito.

Ninth Sign: Siya'y hihingi ng picture ko.

"Taray! Ang assumera mo dito ah." Matapos mabasa ni Kiko ang notebook ko.

Tumawa na lang ako. Matapos kong mag handa ay nag punta na kami ni TJ sa Kennon Road. Oo, nag text din kasi siya kagabi na dun na daw kami para mdaling matapos ang interview.

Hindi niya pa alam ang condo unit ko. At tanging sa Coffee Shop lang ang pagkikita namin.

Ng makarating kami doon ay agad kaming nakapaghanap ng tatlo. Ang saya pala ng gantong pakiramdam, yung may kasama ka sa mga gagawin mo. Yung kahit na pressure na pressure ka na nandyan sila para tulungan ka.

Natutuwa ako kay TJ kasi kahit na alam kong busy siya. Nandyan pa rin siya para samahan ako. Ni hindi niya pa nga ako kilala ng lubusan. Hindi ko rin siya kilala ng lubasan.

"Huy, tulala!" Pindot noya sa pisngi ko.

"Wala may iniisip lang." Sabi ko.

"Sino naman kaya iniisip nito? Ako 'no!" Sabay halakhak niya.

'Buti alam mo. Charot!'

"Hala hindi ah, kapal mo naman!" Sabay tawa ko.

"Weh? Hindi daw...nako nakakahalata na ako, Alexis ah." Nguso niya.

Hinampas ko siya sa braso, "Hoy! Ang assumero nito!"

At nagtawanan lang kami. Ako na ang naghanap ng i-interviewhin matapos ang pahinga namin.

"'Xis!" Tawag niya sa'kin. Agad naman akong napatingin doon at nakita kong pinicturan niya ako.

"Hoy!! TJ!!!" Sigaw ko. "Burahin mo 'yan!"

"Eh pano kung ayoko?"

"TJ!! Binabalaan kita."

"Aww, natatakot ako kay Miss Alexis.." Nguso nguso niya.

Ah ganon ah. Kinuha ko ang phone ko ng palihim at ni-ready na ang camera.

"Ang cute cute oh.." Sabay ni-zoom niya ang picture ko. Ugh! Adik talaga.

"Ano?" Ulit ko.

"Ang cute cut—aba, hoy! Hoy, Alexis delete it!" Sabay punta niya saakin.

Agad akong tumakbo. "Ang cute cute pala ah." Sabay tawa ko.."Eto ang mas cute cute, ugh..." Tawa ako ng tawa habng ni-zu-zoom ang picture niya.

"Sige ganyanan ah. Ok lang, at least may picture na tayo ng isa't isa..." Aniya.

"Epic nga lang!" At nagtawanan kami.

'Picture.'

The SignsWhere stories live. Discover now