Kabanata 25.

16.8K 434 18
                                    


"YOU'RE NOT COMING back because you've decided to be with him, huh?" Sarcasm was vividly laced on his voice as he said that. "Now I know why you keeps on avoiding me these past two weeks."


I remained staring at him. He looks exhausted pero hindi iyon nakabawas sa kakisigan niya. The stubble on his face, his messy hair, wrinkled shirt, rugged pants – lahat ng iyon ay mas lalo lamang nagpatingkad sa sex appeal ni Clyde. Hindi na rin pala masama ang isang rugged-looking na Claudio.


Ginagap niya ang mga kamay ko at dinala sa labi niya. "Let's run away, Amber." Pumatak ang luha niya sa kamay ko na noon ay malapit sa labi niya.


Parang piniga ang puso ko. Nagsikip ang dibdib ko hanggang sa napahikbi nalang ako. Ayokong magsalita kaya paulit-ulit akong umiling kay Clyde.


"Please?" pagsusumamo niya at unti-unting lumuhod sa harap ko na lalo lamang nagpabigat ng nararamdaman ko. "Let's run away from all of this, Amber. Handa akong iwan ang lahat para sa'yo. Sumama ka na sa akin, please?"


I wanted to say yes to his proposal. It's so appealing – me and him, running away; mamumuhay ng panibago at magsisimula ng isang pamilya ng kaming dalawa lang at walang anuman na kailangang isaalang-alang. Pero hindi pwede.


For the nth time, I shook my head. "Tumayo ka na riyan. Nakakahiya, Clyde!" we're in an open space at ang ilang customer mula sa bar na napapadaan malapit sa amin ay napapatingin.


"Not until you agree to my proposal." Matigas niyang sabi.


"You can't do this, Clyde. Hindi pwede. Paano ang pangarap mo? Ano nalang ang sasabihin ng mga magulang natin? Hindi pwede. Hindi ko kaya na ako ang maging dahilan kung bakit hindi mo maaabot ang pangarap mo." Tama na iyong mga taon na ako ang naging dahilan ng mga rejection mo.


Natahimik si Clyde. Sinamantala ko iyon at pilit siyang itinayo at niyakap. "We don't need to runaway, Clyde. We just have to wait for another two years." Bulong ko sa kaniya habang hinahagod ko ang likod niya.


Gumanti ng yakap si Clyde – mas mahigpit.


"Hindi ko kaya." Bulong niya at lalo pang humigpit ang yakap sa akin.


"I need to fix everything between me and Drae so we can start with a clean slate, Claudio." Itinulak ko siya at tiningala. "Drae is a good friend, Clyde. Siya ang tumulong sa company namin almost three years ago when it's on the brink of bankruptcy and even though he knew that we're engage to be married, not even once he pushed that idea. Wala kaming balak ituloy iyon kaya hanggang ngayon ay hindi pa kami officially engage. Pero nanghihingi si Drae ng dalawang taon bago namin sirain ang kasunduang binuo ng parents naming. I don't exactly know his reason but I think, deserve niya ang dalawang taon na hinihingi sa akin dahil sa laki ng naitulong niya kila Papa."


"Then why stick to him?" madiing sabi ni Clyde. "He even had the guts to kiss you right in front of my eyes!" Parang hindi naman ito nakinig sa mga sinabi ko.


"I told you, we're friends and he's mad because of what you did. He just wanted to piss you off." I explained. There's no need for him to get jealous over Drae.


"Friends don't kiss each other on the lips, Amber!" Naroon pa rin ang galit sa tinig ni Clyde nang sabihin iyon. She couldn't help but smile.

Chasing Hearts (DH 6 || Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon