"Okey! Boss." Pagtalima nito sa utos sa kanya ni Greg. "Sige po, may ipag-uutos pa po ba kayong iba, boss?" Anito kay Greg.

"No, makakaalis kana." Sagot nito at agad naman tumayo ang isa. Pagkaalis ng taohan ni Greg ay siya namang pagkatok ng secretary niya bago ito pumasok sa loob ng opisina niya.

"Sir, meron pong dumating na email galing sa pinsan mong si Brexx." Anang secretary ni Greg.

"Okey! ipaadvertise mo ang nakasaad doon sa email. Ibigay mo sa mga TV network. Basta ikaw na ang bahala at alam mo naman kung pano mo sila kakausapin." Utos niya dito sabay sapo niya ng sentido. Halatang pagud ito ngunit hindi niya kayang ipagsawalang bahala ang pinsan niya.

"Okey! Sir, ngayon din ay ipapadala ko ito sa mga TV network na kunektado sa sayo. At sa Bora's advertising company. Mas mabilis kasi sila sa advertising gumawa." Anang secretary ni Greg bago ito umalis.

MATAPUS marinig ni Brexx at makita ang ipanagawa niyang trabaho sa mga taohan niya ay mabilis niyang naikuyom ang mg kamay sa galit. Dali-dali niyang sinamarize ang informationg nakuha niya bago niya tinawagan ang pinsan niyang si Greg. Alam kasi nitong malakas ang kapit nito sa midea. Kaya once na ito ang nagbigay ng information ay kakagatin agad ng midea. Matapus niyang makausap si Greg ay ipinadala agad nito ang email sa kumpanya ng pinsan niya bago niya inihanda ang sarili sa pagharap nito kay Moran Salazar.

Sakay si Brexx kasama nang driver niya ng land cruiser prado nito patungo sa bahay ng mga Salazar at nakabuntot naman sa sinasakyan ni Brexx ang isa pang sasakyan na kinalululanan ng iba niyang mga taohan.

"Boss, iyan ang bahay ng mga Salazar." Turo ng right hand niya kay Brexx ng huminto ang sasakyan nila sa tapat ng isang bahay.

Agad bumaba ang isa sa mga taohan ni Brexx at dali-dali itong nagdoor bill sa naturang bahay. Hindi rin naman nagtagal at meron nagbukas ng malaking pinto. Bahagyang nakipag-usap ito sa nagbukas ng pinto. Makalipas ang halos limang menuto ay nagsign itong pumasok na sila kaya mabilis na bumaba ng sasakyan ang right hand ni Brexx at ipinagbukas siya nito ng pinto nang sasakyan.

Naunang naglakad ang dalawa sa taohan ni Brexx papasok sa tahanan ng mga Salazar habang nakasunod siya sa mga ito at ang iba naman niyang mga taohan ay nasa likod niya. Bahagyang kumatok ang isa sa mga taohan ni Brexx ng marating nila ang pinto ng pamamahay ni Moran Salazar. Hindi naman yun nagtagal at meron nagbukas nun.

"Sino_

Hindi ito natuloy ng sasabihin ng makita niya ang mga kalalakihang nakatayo sa bungad ng pinto. "S-sino kayo?" Takang tanong sa mga ito ni Vivian na kakikitaan mo ng takot.

"Gustong makausap ng boss namin ang ama mo, nandyan ba siya sa loob?" Tanong ng taohan ni Brexx kay Vivian.

"Vivian, sino yan?" Boses yun ni Moran na dinig ni Brexx.

"Gusto daw po kayong makausap." Sagot dito ni Vivian.

Tuloy-tuloy na pumasok ang mga taohan ni Brexx kasama siya ng mga itong kinabigla ni Moran. Ngunit mabilis rin itong umaktong tila hindi apektado sa pagdating ni Brexx.

"Mr. Guerrero, anong maipaglilingkod ko sayo at napadalaw ka atah?" Nakangiti nitong aniya kay Brexx na wala kang makikitang emosyon sa mukha niya.

"I'm here because I wanna talk to you." Seryoso nitong saad sa lalaki. "Oh! so, come with my office, doon tayo mag-uusap." Alok nito kay Brexx.

"I don't need a private conversation with you Mr. Salazar. Dahil gusto kung marinig nila ang pag-uusapan natin. And I think that was a good idea." Anito. Tila may pagtutol naman sa mukha ng lalaki dahil sa tinuran ni Brexx.

"Okey! so, have a set Mr. Guerrero." Alok nito sa binata na agad naupo. Tiningnan naman ni Moran ang anak niyang dalaga at nagsasabi ang mga mata nitong umakyat ito sa kwarto niya. Agad naman yun nakuha ng dalaga ay tatalikod na sana ito ng magsalita si Brexx.

"Let your daughter to stay here Mr. Salazar." Tila ma autoridad nitong utos sa lalaki. Kaya tiningnan nito muli ang anak at inutusang bumalik sa pamamagitan ng mga mata. Kaya walang nagawa si Vivian kundi ang maupo sa kanilang sala at makinig kung ano man ang pag-uusapan ng mga ito.

"So, Moran Salazar ang anak ni Eleanor Salazar." Ani Brexx na ipinagtaka ni Moran. "Prangkahin na kita Mr. Salazar kung bakit ako nandito ngayon sa pamamahay mo." Saad dito ni Brexx.

"Nandito ako para iparating sayong alam ko kung bakit ganun na lang kung naisin mong maging myembro ng Guerrero family ang anak mo. Gusto mong gamitin ang anak mo para isakatuparan ang plano mong paghihiganti sa buong angkan ng mga Guerrero." Diretsahang saad dito ni Brexx na kinabigla ni Vivian.

"I know sinusunod mo lang ang hinabilin sayo ni Eleanor. Pero naitanong mo ba minsan kung bakit kaya gustong paghigantihan ni Eleanor ang angkan ng mga Guerrero? I'm sure, hindi diba?" Anito sabay tawa ng mapakla.

"Alam mo ba kung bakit siya ipinagtabuyan ng mga angkan ng mga Guerrero? Ganito lang naman yun, walang kasinungalingang hindi nabubunyag hindi man ngayon pero bukas ay makikita mo. Niluko ni Eleanor noon si lolo, nagpanggap siyang buntis. Pero lumabas ang tutoong hindi siya tutoong buntis. At dahil hindi lang yun ang unang kasinungalingang ginawa niya kaya pinaalis na lang ito sa bahay nila lolo. At pasalamat siya at hindi sa kulungan ang bagsak niya." Paglalahad ni Brexx kay Moran.

"And do you think sa angkan lang ng mga Guerrero siya gumawa ng kasamaan. I don't think so?" Ani Brexx. Samantala ang mag-anak na Salazar ay hindi alam kung ano ang sasabihin. Maya't maya ay may larawang kinuha si Brexx at inabot yun kay Vivian. "Can you see this picture." Ani Brexx sabay abot nito ng larawan kay Vivian.

"Do you think. Who is he?" Tanong ni Brexx kay Vivian. "He is my Dad." Sagot nito sa kanya.

"Are you sure?" Paniniguro pa ni Brexx dito. "Yeah! I'm sure that he is my Dad." Anitong segurado sa nakita. Natawa naman si Brexx sabay iling na ipinagtaka ng mga ito.

"Lorenzo Dominguez born April 28, 19**. Anak ng mag-asawang Luna at Felix Dominguez. December 18, 19** ng mawala si Lorenzo. Walang makapagsabi kung sino ang kumidnap sa kanya at kung pano siya nawala." Anitong kinalaki ng mata ni Vivian ng tila alam na niya ang ibig sabihin ni Brexx sa kanila.

"Lumipas ang taon na paghahanap ng mag-asawang Luna at Felix sa anak nilang si Lorenzo ngunit walang  nangyari hanggang ngayon." Muli nitong pagkwekwento sa mga ito.

"Luna and Eleanor are close friends. Noong mga oras na hindi matanggap ni Eleanor na hindi siya magkakaroon ng anak ay si Luna ang dumamay sa kanya. But what happen after that? And do you think who took Lorenzo?" Makahulugan nitong tanong.

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Moran sa narinig nito matapus niyang pagtagpitagpiin ang mga sinabi sa kanya ngayon ni Brexx. Gusto niyang sisihin ang sarili sa katangahan niya. Bakit hindi niya agad napagtanto na ang taong nakilala niya ay hindi pala niya tunay na ina. At ito gumawa pa siya ng bagay na dati na rin palang ginawa ni Eleanor noon. Ang manira ng buhay ng may buhay. Gusto man niyang sumbatan ang kinalakihang ina ay hindi niya magawa dahil sumakabilang buhay na ito.

"Patawarin ka ng Poong lumikha sa ginawa mo, hindi lang isang buhay ang sinira mo kundi marami. Sarili mong kaibigan ay pinagkaitan mo ng kaligayahan dahil sa kasakiman mo." Ani Moran sa isip.

"Sana naging malinaw na sayo ngayon ang lahat Mr. Salazar or I should call you Lorenzo Dominguez. It's not to late para itama mo ang mga pagkakamaling ginawa ni Eleanor. You have time to met your real parents na pinagkaitan ni Eleanor ng pagkakataon na makasama ka." Saad dito ni Brexx bago siya tumayo. "I think nasabi ko na ang lahat ng gusto kung sabihin sayo. I have to go." Dugtong nito sa tinuran sa tila nawalan ng imik na si Mr. Salazar.

Pagkatalikod ni Brexx ay naiiling na lang siya sabay hinga ng malalim. Naisip niyang maswerte parin siya dahil hindi niya naranasan ang naranasan ni Moran. Nabuhay ito sa huwad na paniniwala dahil sa isang sakim sa yaman na si Eleanor. Kahit nasa ilalim na ito ng hukay ay patuloy parin ang kasamaan niya dahil sa maling paniniwalang iminulat niya sa taong ipinagkait sa tutoo niyang magulang.

TBC.

➡Thank you for always voting my stories guys. Kaya maraming love-love mula sa akin para sa inyong lahat. I love you all and God Bless.

LOVE AND PAIN(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon