CHAPTER 41

16.4K 378 163
                                    

Kinakabahan akong lumabas ng kwarto, nakatitig lang sakin si Kuya... "Alam mo, out na 'ko sa ganito eh. Bahala ka na sa buhay mo. Just don't cry in front of me again." At pabagsak niyang sinara ang pinto. Hindi ko alam sa nararamdaman ko ngayon. 

Nakakaramdam ako ng saya dahil nandito si Trystan at hinihintay ako't makikita ko na naman siya, kinakabahan dahil makakaharap ko ulit siya, feeling ko nagi-guilty ako sa ginagawa kong pakikipagkita sa kanya kasi nandyan si Russel... Feeling ko nagtataksil ako sa kanya pero... Pero wala namang namamagitan samin diba? Hindi ko naman boyfriend si Russel, hindi pa nga ako sigurado sa talagang feelings niya para sakin eh. 

Musika! Magkakaanak na yang ex mo, ano ka ba! Dapat iniisip mo yun eh! 

Pero kasi! Namimiss ko lang talaga siya... I have this odd feeling of wanting him back but... Russel's face keeps popping up in mind! Ano ba talaga 'tong nararamdaman ko? Nalilito na 'ko eh. 

Natagalan ako sa pag-iisip sa loob ng kwarto ko at naisip na naghihintay nga pala si Trystan sa baba. Agad akong tumayo at inayos ang sarili tapos lumabas ng kwarto. Pababa pa lang ako ng hagdan ay nakita ko na siyang may dalang bulaklak. Kikiligin ba 'ko? Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko... Ang awkward!

"Mika," tumayo siya at ngumiti ng sobrang lapad. Yung ngiting namiss ko... Aaahhh! Ano ba naman Musika! Binigay niya ang bulaklak sakin pero nag-aalangan akong tanggapin ito pero... ugh sige na nga. Nakakahiya naman kung di ko pa tanggapin."A-Ahh... thank you. Nag-abala ka pa." Di ko alam pero napangiti ako't inamoy ang flowers. Natauhan ako't tiningnan siya. "A-Ano, gusto mo ng maiinom? Juice or ano?" Natataranta na naman ako eh. "De, okay lang. Makita lang kita ayos na 'ko." "Bola!" Heto na naman... nakikipag-usap na naman ako sa kanya na para bang walang nangyari. Nakakalimutan ko na naman lahat... "Si-sigurado ka?" tanong ko. Kung sigurado ba siyang wala siyang gustong inumin o kainin. "San?" "Na wala kang gustong inumin?" Ngumiti siya ulit, yung ngiting parang Oishi Patata, may something. Hahaha! Joke joke joke! "Isa lang naman ang gusto ko eh." Kumunot ang noo ko, "May gusto ka pala eh. Ano nga 'yon?" Napakalot nalang ako sa ulo. "Ikaw." Napatigil ako sa pagkalot at napatitig lang sa kanya. Ano ba 'to, ano ba 'to... Mika, Musika come back to your senses! "H-Ha?" tumawa siya. "Wala, sabi ko ang ganda mo." Napaiwas ako sa tingin niya at tumalikod. "Alam ko." Ewan ko sayo Mika... 

Kumuha ako ng juice sa ref. Napatulala ako habang nilalagyan ang baso't natauhan nang bumuhos ito mula sa baso. "Kuso..." (Shit) Kumuha ako ng basahan at nilinis tapos bumalik sa sala. Okay, just breathe in and out normally... "Here..." Nilapag ko sa coffee table ang juice niya at umupo sa harap niya. Di ako makatingin sa kanya kaya tumingin lang ako sa paligid ng bahay. "May gagawin ka ba ngayon?" tanong niya. "W-Wala naman, bakit?" "Gagala sana tayo." Pero Mika... Mika si Russel... "H-Ha?" "Pwede ka ba?" Iniwas ko ang tingin niya kasi sobrang gwapo niya talaga. Hahaha! Ang landi ko! "San naman?" Oh no... Gusto ko ba? Gusto ko ba? Aaarghhh! "Kahit saan mo gusto." Gusto ko sa theme park eh. Nakakamiss na kasi yung... yung nasa Japan kami. "Libre mo?" pagbibiro ko. "Oo naman. Di naman pwedeng ikaw ang gumastos." Napaisip ako. Sasama ba ako o hindi? Sasama o di sasama? Punyemas naman oh! Ano ba naman 'to... ang hirap! 

Baka kasi wala nang next time... 

"Magbibihis muna 'ko." "Sige, take your time." Tumayo ako at umakyat ng kwarto. Nasa harap lang ako ng salamin at pinagmasdan ang mukha ko. Tama ba 'tong desisyon kong sasama sa kanya? Pano na si Millicent? Buti sana kung walang motibo si Trystan pero kasi... sabi niya hayaan ko nalang raw siyang bumawi. Hinahayaan ko na siya ngayon pa lang diba? Ano ba talaga, Musika? Tsaka si Kuya, wala na siyang pake sa love life ko, wag lang raw akong umiyak sa harap niya. Psh. Buti pa si Kuya Shun, namimiss ko na nga siya eh! Pag nalaman ni Kuya na gumala ako kasama si Trystan, magagalit ba siya? Sila Joyce, magagalit kaya sila sakin o ano? Lahat sila galit kay Trystan eh... Si Russel na ata ang sinusuportahan nila. Gusto ko naman 'to eh, seeing Trystan again makes me happy so... why am I getting really worried? Kinuha ko na ang bag ko at lumabas ng kwarto. Tumayo si Trystan nang makita niya ako pababa ng hagdan at umalis na kami ng bahay. Dala niya ang kotse niya at pinagbuksan niya 'ko ng pinto. "A-Ako na." Siya kasi sana ang maglalagay ng seatbelt sakin kaya inunahan ko na siya. "Salamat kasi pinagbigyan mo 'ko." Anong sasabihin ko??? "A-Ah... bored rin kasi ako eh. Walang magawa sa bahay?" Great answer Miks! "Buti nalang talaga't bored ka. Siguro di mo 'ko sasamahan pag hindi noh?" Tumawa lang ako na parang ewan at pinaandar niya na ang kotse. 

Pag Ako Pumayat, "HU U?" Ka Sakin!: SEQUEL (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon