"You dated Stacey and Miranda at the same time? And they thought I was you when I'm discussing something with Kuya Axel's secretary!"


"Oh? You got slapped?" Natatawa pang tanong ni Dwight. Gago talaga. "Sorry, bro. Sorry." Tapos ay itinulak na ako ni Dwight kay Clyde at nilayasan kaming dalawa. Pero bago ako tuluyang tinalikuran ni Dwight ay nakuha pa niya akong bulungan ng "he's not".


Tiningala ko si Clyde at noon ko lang napansin na namumula nga ang mga pisngi niya. Akala ko dahil lang iyon sa init ng araw kaya namumula, hindi pala.


Walang kibong hinatid ako ni Clyde sa susunod kong klase. Hindi ko nalang pinansin since badtrip yata talaga siya sa nangyari sa kaniya. Akala mo naman first time masampal. Pero nakakaawa rin itong si Clyde kung minsan dahil nga sa mga ganoong pangyayari.


"Pasok na ko." Paalam ko kay Clyde na kaagad akong pinigilan sa kamay kaya napaharap ulit ako sa kaniya.


Clyde took off the cup from my head and put it on his back pocket before he gently fixed my hair and tucked some on my ears.


"Fetch you later. Let's have an early dinner." Then, he kissed my forehead.


Kinunutan ko lang ng noo si Clyde at sinundan ng tingin. May kinikilig pang mga freshman sa tapat ng classroom namin. Nakita yata iyong ginawa ni Clyde.


"Naku Chesca, wala kang pag-asa." Sabi nung isa na may magulo at itim na buhok. Mukang mataray pero maganda.


"Alam ko naman na wala akong panama sa barbie girl ng campus, pero crush ko pa rin si Clyde!"


Sabi nung tinawag na Chesca habang palayo sila. Bumaling sa akin iyong isa na pinaka-morena sa kanila at may mahabang itim na buhok at mga mata na parang napaka-inosente. Tinanguan niya ako at bahagyang ngumiti na para bang ihinihingi ng paumanhin iyong mga kasama niya.


Nagkibit-balikat nalang ako. Normal na sa akin ang mga ganoong tagpo. I mean, sino ba naman kasi ang hindi magkakagusto kila Clyde at Dwight? They are the most handsome twin you'll ever meet in this campus! Idagdag pa na blue-eyed sila kaya talagang head turner ang drama.


Noong natapos lahat ng klase ko, walang Clyde na dumating. Medyo disappointed ako lalo na at nagugutom na ako kaya nag-taxi nalang ako pauwi. Kung kailan talaga kailangan ko si Clyde saka siya biglang hindi magpapakita. Ano na naman kaya ang nangyari sa lalaking iyon?


As much as I wanted not to care, hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko na mag-alala. Ang hindi pagsipot ni Clyde ay isa lang ang dahilan palagi, he's in trouble. And I hate to admit to myself that I'm so worried right now.


Alas onse na ng hating gabi and yet, hindi pa rin umuuwi si Clyde and he's not even answering any of my calls!


Clyde slept with his lights on at ilang beses ko ng sinisilip ang kwarto niya pero ganoon pa rin, patay pa rin ang ilaw kaya alam ko na hindi pa siya nakakauwi.


"Saan na naman kaya nagsusuot ang lalaking iyon?"


Then I remembered what Dwight told me early this morning -- Clyde's not a virgin! Posible kayang may kasama iyong babae ngayon at --


"No, Amber. Don't ever think about it. At ano ba ang pakialam ko kung ganoon nga? At bakit ba kinakausap ko ang sarili ko?"


Hindi ko na alam kung anong oras ako nakatulog pero sigurado ako na sobrang late na dahil tinanghali ako ng gising. It's already eight in the morning at alas nueve ang una kong klase!


Chasing Hearts (DH 6 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon