"Oh! Please have a set Mr. Guerrero or I should call you Sefh. Masyado atang pormal ang last name mo na ginagamit." Anang babae. "By the way I'm Margot Elizalde." Pakilala nitong tinanguan lang ni Sefh. Inutusan nito sa pamamagitan ng kamay niya ang secretary niyang maunang maupo at sumunod naman siya.

"Oh! Who is she? I invite only you Sefh." Anang babae na nag-iinit ang tainga ni Sefh sa katatawag ng babae sa kanya ng Sefh. Hindi niya gusto ang pagtawag ng babae sa kanya. Parang naiirita siya na ewan.

"She is my secretary and we are here for business not for anything else." Ani Sefh na may diin ang bawat katagang binanggit. Alam ng secretary ni Sefh na galit ang boss niya at nagtitimpi lang ito dahil babae ang katapat niya.

"So, Miss Elizalde. Nagpadala po kayo ng email sa company ni Mr. Guerrero at sinabi niyong interesado kayong mag-invest sa kumpanya. Dahil po ayaw maging bastos ng boss ko ay pinaunlakan niya ang appointment na ito na sinasabi niyong invitetion. Kung alam lang siguro ng boss kung hindi pala ito appointment kundi invitetion ay malamang hindi tumuloy si Mr. Guerrero dito dahil kahit hindi ka mag-invest sa kumpanya niya ay hindi ito babagsak." Anang naiinis na secretary ni Sefh.

"Secretary ka lang, hindi ikaw ang sadya ko. So, shut up." Mataray na ani Margot. "So, how are you Sefh? Masaya ako na natigil na ang_

Natigil ito sa pagsasalita ng biglang tumayo si Sefh. "Jane, magtaxi kana lang pabalik sa opisina." Anitong hindi man lang lumingon sa mga ito.

"Ginalit mo ang boss ko. Wag ka lang magkakamaling magpakita sa kanya kundi gagapang kang parang anay. You see, parang ganito lang," anito sabay kumpas ng kamay sa ere. "At mawawalang parang bula ang pag-aari mo. Nakita mo naman kung pano natahimik ang kumakalat na balita sa buong Pilipinas at labas ng bansa ng isang iglap. Ganun din kung gustuhin ni Boss gawin sayo. Kaya kung ako sayo ay tumabi na lang ako at manahimik. At kung iniisip mong maaakit mo siya ng alindog mo. Pwes! sinasabi ko sayo. Malabong pumuti ang uwak para magustuhan ka niya dahil meron siyang ibang mahal at kahit sino ay hindi siya kayang pantayan sa puso ni boss." Anang secretary ni Sefh na nanggigil na wag sabunutan si Margot. Nabwebweset siya dito dahil hindi siya nakakain ng lunch dahil sa babaeng tila may kati sa singit.

"Sana nakuha mo ang sinabi ko sayo Miss Elizalde. Kilala ko ang boss ko at buong angkan nila. Kaya maghunusdili ka, baka hindi ampalaya ang makain mo kundi siling labuyo na tinalupan." Anito bago siya tumayo. "Bweset, kahit ikaw na lang ang babaeng natitirang single dito ay hindi kita type para kay boss." Anito sa isip bago naglakad palabas ng restaurant.

"Miss para daw po sa inyo ito." Boses na nagpatigil sa secretary ni Sefh. "Ako ba kinakausap mo?" Paniniguro nito. Tumango naman ang waiter na tumawag sa kanya.

"Lunch niyo daw yan sabi ni sir Mark. Kasama kasi nila ngayon si Mr. Guerrero." Anang waiter sa secretary ni Sefh. "Ganun ba, pakisabi....salamat." anito na bago niya tanggapin ang bigay sa kanyang lunch daw niya.

PALABAS na si Sefh ng makasalubong niya si Mark sa entrance ng MAV restaurant. Ito ang may ari ng MAV restaurant at alam ni Sefh na sikat ang pag-aari nitong restaurant sa buong Pilipinas. Dahil number one high class restaurant ito.

"Hey! Man." Ani Mark sa kanya na nakangiti. Agad na nakipagkamay ito kay Sefh at tinanggap naman niya ito. Magkakilala sila nito dahil sa business. Maging ang ibang kaibigan ni Mark na nasa mundo rin ng negosyo ay nakilala narin niya.

"Kumusta, bro?" Pangungumusta dito ni Sefh. "Ayos lang bro, busy ka ba?" Anito kay si Sefh.

"Not really, bro." Sagot dito ni Sefh.

"Kung ganun ay halika at nasa likod ang mga kaibigan ko. Nagpahanda kasi ng salo-salo dito si Misis." Ani Mark na makikita mo ang saya sa mukha ng banggitin niya ang asawa nito.

Napailing naman si Sefh na sumama dito. "Congrats nga pala bro, finally at nakita mo ang the right one for you." Anitong masaya para kay Mark.

"Thank you bro, darating ka rin dyan. Wag ka lang mainip. Dahil kahit ganu pa yan katagal ay darating at darating ang nakalaan para sayo. Kung umalis man yan ay babalik at balik parin sayo. Alam mo kung bakit? Dahil iilan na lang tayong mga gwapo sa mundong ito na loyal at mapagmahal na understanding pa." Ani Mark sa kanya na kinangiti niya. Naisip niya ay tama si Mark. Kung para talaga sila ni Yasmin ay babalik at babalik ito at magkikita at magkikita parin sila. Wag nga lang siyang sumuko sa paghihintay.

SAMANTALA habang nasa Italy si Yasmin ay palaki na ng palaki ang tiyan niya. Hindi rin lingid sa kapatid ng ina niya ang kalagayan niya. At dahil ayaw ipagsabi ni Yasmin na buntis siya ay nirespito ito ng tita niya.

"Baby, tingnan mo oh! ibinili kita ng mga damit mo. Kulay blue dahil magkakaroon ako ng superman." Ang nakangiting ani Yasmin habang iniisa-isa niya ang mga pinamili niyang damit para sa anak niya. Ilang buwan na lang ang hihintayin niya at makikita na niya at mahahawakan ang anak niya. Kaya excited na siya. Kung pwede nga lang niya hilain ang oras ay ginawa na niya.

"Kamukha mo kaya siya, baby?" Ang tinutukoy nito ay si Sefh. Kahit anong gawin niya upang kalimutan ang pangalan ni Sefh at mukha nito ay hindi niya magawa. Parang tumatak sa isip niya ang pangalan ng binata na paulit-ulit bumabalik sa isip niya.

"But ko ba iniisip ang daddy mo anak? Hindi ko na dapat siya iniisip dahil ikinasal na siguro siya ngayon sa iba. Sorry, baby kung sa paglabas mo sa mundong ito ay hindi mo siya makikita." Emosyonal nitong aniya.

"Ano ba yan, umiiyak na naman ako baby. Promise pipigilan ko na talaga ang sarili kung wag umiyak." Kausap parin nito ang maumbok na niyang tiyan.

Kahit nahihirapan si Yasmin sa pagbubuntis niya ay pinipilit niyang maging matatag. Kahit minsan ay tila may hinahanap-hanap siyang bagay ay pilit niyang nilalaban iyon. Minsan nagigising na lang siya ng madaling araw na tila may gusto siyang amoyin. Pero hindi naman niya alam kung ano yun. Kaya ang ginawa niya ay naghanap siya ng iba't ibang uri ng pabango at tinesting niya ang lahat ng amoy nun. At sa dami ng pabangong sinubukan niya ang amo'y ay iisa lang ang nagustuhan niya. Kaya sa tuwing may hinahanap-hanap ang ilong niyang amoy ay ginagamit niya ang pabangong yun at napapanatag agad ang loob niya kapag nalanghap na niya ito.

Habang iniisa-isang tingnan ni Yasmin ang mga gamit na pinamili niya ay bigla siyang natigil ng tumunog ang telephone. Alam niyang tumutunog lang yun kung tumatawag ang kuya Daniel niya at kuya Rolly. Mula kasi ng maisipan niyang lumayo sa mga taong kakilala niya sa Pilipinas ay ipinasya rin niyang wag gumamit ng mobile phone at laptop. Kaya tanging telephone ang nakakabit sa tinutuluyan niyang bahay.

Maingat na tumayo si Yasmin at lumapit sa kinalalagyan ng telephone bago niya ito inangat at sinagot.

"Hello."

"Baby,how are you there? Okey ka lang ba, do you need something? Sabihin mo lang." Anang nasa kabilang linya na kinatawa niya.

"Kuya Daniel, I'm good. So, nothing to worry. Don't worry kapag kailangan ko ang tulong niyo ni kuya Rolly ay tatawag agad ako sa inyo. Dahil sa ngayon ay wala pa naman akong problema." Anito sa kausap.

"Okey-okey! Basta wag mong pababayaan ang sarili mo dyan. Mag-iingat ka palagi lalo pa at buntis ka." Anang pinsan niyang nakakatanda sa kanya na may tunong pag-aalala para sa kanya. Hindi rin kasi inilihim ni Yasmin sa dalawa ang kalagyan niya ngayon. Hindi naman siya hinusgaan ng dalawa bagkos ay sinuportahan siya ng mga ito.

Hindi rin naman nagtagal ang pag-uusap nila Yasmin at Daniel ng magpaalam ito sa kanya. Kaya nakangiti itong muling binalikan ang kanina ay naudlot nitong ginagawa.

TBC.

➡Masama daw umasa kung walang inaasahan, pero kung may mabuti namang maidudulot sayo ang pag-asa ay sige umasa ka....hahaha!!! Anyway, thank you for always supporting may stories guys. God Bless you all and HAPPY MERRY CHRISTMASS

LOVE AND PAIN(Completed)Where stories live. Discover now